Jaynee's POV
"Sige po pakihatid nalang po si Aiken dito, salamat po manong." Nakangiti kong sagot kay mang Nestor dahil ihahatid niya ang anak ko dito. Tatlong araw na rin after what happened at tita Gertrude's birthday party.
I am now managing my parent's restaurants na pinangalanan nilang J&A. Hindi ito ang main business namin but I decided to take it because I'm not yet ready to handle the J&A Apparel. Alam ko naman na time will come that I will handle it pero kasi wala pa akong interest. For now I just want to enjoy managing the J&A Restaurant. I am the acting RM or Restaurant Manager.
"Get in." Wika ko ng may kumatok sa pintuan at pumasok ang si Mngr. Grace.
"Ma'am Jaynee this is the total budget estimated for this month's miscellaneous. Nag-prepare na rin po kami ng extra budget kung sakaling man kailanganin ng extra expenses." She handed me a folder kaya kinuha ko naman ito.
"Good job manager, Grace." Ngumiti naman ito sa akin. Mabait siya pero 'ang trabaho ay trabaho', yan ang motto niya.
"Ah before I forgot ma'am every monday evening po ang schedule ng misting ng restaurant." She added.
Every week kasing may misting para naman ma-maintain ang kalinisan ng restaurant at hindi bumagsak pag may audit.
"Okay, noted." Sabi ko naman sa kanya. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko kasi gusto kong tumambay mamaya sa kitchen.
Bigla namang may kumatok ulit.
"Get in." Hindi ko na tinignan kung sino ang pumasok.
"Ah ma'am magandang araw po." Kahit hindi ko makita ay alam kong nakangiti ang mukha ng empleyado ko.
I look at her and I saw her holding a bouquet of red tulips. My gosh! Favorite ko yan. Pinigilan ko ang sarili kong huwag hablutin sa kamay niya yun kahit gustong-gusto ko na talaga.
"Ma'am kasi may nagpapabigay po sa inyo." Nagniningning naman ang mga mata ko sa sinabi niya pero di ko pinahalata at tumingin sa binabasa ko.
"Who?"
Baka si Steve! Sana nga!
"Husband mo daw po eh." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
Nagtaka naman ako kung si Steve ba o hindi ang nagpadala niyan because Steve won't go around telling people I'm his wife. Hindi naman yun masyadong feeler at posessive gaya ni.......nevermind.
"Just throw it." Kahit nanghihinayang ako sa bulaklak pero baka kasi linagyan ng pampahilo eh tapos kapag nakatulog ako bigla nalang akong dukutin.
Juice ko po anong iniisip ko!
"Pero ma'am galing po sa husband niyo ito, sayang pa naman po." Reklamo pa niya.
Tinignan ko ang name plate niya saka nagsalita.
"Miss Rhea wala akong asawa. Boyfriend meron pero asawa wala. At baka magalit ang boyfriend ko kapag tumanggap ako ng bulaklak galing sa ibang tao." Yumuko nalang siya at kinamot ang batok niya.
"Hehe sorry po, ma'am. Mapilit lang talaga po yung lalaki eh." Sabi pa niya na parang nahihiya.
"It's fine. If you want you can have it." I replied at nakita ko naman na parang nagustuhan niya ang sinabi ko.
"Walang bawian ma'am Jaynee huh!" Parang bata niyang sabi.
"Oo na sayo na yan." Sabi ko. Nagpasalamat naman siyang lumabas sa mini office ko.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
