Steve's POV
6 months ago........
At the wedding hall.....
Hearing how these people cheers and seeing how blissful they were seeing Bridgette get married with me, their screams made me want to throw up. I had enough seeing their delighted faces. Sila lang ang masaya. I was not happy and I don't think I will be.
I never imagine saying this infront of someone aside from Jaynee but here I am, walang emosyon na sinabi ang katagang alam kong pagsisisihan ko buong buhay ko.
"I.........do"
Nagpatuloy ang semonya and it was time for Bridgette to say her vows. Halata sa mukha niya ang kasabikan habang nagaganap ang kasalan. But before she could even say her vows we heard a loud noise.
*bang*
*bang*
Dalawang magkakasunod na putok ng baril.
Napayuko ang lahat at napasigaw sa takot at huli na ng ma-realized ko na natumba na pala si Bridgette sa harapan ko. Matapos ang dalawang ingay na iyon ay wala ng sumunod pa.
"B-brigette..." I called her name. Agad ko siyang binuhat pero nakapa ko ang malagkit na basa sa likod niya.
"My daughter!" Sigaw ni Mr. Madrigal.
Di ko na pinansin si Mr. Madrigal at agad na binuhat si Bridgette para dalhin sa ospital. Humahabol pa sa amin ang mga magulang niya at kapatid niya.
'She can't die! She's carrying my child.'
Napasinghap ang mga bisita ng makita si Bridgette na may tama ng baril at agad na nagbigay daan sa amin. Good thing there was a car waiting for us nearby. I immediately hopped in while still carrying her.
"Diretso tayo sa ospital, manong." Saad ko sa driver na agad namang tumango at pinaandar ang sasakyan. "Bridgette," Tinapik ko ng mahina ang pisngi niya but she's already unconsious. "Please, don't die on me! You're carrying my child. Fvck!" I don't know but I just found out a hot liquid flowing from my eyes.
All I could think is my child. Gusto kong mabuhay siya para mabuhay din ang anak ko.
Mabilis naman na nakarating sa ospital ang sinasakyan namin. Pinagtitinginan pa kami dahil sa suot namin pero wala akong pake. Pinasok agad siya sa ER at makalipas ang ilang minuto ay nilabas siya ng nakahiga sa ospital bed.
Lumapit ang doctor sa akin.
"She needs an immediate operation." Agad naman akong tumango sa sinabi ng doctor.
May mga pinapirmahan silang papeles sa akin at agad ko naman pinermahan. I didn't wait for her parents to decide because it has to do with my child and I have the right to decide.
"Please, save them both." Tumango naman ang surgeon na gagawa ng operasyon niya.
Tinawagan ko na rin ang pamilya ko at si Mr. Madrigal para ipaalam kung saang ospital ako. In just a few minutes, they are already here still wearing their attire on the wedding.
"How's my daughter?" Bungad agad ni Mr. Madrigal.
"Anong kalagayan ng anak ko?" Naiiyak na tanong naman ni Mrs. Madrigal.
"How is she, son?" Tanong naman ni mom.
"Nasa operating room pa siya." Tanging sagot ko nalang.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
