CHAPTER 23: Forgive

1.3K 26 0
                                    

Jaynee's POV



"Good morning!" Masayang bati ko pagpasok ko sa dining area.

Nakaupo na kasi sila at halatang ako nalang ang hinihintay. Naligo pa kasi ako pagkatapos ni Steve. I sat on my usual place, sa left side ni dad katabi si Aiken habang si Steve naman ay ang katabi niya. Steve gave me a smile kaya ginatihan ko din ng ngiti.

Like I said mamaya ko siya tatadtarin ng mga tanong ko.

"Mukhang masaya ka yata ha?" Puna ni mom.

"Maganda lang po kasi ang gising ko." I replied.

Ewan ko ba at good mood talaga ako ngayong araw na ito at ayaw ko naman na sirain ang magandang umaga ko diba?

"Let's eat." Nagsimula na kaming kumain ng sabihin iyon ni dad.

Nakikita kong sinusubuan ni Steve si Aiken kaya nagpresenta ako na ako nalang ang nagsubo sa baby boy ko para naman makakain na rin si Steve. Pansin ko rin kasi ang pangangayayat niya and maybe for the past few days ay napabayaan niya ang sarili niya dahil sa problema naming dalawa.

After the breakfast, pinaliguan ko muna si Aiken.

"Mom pretty, bati na kayo ni daddy handsome?" Tanong niya habang sinasabunan ko ang mga kamay niya.

"Ahmm mag-uusapa pa kasi kami, baby ko." Nakita ko naman siyang sumimangot maybe because I called him baby again. "Sorry na kasi gusto kitang tawagin na baby eh!" I pouted.

"Mom, you have to forgive daddy. You know what he said he was sorry for what he did. Yesterday, he keeps on crying saying he's sorry. And that he didn't mean what he did to you." Napatigil naman ako sa sinabi niya.

I didn't expect na kahit bata pa ang anak ko ay mapansin niya ang nangyayari sa amin. I mean he's too young and now what? He's even playing cupid to us. Mahal na mahal niya talaga siya Steve and I don't know how to open up to him that he is not his real father. But I'm sure he will be sad.

"Nagpasaway ka ba sa daddy handsome mo?"

"Nope. I comforted him." Sagot niya.

"Really?" He nodded. "So malaki na pala ang baby ko?" Pabulong na sabi ko dito pero sinimangutan lang ako nito.

"Mom, I said I'm not a baby. Just make another baby para may matawag ka ng baby. I want a baby sister, mommy." Napalunok ako sa sinabi niya.

"Hehe ligo ka na lang ang daldal mo eh!"

Matapos ko siyang paliguan, pinapunta na siya sa playroom niya. Para naman walang istorbo kapag nag-usap na kami ni Steve noh. I enter my room and I saw him on the veranda. Nakatayo habang nakatingin sa labas at mukhang malalim ang iniisip kasi di man lang ako napansin. Gusto ko siyang i-back hug per gosh kinakabahan ako. Tumikhim nalang ako para kunin ang atensyon niya.

"Jaynee" Mahina niyang banggit sa pangalan ko pagkaharapa niya.

"Can we talk now?" Seryoso kong tanong pero kahit ako kinakabahan na rin pero di ko lang pinalahalata.

I saw how nervous he is. Nangingig kasi ang mga kamay niya. He took a deep breath before he spoke.

"Sana paniwalan mo ako." Mahinang sabi niya. Sinubukan ko naman na gawing seryoso ang mukha ko.

"At sana totoo ang mga sasabihin mo because once I found out your lying, I don't think I'll listen to your lies again." Tumingin naman siya sa akin ng seryoso. "Now, speak. I want to hear everything." I stated in a firm voice.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon