CHAPTER 44: Memories

1.1K 20 7
                                        

Jaynee's POV



Kinakabahan na tinatawan ko ang mga estudyanteng pumapasok sa classroom na kinaroonan ko. Sa tingin ko ay mga kaklase ko sila. First year highschool ako dito pa San Vicente High at kahit isa wala akong kilala. Si Eugene Nathaniel Castro aka Euna, ang friendship kong binabae kasi sa probinsiya balak pag-aralin ng papa niya para daw hindi matuluyan sa pagiging binabae.

Kaya mag-isa ako ngayon habang hinihintay na dumating ang mga kaklase ko. Masaya ang iba na kausap ang mga kaibigan nila at ang iba naman ay nakahanap na ng mga new friend samantalang ako, wala.

Napatingin ako sa wristwatch ko at ilang minuto nalang ay oras na ng first subject namin na English. Halos naka-pwesto na ang lahat pero ako nakatingin sa vacant seat sa tabi kong upuan. Parang walang gustong tumabi sa akin. Pero, okay lang naman.

Hindi ako loner, hindi rin naman ako masyadong palakaibigan sa iba. Hindi ako sanay na ako ang unang nag-aaproach para makipag-kaibigan.

Kasabay ng pag-ring ng bell ay ang pagpasok ng dalawang kaedad kong lalaki na tumatawa pa sa isa't-isa. Nilibot nila ang paningin nila sa buong classroom at dumako ang tingin ng isang lalaki sa kinaroonan ko at napatingin sa vacant seat. Naka-brush up style ang buhok pero cool tingnan. Tinapik niya ang kasama niya at tinuro ang isa pang vacant seat sa likuran ko.

Habang naglalakad sila ay siya naman ang pagpasok ng English teacher namin na batang-bata pa ang itsura. Nagsitayuan agad ang mga classmates ko. Lumapit sa akin ang lalaking naka-brush up at nakangiting nagtanong.

"Hi, may nakaupo ba dito?" Tanong niya at tinuro ang upuan sa tabi ko kaya agad akong umiling. "Dito nalang ako ha." Nakangiti niyang sabi kaya lumabas ang kagwapuhan niya.

"Sure." Ngiti ko pabalik. "I am Jaynee Silvestre." Pakilala ko at nilahad ang kamay.

Naisip ko lang na ang pangit kung seatmate kami pero di namin kilala ang isa't-isa.

"Aiden Steve Montellon." Nakipag-shake hands siya sa akin. Medyo natawa pa ako ng makita ang color yellow na towel nakalagay sa likod ng uniform niya.

"Good morning class!" Masiglang at masayang bati ng teacher namin.

"Good morning, ma'am." Bati namin pabalik.

Nagpatuloy ang klase namin hanggang sa matapos ang dalawang subjects namin. Nag-bell hudyat na recess na pala. At dahil wala naman akong kasabay ay dito nalang siguro ako sa room kakain. May dala naman akong snacks kasi in-expect ko na wala naman akong kasabay sa canteen para kumain. Nagsilabasan na lahat ng classmates ko at tatlo nalang kaming natitira. Ako, ang katabi at ang kasama niyang lalaki kanina.

"Aiden, tara na!" Pag-aaya ng kasama niya at akmang lumabas.

"Sige." Sagot niya at bumaling sa akin. "Hindi ka ba pupunta ka canteen?" Tanong niya.

"Hindi na." Maikling sagot ko.

"Tara sama ka sa amin."

Aangal pa sana ako pero bigla niya nalang akong hinatak at siya mismo ang nagdala ng bag ko kaya wala akong nagawa. Nang makalabas kami at nakangising mukha agad ng kasama niya ang sumalubong sa amin.

"Hanep ka Aiden, nakadagit agad ng chix!" Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Hi miss beautiful, ako nga pala si Christian Fajardo. You can call me Chan for short." Nakangiti na nilahad niya ang kamay niya na agad kong tinanggap.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon