Jezreel's POV
Ilang araw na rin ang lumipas ng pumunta dito si Jaynee kasama si Aiken. I was really shocked that time at ng puntahan ako ng maid namin si kwarto ko. I was sleeping when she called me saying Jaynee and Aiken are downstair at si Lira naman ay nasa kitchen and making the breakfast. Kaya wala sa sarili akong bumaba dahil sa takot na baka makita ni Jaynee si Lira.
Ayokong makita niya si Lira dahil mas magiging komplikado ang sitwasyon namin.
I know I'm being selfish but I don't want to lose both Jaynee and my baby with Lira. She's seven months pregnant with our baby girl at dalawang buwan nalang ay makikita ko na ang anak ko. Not that I don't have a plan of telling Jaynee about Lira and our baby, it's just that hindi pa kami okay. Nililigawan ko pa siya kaya alam kong hindi niya ako sasagutin kapag nalaman niya ang tungkol kay Lira.
Hindi ko naman pinapabayaan si Lira. I spent my free time on taking care of her and our soon to be daughter. Ganoon din ang ako kina Aiken and Kaitlynn. Dahil malapit na siyang manganak, I'm looking for a personal nurse na mag-aalaga sa kanya kapag wala ako.
But I honestly don't know what to do after her delivery. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin dahil gusto kong mabuo ang pamilya namin ni Jaynee but how about my child with her?
I accepted her kasi ayoko maulit ulit ang nangyari sa amin ni Jaynee. Ayokong hindi ako kilalanin ng anak ko gaya ng nangyari sa amin ni Aiken. I once regret it and I don't want this to happen again.
Hay! Naiisip ko kung kailan kaya ako sasagutin ni Jaynee?
And now here I am, hinihintay ang out niya sa company nila. Niyaya ko kasi siyang mag-dinner and she said yes. May sasabihin din daw siya sa akin kaya nae-excite ako kasi baka sasagutin niya na ako. Kanina pa ako nakatayo dito at naghihintay sa kanya. I also notice some of the passersby taking a glance at me and giggling like crazy.
'I know I'm handsome. Tsk!'
Agad akong napangiti ng makita siyang kakalabas lang. She looks so pretty kahit na halatang stress sa trabaho. Ngumiti siya ng makalapit sa akin.
"Shall we go?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumango. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan. Agad din akong pumasok sa driver's seat at agad pinaharurot ang kahit wala pa kaming destinasyon. "Where do you want to have our dinner?" Tanong ko dito kaya napangiti siya.
"Hmm, huwag kang aangal kung saan ko gusto." Nakangising sabi niya.
"Sure."
Malawak siyang ngumisi sa akin. I don't know what she's thinking pero alam kong kakaiba nanaman. May pagka-ewan pa naman itong si Jaynee minsan. And I was right. Napanganga nalang ako ng tumigil kami sa harap ng isang---lomihan?
'Seriously? Lomihan ni Tita Susan?'
Napatingin ako kay Jaynee na malawak na nakangisi sa akin.
"Bawal umangal kasi ikaw ang nag-tanong sa akin." Napailing nalang ako.
I have no choice but to eat here. Ayoko naman na mag-inarte sa harap niya at baka hindi na niya ako sagutin ng tuluyan. Actually it's my first time in a lomihan and I honestly don't know what's lomi.
"Malinis ba dito?" I ask her kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Arte mo naman! Huwag kang mag-alala malinis dito at masarap ang lomi nila." Hinila niya ako agad at pumwesto sa pinakadulong bakanteng upuan. May lumapit naman agad na waiter ata at may dalang papel at ballpen. "Ate dalawang large na lomi 'yong may itlog ah, apat na porckchop i-slice mo na rin tsaka dalawang mountain dew na malamig." Masayang sabi niya sa babae bago ito umalis.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
