Jaynee's POV
Just looking directly at my son's eyes made me want to jump out of my skin because of nervousness. I felt the rush and the urge to tell him the truth bago pa siya mas lalong masaktan. After a long time kasi ay napag-desisyonan ko ng sabihin sa kanya ang totoo ngayon mismo. Alam ko naman kasi na darating ang panahon na maghahanap siya ng father figure at hindi ko kayang panindigan habang buhay ang tungkol kay Steve.
Ika nga, 'Walang lihim na hindi nabubunyag.'
Seryoso niya akong tinitignan, maybe he knew we'll be talking something very serious. Sana lang ay maintindihan ako ng anak ko sa pagsisinungaling ko.
"Why mommy?" Tanong nito na hindi ko naman alam kung about ano ang tanong niya. "W-why can't we see daddy?"
Nahigit ko ang hininga ko sa tanong niya. Sa tono kasi ng boses niya ay halatang naiiyak na siya. Pinakatitigan ko na lamang siya hanggang sa tuluyan na nga siyang umiyak. I never wasted time and hug him immediately while holding my tears.
"Aiken Evan," He look at me directly in the eyes when I called him by his names which I seldom do. I cleared my throat to remove the lump that trying to block me from speaking. "Your daddy handsome, he's going to have his own family." Mataman kong sagot pa kanya na ikinaiyak niya pa lalo.
Pinigilan ko na hindi maiyak sa harapan ng anak ko. I have to be strong in front of my son. Hindi pwedeng lagi nalang akong iiyak.
"B-but why? I thought we're his family." He asked while sniffing from his nose.
"K-kasi anak magkaka-baby na ang daddy handsome mo." Kinakabahan kong sagot dito.
Natatakot na kasi ako sa mga susunod niyang tanong kasi kahit bata pa siya alam kong nakakaintindi na siya sa mga nangyayari.
"You're having a baby, mommy? Am I going to have a baby sister?" Napapikit ako sa tanong niya.
'Sana. Sana nga ako nalang.'
"N-no, baby." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya and I know he's about to throw me a lot of hard questions.
"Then why? You said he's going to have his baby? Then kapatid ko siya, mommy pretty."
Pinigilan kong hindi maiyak kahit na nagsisilabasan na ang mga luha ko. How can I explain it to him without him getting so much hurt.
Hinawakan ko ang kamay niya tsaka hinalikan. Lumunok ako ng ilang beses para kumuha ng lakas ng loob. Ilang beses ko na itong sinabi ng paulit-ulit kagabi sa harapan ng salamin para hindi ako mautal sa harap niya.
"Steve is not your real daddy. Hindi siya ang totoo mong daddy, anak."
Kasabay ng pagkasabi ko sa sekreto ko ay ang pagkakarera nga ng luha kong pinipigilan. My heart feels like being squeeze until it lost all of its blood, until it becomes dry and lifeless. Pakiramdam ko kasi ako mismo ang gumagawa ng ikasasakit ng anak ko dahil sa salitang binitiwan ko.
"You're lying." Bakas sa tono niya na hindi gusto ang sinabi ko. Maya-maya nagsituluan na ang luha niya. "T-that's not true!" Sigaw niya na mas nakapag-paiyak sa akin ng sobra.
Akmang hahawakan ko na siya ng mas lalong lumakas ang iyak niya. He shook his head countless time showing that he disagree with my statement. Kailangan kong sabihin sa kanya lahat para isahang sakit nalang.
"No baby, makinig ka kay mommy. Please!" Pilit ko siyang hinawakan pero umiilag lang siya.
"Love ako ni daddy handsome! He loves me mommy and he's my daddy huhuhu!" Mas nataranta ako ng mas lumakas ang iyak niya kaya agad ko na siyang binuhat. "He's my daddy! You're lying, mommy!" Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin iyan.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
Roman d'amourSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
