Jaynee's POV
"Steve, ano ba! Hindi ako makahinga!" Bulyaw ko sa kanya pero mas hinigpitan niya lang ang yakap niya.
"Hmmm" Iyan lang ang sagot niya. "Aray!" Daing niya ng kinurot ko siya sa tagiliran kaya napabangon siya ng wala sa oras.
Nakahiga kami sa kama ko at ang isa kasi dito kung makayakap sa akin kalain mo naman eh parang tuko. Kanina pa siya at dinagan pa tala sa akin ang binti niya na akala mo eh ang liit at ang gaan. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumuso lang siya.
"Wala ka bang plano magtrabaho?" Naiiritang tanong ko sa kanya.
Mabilis naman niyang iniling ang ulo niya.
"Bukas nalang, aabsent muna ako ngayon lang naman eh!" Mabilis niya ulit akong niyakap at hiniga sa kama. Agad ko naman piningot ang tenga niya. "O-ouch! Masakit!" He complains.
Hinawakan niya ng marahan yung namumula niyang tenga. Kita ko rin ang pagsimangot niya sa ginawa ko sa kanya.
"Aabsent ngayon lang? Sigurado ka? Naka-usap ko si tita, dalawang linggo kang absent." Naiinis na singhal ko sa kanya. Nginusuan lang niya ako kaya tinampal ko ang nguso niya. "Magbihis ka na kasi papasok ka sa trabaho."
Agad naman siyang umiling na parang bata. Then he clings his arms on mine at parang pusa kung ikiskis ang ulo niya sa balikat ko. Ano bang problema ng lalaking ito? Napaka-isip bata akala niya naman cute siya.
Hay! Oo na, cute siya.
"Ayoko nga, dito muna ko, pleaseeee! Pretty, please! I want to be with you!" Pabebe niyang sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.
Napabuntong-hininga nalang ako. He won! I have no chance on winning against him when he starts using his charms and besides, acting 'pabebe' is one of my weakness when it comes to him.
"Okay, fine!" Mabilis naman siyang humarap sa akin. Nagniningning ang mga niya kaya ang sarap dukutin.
"Talaga? Okay lang sayo?" He sound excited kaya naman nginisihan ko siya.
"Syempre.........."
"Yehey! So pasyal tayo?" Mabilis niyang tanong kaya mabilis ding umikot ang mga mata ko.
"Sabi ko, syempre.......... hindi pwede dahil sa ayaw at sa gusto mo papasok ka sa trabaho." I grin at him victoriously.
Akala mo ah!
Agad namang sumimangot ang mukha niya. Ang cute talaga niya kaya mahina kong kinagat ang cheeks niya at pinanggigilan. Wala naman siyang reklamo at hinayaan lang ko sa ginagawa ko.
"Gusto ko kayong kasama eh! Bukas nalang, please!" Pamimilit pa niya. I shook my head.
"Sasama nalang kami ni Aiken para bantayan ka. Baka kasi atakihin ka nanaman ng impaktang higad eh, mahirap na." Madiing sabi ko sa kanya kaya ngumiti agad siya.
"Sige papasok na nga ako, pero kiss mo muna ako!" Ngumuso pa talaga siya.
"Sige, pikit ka."
Agad naman siyang pumikit at mas pinahaba pa ang nguso. Natatawa tuloy ako sa ka-childdish-an ng lalaking ito. Kinuha ko agad ang unan ko tsaka natatawang sinubsob mukha niya doon.
"Hahahahaha!!" Tawa ko pero sinimangutan niya lang ako.
"Ang harsh! Isang kiss lang eh!"
"Nakarami ka na nga kanina di ka pa nakokotento?!" Ngumuso lang siya.
Hay naku! Why so cute Steve? Tumayo nalang ako at kinuhaan siya ng susuutin niya kasi may mga tambak siyang damit dito. He has to work. For our future, charrooot! Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako mula sa likod.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...