Jaynee's POV
Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang natakbo ko. Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko. Hindi ko alintana ang pagod at hingal at patuloy na tumakbo palayo sa kanya.
Gusto ng magpahinga ng mga paa ko pero ayaw ng ko. Naaalala ko pa rin ang mga sinabi ni Bridgette. Kung paano siya magpasabog sa araw kung kailan nagpropose ang lalaking mahal ko. Bawat salita niya niyanig ang mundo ko.
Nahihirapan na ako!
"Jaynee!" Sa di ko malamang dahilan, bigla akong napatigil ng marinig ang boses niya.
Bakit Steve? Bakit kailangan nating umabot sa ganito? Bakit kailangan mong sundan ang yapak ng pinsan mo? Bakit kailangan na makabuntis ka rin kagaya niya? Ano na ngayon ang laban ko? Ito na ba ang sinasabi ni Bridgette na 'alas' niya?
Hindi ko siya hinarap at hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sa kanya habang humihikbi. Narinig ko ang mga yapak niya tsaka biglang nawala.
"J-jaynee, pleasee!" Nagmamakaawa ang boses niya. Naririnig ko rin ang paghikbi niya. "Tuparin mo naman ang mga pangako mo oh! Diba sabay n-nating haharapin ang mga problema? Bakit ngayon tumatakbo ka na?" Napalakas ang hikbi ko sa tinuran niya.
He was right. Bakit nga ba ako tumatakbo kung may pangako kami? Ako nga na may anak sa ibang lalaki, hindi niya iniwan kaya bakit ko siya iiwan? Hindi nga siya sumuko sa akin kaya bakit ko siya susukuan?
"Huwag kang sumuko, pakiusap. Ngayon ka pa ba susuko kung kailan fiancé na kita? Magpapakasal na tayo diba? Bubuo ng masayang pamilya at gagawa ng mas magandang memories. Kaya please, stay with me. Stay and keep on loving me despite the pain I put you through." Nagmamakaawang saad niya.
Sa pagkakataong ito hindi ko napigilan ang sarili ko. Kusang tumakbo ang mga paa ko para agad siyang malapitan at niyakap ng sobrang higpit. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng mga kamay niya sa akin.
"I'm sorry, Steve!" Napahagulhol muli ako ng iyak. Gusto kong sumaya. Gusto kong ilaan ang buhay ko kasama si Steve. "I'm sorry kung naisipan kong sumuko." Nag-angat ako ng tingin at hinawakan ang mukha niya na basang-basa ng mga luha niya. He smiled at me before I felt his hand gently caressing my back. "I'm sorry kung nagiging mahina ako. I'm sorry kung pinagdudahan ko ang pagmamahal mo. I'm sorry for not trusting you enough. I'm sorry for everything!" Muli akong napayakap sa kanya. Hinigitan ko ang yakap ko sa kanya. Iyong tipong ayaw ko na siyang pakawalan pa.
Hindi ko siya kayang ipaubaya sa iba!
"Huwag mo lang akong iwan." Parang batang maktol niya.
Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. Punong-puno ng iba't-ibang emosyon ang mukha niya. Takot, lungkot, pagkabahala. Unti-unti akong tumango kaya lumabas ang ngiti sa labi niya. He gave me a sweet smile too and planted a soft kiss on my forehead. Napapikit nalang ako habang dinadama ang mainit na labi niya sa noo ko.
"Steve, natatakot ako na mawala ka sa akin at agawin ka ni Bridgette." Natatakot na sambit ko dito.
"Hindi ako mawawala sayo, okay? Gagawan natin ng paraan. Hahanap tayo ng solusyon ng magkasama kaya huwag ka ng umiyak. You knew how much I hate it when you cry, diba?" Nakangiting napatango ako sa sinabi niya.
Tama siya, be positive lang!
Every problem has a solution and everything that happens for a reason.
At bakit ko siya susuko? Mahal naman namin ang isat-isa kaya bakit kailangan naming magparaya? Let go of the person you love when you feel that he's not happy with you. Fight for that person if you love each other.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomansaSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
