CHAPTER 26: Night Out

1.3K 26 1
                                        

Jaynee's POV




Steve really did keep his words that we will have a night out. Alas-sais na ng gabi ng makalabas kami sa company ni Steve. Hinintay pa kasi namin na ibalik ni Chan si Aiken kaya medyo natagalan kami. Nasa gitna namin si Aiken at nakahawak sa tig-iisang kamay namin ni Steve habang kami ay papunta sa parking lot ng building.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko dito ng marating namin ang sasakyan niya.

"Si Aiken nalang tanungin mo, kung saan ba niya gusto." Nginuso niya si Aiken na parang kangaroo pa kung tumatalon-talon habang naglalakad kami. Nahahatak tuloy ang kamay ko sa ginagawa niya.

"Anak, saan mo gustong kumain?" Tanong ko dito.

"Ahhhm? Jollibee?" He suggested.

"Jollibee then." Sagot naman ni Steve.

"Sige, pero bawal ang palabok." Sagot ko naman kaya sumimangot ang mukha ng cute kong anak.

Hehe favorite niya na kasi ang palabok kaya inaasar ko siya. Ang sarap kasing mang-asar sa taong madaling maasar. Pero kapag ako na ang inasar, naku huwag na.

Aiken stopped from walking kaya napatigil din kami.

"Hindi nalang ako kakain." Sabi pa niya at nagmadaling humarap kay Steve at nagpakarga at saka kumapit sa batok nito.

I even saw that his nose and eyes are quite red because he's about to cry. Seriously? Dahil sa palabok iiyak ang baby ko? Kawawa naman siya!

"Hahaha! Niloloko ka lang ng mommy mo eh!" Natatawang sabi ng isa ko pang damulag na baby.

I silently laugh with Aiken's reaction.

Binuksan ni Steve ang pinto ng passenger's seat ng kotse at pumasok sa ako doon. Tapos kinuha ko sa kanya si Aiken at pinaupo sa lap ko. Gusto ko kasi lambingin ang matampuhin kong baby na tahimik lang ngayon. Pero mukhang iiyakin na rin siya.

"Baby joke lang, alam ko naman na favorite mo iyon kaya di pwedeng walang palabok. Ang cute mo kasi kapag naasar eh! Sorry na po, pleasee!" Pagpapa-cute ko pa dito.

Hay! Ang dami ko na talagang kasalanan sa anak ko dahil sa mga pang-aasar ko sa kanya. Hay naku mana nga siya sa akin na pagiging asar-talo and it's so irritating pala.

"Fine, apology accepted." Ngumiti nalang ako. Hehe madali lang naman siyang suyuin eh!

Nang makapasok si Steve at agad kaming umalis at nag-drive sa pinakalapit na Jollibee store. Si Steve na rin ang umorder ng kakainin namin.

"Dapat kumain ka ng marami, Aiken." Nakangiting sabi ni Steve habang sinusubuan si Aiken.

"Opo, daddy." Masigla naman niyang sagot tsaka kinain ang sinubo sa kanya na palabok.

"Malapit na ang pasukan, where do you want to study ng kinder?" Tanong ni Steve.

He's turning five kaya plano na namin na ipasok na siya sa kinder. He's smart naman kasi hindi siya nagmana sa akin. Mana sa ama niya. Ako kasi, normal na estudyante lang. Hindi matalino, hindi rin naman bobo. Ang mga grades ko pinaghihirapan ko, at syempre medyo masipag naman ako sa pag-aaral, noon.

"Kahit saan, daddy. I don't mind."

"How about the school where Yanna will enroll?" Steve suggested.

Nakita ko naman ang masayang ngiti ni Aiken bago tumango. I don't know that at early as this my crush na pala ang anak ko.

"Sino ba iyan baby ko, ha? Girlfriend mo?" Tanong ko dito na may halong panunukso.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon