CHAPTER 02: Stalker

3.5K 57 0
                                    

Jaynee's POV

"Perfect!" Malakas na sigaw with matching palapak pa ni Euna habang tinitignan ako pagkalabas ko sa dressing room ng botique na pagmamay-ari niya.

Si Euna lang naman ang pinakamatagal kong naging kaibigan. Walang tumatagal sa akin kasi hindi naman ako mahilig makipag-close kahit kanino. At ngayon lang muli kami nagkita ni Euna after five years ng pagpapakalayo ko at since nalaman ko na may boutique na siya ay dito nalang ako maghahanap ng masusuot.

Steve and I are here to choose what to wear for tita Gertrude's birthday party tomorrow. Si Aiken andoon kasama mag-bonding si mom and dad.

"Thanks for your help, Euna. Maasahan ka talaga sa mga ganitong bagay." Nag-beso muna kami bago nagpaalam na aalis na sana pero ang bruha gusto pa atang makipagkwentuhan.

Nakapili na rin naman si Steve ng susuutin at meron na rin si Aiken kaya hindi na rin ako busy dahil wala pa namang masyadong gagawin. Ipapadala nalang daw mamaya yung mga napili namin.

"Naku ghurlalu syempre naman maasahan mo eketch!" May pahampas-hampas pa siya sa braso. And yes, she's a he! Euna instead of Eugene. Pormal siyang manamit at parang lalaki pero kapag ako ang kasama o may ibang gwapo bigla nalang siyang nagiging binabae. "Hoy bebe ghurl matanong ko lang huh, saan si fafa?" He asked.

"Sa labas obviously, waiting for me." Walang ganang sagot ko. Her eyebrows knitted.

Sino ba ang ibig niyang sabihin?

"Ghad bebe ghurl! I'm not referring to pappy Steve, si fafa Jezreel yung tinutukoy ko! Hay naku ghurl naiistress eketch eng beautee ke sayooo!" Malanding sabi niya. I raised her my eyebrow. "Hephep! What kind of look is that huh?" Humawak pa ito sa bewang niya na parang nanay na nambwebwesit ng anak.

"Who's Jezreel?" Nakataas-kilay kong tanong kaya namilog ang mata niya.

Putspa! Para siyang butiki na naipit.

"Hoy ghurlalu!!!" Malakas niyang tili. "Y-you? Do you have amnesia? Oh my gosh waaahhhh! I'm sorry bebe ghurl. You're so kawawa naman! Huhuhu!!" Mas lalong lumakas ang pekeng iyak niya kaya binatukan ko siya ng sobrang lakas. "Awtz bebe ghurl hah! Shadishta ka pa rin hanggang ngayon hah!" Angal niya ulit.

I raised my eyebrow at her at kita sa mukha niya ang pagkainggit sa natural kong kilay. Maganda rin naman ang kilay niya kasi makapal kaya lang mas maganda ang akin.

"Anong amnesia pinagsasabi mo diyan?" I asked kaya muli siyang napatili ng mahina ng ambang babatukan ko nanaman siya.

"Omo! Kung wala kang amnesia bakit hindi mo kilala si fafa Jezreel?" OA niyang tanong.

Hinubad ko nalang yung mermaid gown na design niya mismo saka naglakad palapit sa kanya na seryoso ang mukha ko. I don't know what happened to her kasi para siyang basang sisiw na umaatras habang umaabante ako.

"Who the hell is that Jezreel?!" I shouted at epic ang mukha niya. Takot na takot eh trip ko lang naman siya. Nang hindi ko na napigilan ay napatawa nalang ako ng wala sa oras. "Hahaha!! Nakakatawa talaga ang mukha mo, Eugene! Hahaha!" Kita ko ang naiinis niyang mukha kasi naisahan ko siya.

"Euna bebe ghurl hindi Eugene." She rolled her eyes at me. "Seriously hindi mo talaga kilala si fafa Jezreel?" Interesadong tanong niya.

"Like I said hindi ko siya kilala."

"How come? You don't have amnesia pero hindi mo kilala ang tao. Pinaglololoko mo ba ako ha Jaynee?" Tanong niya na parang sasabog na.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon