CHAPTER 10: Steve's Heartbreaks

2.1K 33 1
                                    

Jezreel's POV




Kanina pa ako libot ng libot habang nagmamaneho and it frustrates me because I don't know where would be my exact destination. Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa para hanapin ang anak ko. Thinking of losing my child made me burst out crying like a child. Natatakot ako na baka hindi ko na makita ang anak ko or kung makita ko man ay baka may masama ng nangyari sa kanya. Kumikirot ang puso ko kapag naiisip ko iyon.

The rain is pouring very hard and it makes me more worried for my daughter. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya. I can't forgive Krystal nor myself either.

"M-mom, nandiyan ba si Kaitlynn?" I stopped first the car and calls at home. Nagbabaka-sakali na nadoon siya.

"Wala dito ang apo ko, bakit?" She asks.

"M-mom, she's missing. Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya." Puta naiiyak nanaman ako ng sabihin ko yun.

Sobra-sobra ang pag-aalala na nararamdaman ko ngayon. I don't know what to do if something happens to my child. Mahal na mahal ko ang anak ko.

"W-what? How come?" Tanong ni mom.

"H-hindi ko rin alam, mom. When I went home this afternoon wala siya sa bahay." I explained.

"Sige I'll help. Don't worry mahahanap natin ang anak mo." She encourages.

"Thanks, mom. I have to hang up now." Di ko na pinakinggan ang sinabi ni mom at pinatay na ang tawag.

Kahit malakas ang ulan, I drive again. Not knowing where to go. Nagpunta narin ako sa police station to report kahit wala pang 24 hours. Tinawagan ko na rin halos lahat ng kamag-anak ko but none of them knew where she is.

I felt so hopeless. She's only 4 for pete's sake!

It's past 8 pm when I received a call from my cousin. I don't have time for him so I declined the call. Namromroblema ako sa anak ko ngayon at ayaw ko naman dinagdag pa siya ngayon.

I'll deal with him later.

I drove again and again. Libot lang ako ng libot habang nasa daan ang mata. Hoping, wishing and praying to see my daughter safe and sound. Nakapunta na ako sa mga malls at naghanap kay Kaitlynn. Steve is still continuously calling me. Naiinis na ako and though I want to turn it off pero di ko magawa kasi baka may important call about my daughter's whereabouts. Nakaka-ilang missed calls na siya when I received a text message from him.

'Meet me here at FCM's food court, I know where Kaitlynn is.'

Pagkabasa ko noon biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Fvck! Alam niya pala kung nasaan ang anak ko. Without another thought I immediately drove going there.

Hinanap ko siya and there I saw him sitting and patiently waiting. Tuwing nakikita ko ang pinsan ko hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit. I don't know but I just found myself punching his face. Napasigaw ang mga nakakita pero wala akong pakialam sa kanila. Tumayo siya at senyasan ako na umupo sa upuan na kaharap ng inuupuan niya kanina.

"Saan mo dinala ang anak ko?" Galit na sabi ko dito.

"Sit, Reel. Let's talk." Nauna siyang umupo kaya sumunod ako.

"Now tell me where is she? I won't hesitate to sue you for kidnapping if ever something happened to her." Diin kong sabi.

"Don't worry, she's with Jaynee right now." Buo ang boses sa pagkasabi niya.

Tila ba nawala ang pag-aalala ko at biglang sumigla ang puso ko pagkasabi niya noon. My daughter is with her brother and with the woman I love. Napangiti ako ng wala sa oras at that thought.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon