CHAPTER 01: Welcome Back

4.3K 62 1
                                    

Jaynee's POV




"Mommy wake up please!" Pilit na niyuyugyog ng anak ko ang balikat ko para gisingin at dahil tinutopak nanaman ako ay nagkunwari akong tulog kahit pa para na siyang tuko na nakakapit sa akin. "Mommy! If you don't wake up in three seconds I won't shower you with my kisses when we reach home!" Parang nagtatampo na ang boses nito. Napabukas naman ako ng mata dahil sa sinabi niya. "Yehee! My mommy pretty is awake! Look she's awake!" Masiglang sabi pa nito saka pinagsigawan sa loob ng eroplano na gising na ako! Ayun nagtawanan ang mga kasabay namin.

Watdaef! Nakakahiya! Juice ko pong bata ka sobrang lakas ng loob mo Aiken Evan Silvestre!

"That kid is really cute!"

"Oh my gosh! He's so adorable!"

"I want pinch his cheeks!"

The plane is now full of laughters because of my son. Paano ba naman ang cute kasi masyado at sobrang daldal pa! Masyadong hyper at parang bulate sa kakagalaw. Lumapit pa ito sa mga pasahero at nag-bless isa-isa. Ang iba naman ay nagtaka sa ginagawa niya kasi hindi naman lahat mga Pilipino ang kasabay namin.

"Come here, baby!" I called him but he approaches me with a knitted eyebrow while pouting. "What's with that face my cutie baby boy?"

I ask still smiling but my son's face is really epic! Hahaha! Parang mauutot ng wala sa oras. Hindi naman siya kumain ng mabolo o kamote.

"Mommy I told you I'm not a baby anymore! I'm already four, turning five. I'm a big boy now mommy! Soon I will have a lot of girlfriends!" Naka-pout parin ito at yung mukha ko naman ang epic ngayon!

Seriously? A lot na nga, girlfriends pa! Tsk! Kabata-bata pa eh babaero na agad! Manang-mana sa.....nevermind. Naku kung di ko lang talaga anak 'to eh baka tinapon ko na sa bintana ng eroplano. Yung mga nakarinig naman ang tumawa. Hehe nakakahiya naman!

"Hay naku baby you're too young for that." Pinaupo ko ito sa lap ko saka hinalikan sa pisngi at inamoy-amoy. Ang bango talaga ng baby boy ko!

"Mom like I said when I grow up, I will court Ariana Grande and she will be my girlfriend."

Wala! Laglag nanaman yung panga ko sa pinagsasabi niya niya! Ang taas din ng pangarap ng bulinggit kong ito!

"E-eh but she's older than you." Sabi ko dito pero nginisian ako.

"It's fine mom as long as we like each other. Try to notice mom, our names both starts with letter A so I think we're meant to be." Sabi niya saka kinuha yung cellphone ko saka naglaro ng ML.

Putcha! Saan niya ba natututunan ang mga bagay na ito. Biglang namang pumasok sa isip ko ang nag-iisang taong alam kong nakaimpluwensiya ng ganito sa baby boy ko! Arrghhh!!

"Where's your dad?" Tanong ko dito.

"He said he'll gonna use the toilet." He didn't even look at me and continue playing with that game!

Tsk! Kaiinis kasi kapag nag-ML na yan eh hindi na yan lilingon sa akin at magiging seryoso na yan.

"Looking for me, pretty?" Napatingin ako sa kabuteng nagsalita na sobrang lapad ng ngiti habang umuupo sa tabi ko kaya nginitian ko rin ito. Maya-maya pa ay, "Awwh! O-ouch! P-pretty m-mashaket--ouch!" Piningot-pingot ko lang naman ang tenga niya kaya ayun nangangamatis.

"Ikaw kung anu-ano ang tinuturo mo sa bata!" Mahinang sigaw ko sa kanya kasi nakatingin na pala sa amin ang mga tao.

Shit nakakahiya nakalimutan kong di lang pala kami ang tao dito! Hehe ngayon pa talaga ako nahiya kung kailan nagawa ko na!

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon