CHAPTER 29: A Night To Remember

1.2K 27 0
                                    

Jaynee's POV




I thought this day won't be coming anymore. Pero ito na talaga. Nasa harapan ko na siya, nakaluhod habang may hawak ng singsing habang sinasambit ang mga salitang gustong-gusto kong marinig noon pa man.

"In front of our families and friends, I want to ask this to you. Jaynee Silvestre, will you marry me?"

Kami nga lang dalawa dito tapos may nalalaman pa siyang infront-infront!

Sa mga oras na ito isa lang ang nararamdaman ko. Kasiyahan at wala ng iba. Masaya ako sobra at wala ng makakapantay pa!

"Yes, Steve! Yes, I will marry you! Yes, I wanted to be Mrs. Jaynee Silvestre Montellon, the wife of the handsome man Aiden Steve Montellon!" Masayang sigaw ko.

Nakita ko naman ang saya sa mukha niya at agad na sinuot sa akin ang singsing. Pagkatapos bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit at binuhat tsaka umikot.

"She said yes!" Masayang sigaw niya at biglang nagliwanag ang buong paligid kasabay ng masayang sigawan.

"Congratulations Aiden and Jaynee!"

"H-how?" Takang tanong ko dito. Ang sobrang tahimik kasi na paligid kanina ay ngayon napuno at kantsawan at hiyawan.

Mas lalo akong nagulat sa nakita ko. The whole place is actually filled with decorations. Puros red ang color from the designs, balloons, tables and chairs ng catering. Yeah that's right! May catering service na kasama. May nakalagay pa na tarpaulin at may nakasulat na,

'Congratulations Aiden Steve and Jaynee!'

"Kasabwat ko silang lahat about this! Nilayo kita kanina kasi para makapag-prepare sila. Chan helped me plan everything at sila na sa designs." Nakangiting sabi niya. Kaya pala whole day ang date namin.

Mga magulang namin at mga kaibigan namin ang nandito. Kaya pala may pa-infront-infront siya kanina. Nagkaroon nanaman ng malakas na tawanan at hiyawan. Lahat sila nakatingin sa amin habang may mapang-asar na ngiti sa kanilang mga labi.

Hindi ko alam ang ire-react ko kasi sa totoo lang ay sobrang saya ko.

"Thank you."

"For what?" Tanong niya.

"For loving me." Nakita ko ang pagngiti niya.

"Ako dapat magsabi niyan kasi ako pa rin ang pinili mo. Noong bumalik tayo dito hinanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari sakaling magkabalikan kayo ni Reel. Handa naman akong ipaubaya ka kung kinakailangan pero nabubuhayan ako ng loob tuwing sinasabi mong mahal mo ako." Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Kilala mo ako kapag nagmahal. Buo at walang pag-aalinlanagan. Mahal kita kaya ikaw ang pinili ko. Mahal na mahal kita." Nakita ko ang pagniningning ng mga mata niya.

"Mahal na mahal din kita." Inilapit niya ang kamay mukha niya sa akin at akmang hahalikan na ako ng may biglang sumigaw.

"Mommy pretty, daddy handsome!" Sigaw ni Aiken at tumakbo papunta sa direksyon namin. Yumuko ako at agad naman itong humalik sa pisngi ko at nagpakarga kay Steve.

Napatingin naman ako sa paligid namin at napagtanto na nakatingin silang lahat sa amin habang may pang-aasar na tingin. Sa kahihiyan ko ay iniwas ko nalang ang paningin at hinarap ang anak ko na malawak ang ngiti.

"How's my baby?" Pang-aasar ko dito.

"Mommy I'm big na po. Tinulungan ko si daddy dito."

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon