Jaynee's POV
I am smiling from ear to ear as we walk out of the airport. Steve is holding my hand while he's pulling his luggage in the other hand. I also did the same with my luggage. Until now I can't still believe that were now okay. Sa dami ba naman kasi ng pinagdaanan namin, hindi ko alam na kami pa rin pala hanggang sa huli.
Sa panibagong yugto ng buhay namin ay sisiguraduhin naming hindi na masasayang. Six months is enough that we've been away from each other. What's important is the present. On how we will spend our time to make it more memorable.
"I'm excited to see Aiken." Nakangiting ani niya habang nakasakay kami sa taxi.
"Miss na miss ka na niya. Alam mo bang hindi siya makatulog kapag hindi niya yakap ang picture frame mo?" Nanalalaking matang tinignan niya ako.
"Seryoso?" He asks in disbelief.
"Tsk! I'm not joking. Totoo iyon and he always say he misses you." Malungkot kong saad.
Naalala kung gaano kalungkutan ang anak ko tuwing miss niya ang daddy handsome niya. Kahit na nandiyan si Reel na siya namang totoo niyang tatay ay di pa rin maiiwasan na hanapin niya ang presensiya ng tumayo niyang ama.
"I'm sorry about that, pretty." Hinawakan niya ang kamay ko at mahinang pinisil kaya nginitian ko siya.
"Ang importante, nandito ka na ulit." He smiles and kissed my forehead.
Habang nasa biyahe kami ay tinawagan ko si mom para i-infrom si daddy na nakauwi na kami. Gabi na ngayon at mag-aalas-nuwebe na ng gabi. Excited pa nga ako kasi alam kong matutuwa si Aiken bukas paggising niya kapag nakita niya ang daddy handsome niya.
Pero laking gulat ko nalang at ang daming nag-pop up na nga notifications pagbukas ko ng cellphone ko. Hindi ko an inabala pang basahin ang mga text messages at agad na tinawagan si mom. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko.
"Thank God tumawag ka na rin, anak. We've been calling you pero hindi ka sumasagot."
Kinabahan ako bigla. Sa boses palang ni mommy ay alam kong may mali.
"M-mom, what's wrong." Kinakabahan kong saad dahilan para mapatingin si Steve sa akin. Narinig ko ang biglang pag-iyak ni mom sa kabilang linya kaya mas kinabahan ako.
"Sweetie, s-si Aiken n-nawawala siya." Bigla akong nanlamig sa sinabi niya.
"It's a prank. Right, m-mom?" My voice is begging her to tell me it's a prank.
"What's wrong?" Tanong ni Steve pero di ko siya pinansin.
"No, he's really missing kahapon pa." Biglang napaluha ako sa sinabi ni mom.
"S-steve, Aiken is missing." Umiiyak kong saad na siyang ikinagulat niya.
"A-ano?"
Pinabilisan ko kay maging driver para makauwi agad kami sa bahay. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Nagpapa-panic na rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sari-saring konklusiyon na ang nai-interpret ng utak ko.
'Lord, huwag mong hayaang mapahamak ang anak ko, please.'
Nang makarating na kami sa bahay ay nandoon sina mom at dad, mga magulang ni Reel at Steve sina Chan, Euna. Nakita ko rin si Reel na halatang kakaiyak lang kasi namamaga din ang mata. Nagulat naman silang lahat ng makita ako kasama si Steve. Wala ng batian na naganap dahil mukhang wala sa mood ang lahat.
"Anong nangyari?" Bungad na tanong ko sa kanila.
"Anak, nawawala si Aike---" Pinutol ko ang sasabihin ni daddy ng magsalita siya.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
