Jaynee's POV
Huminga ako ng mamalim habang nakatingin sa Montellon Real Estate dito sa Sydney, Australia. Yeah dito nagtatago si Steve for six months at galit ako sa kanya kasi hindi siya nagpakita kahit hindi naman pala natuloy ang kasal nila ni Bridgette.
Hindi ko alam kung ano ang kinamatay niya kasi hindi naman sinabi ni tita. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya kasi kahit desperada siyang babae tao pa rin siya at may buhay.
Kakarating ko lang dito kagabi kaya umaga na ako nagdesisyon na pumunta dito. Alam ko kasing may trabaho siya at gusto kong puntahan ang company niya. Kahit kinakabahan ay pumasok na ako sa loob. Pumunta agad ako sa front desk.
"Excuse me, may I ask what floor is the CEO's office?" Tanong ko sa isang Australian citizen na nagtratrabaho dito.
"Do you have an appointment with the CEO, ma'am?"
"None, but I'm a close friend from the Philippines." Proud kong sabi sa kanya.
Dapat nga ay 'girlfriend' ang sasabihin ko pero hehe baka magsumbong siya sa CEO at di na surprise ang bebe ko.
"Oh, it's in the 8th floor, ma'am." Magalang itong ngumiti kaya nginitian ko pabalik.
Agad naman akong sumakay sa elevator at pumunta sa 8th floor. Hindi gaanong kalaki ang kompanya nila Steve dito at hindi kagaya sa Pilipinas. Pero maayos at alam kong maganda ang takbo ng negosyo nila dito.
Sobra pa akong kinabahan habang nasa elevator na ako. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Matutuwa at masu-surprise ba siya? Ano kayang itsura niya? Mas lalo ba siyang gumwapo?
Nang makarating ako sa 28th floor, nakita ko ang isang babae na nasa isang desk at nakaharap sa computer. Maybe his secretary. Lumapit naman ako dito at nakangiting tinanong.
"Excuse me, is Mr. Montellon inside?" Napaangat siya ng tingin sa akin, saglit akong pinasadahan ng tingin at tinasan ng kilay.
Anong problema ng babaeng ito?
"Why what do you need from him?" Mataray niyang tanong.
"I want to talk to him." Diin kong saad pero inikutan niya ako ng mata.
'Aba! Attitude ka ghurl?'
"He's busy. If you're here to flirt with my boyfriend, you may leave."
'Hanudaw?! BOYFRIEND?!'
"My boyfriend would never trade me with someone like you, pangit!" Inis kong saad dito at tinungo ang ceo's office na nakita ko.
"Hey!"
She shouted, but I never bother to look back. Ang kapal ng mukha niya? Si Steve papatol sa kanya? Sa pagkakalaam ko ako lang ang mahal ni Steve.
'Pero six months has passed?'
Fvck! Pake ko sa six months! Basta nangako siya sa akin na ako lang ang mahal niya at panghahawakan ko 'yon. Walang pasabi ko naman na binuksan ang pintuan. Nakatagilid siya at nakatayo habang tinitignan ang view sa mga glass walls. Nabaling ang tingin niya sa akin na halata ang gulat sa mukha.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya after six months. Malaki ang pinagbago niya at mas nag-matured at gumwapo. Nakita ko sa mga mata niya ang pagtatanong sa mga nangyayari. Para siyang hindi makapaniwala. Wala na agad akong sinayang na oras. I covered the distance between us and hugs him really really tight. Naramdaman ko pa na napakislot siya.
"I miss you, handsome." Naiiyak na sabi ko dito habang pinipigilan na huwag maluha.
'Finally, we met again, Steve.'
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
Roman d'amourSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
