Lira's POV
I am happy and contented with how I live my life for now. Ilang buwan na ang lumipas magmula ng sunduin ako ni Jezreel sa condo ko at pinatira sa bahay nila. Seven months na rin ang tiyan kaya tumigil na muna ako sa trabaho ko at noong nakaraang buwan lang nalaman namin ang gender ni baby and it's a baby girl. Nagkatotoo nga sinabi ni Kaitlynn na baby girl ang anak ko. She wanted to name her baby sister as Lara Gracey.
Speaking of Kaitlynn she's a very nice kid. Napakabait na bata at mukhang ngang excited pa siya sa akin na makita ang anak ko. Tanggap niya ako and she said she likes me for his daddy kaya labis ang kilig ko. Pero alam kong gusto niya rin ang tita Jaynee niya. Ayos lang naman sa akin iyon kasi alam ko kung saan ako lulugar sa bahay na ito. Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay ni Jezreel.
Maganda rin ang trato sa akin ng mga magulang ni Jezreel. Naramdaman ko kung paano magkaroon ng pamilya kaya lubos pa sa kasiyahan ang nararamdaman ko. While Jezreel, civil pa rin ang pagtrato niya sa akin. But he is too caring, maalaga siya sa lahat pero alam ko naman na ginagawa niya lamang iyon para sa anak namin.
Ang kinatatakutan ko lamang ay kapag nanganak na ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari after kong ipanganak ang anak namin. Honestly natatakot ako na kunin at ilayo niya sa akin ang bata at paalisin ako. Alam ko naman kasing gusto niyang balikan si Jaynee at nasasaktan akong isipin iyon. Dahil kapag bumalik na si Jaynee sa buhay niya alam kong mawawala na siya sa akin. Siya at ang pamilya niya at maiiwan na naman akong mag-iisa gaya ng nagyari ilang buwan na ang nakalipas.
Bumangon nalang ako sa kama at tsaka naligo. Gagawa kasi ako ng soup kasi may hangover si Jezreel dahil lasing siyang umuwi kagabi. At isa pa gusto ko siyang pagsilbihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil hindi ko alam na magiging ganito ako. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na may magustuhan na lalaki.
"Good morning, tita Lira."
Napangiti ako na batiin ako ng masaya ni Kaitlynn na kasalukuyang kumakain mag-isa. Wala kasi ang lolo at lola niya dahil nasa Cebu para sa business.
"Good morning, Kaitlynn!" Madiin kong hinalikan ang pisngi niyang matambok kaya napahagikhik siya.
"Eat ka na po." Aya niya sa akin pero umiling lang ako.
"Mamaya na kasi dadalhin ko pa ng sabaw at gamot ang daddy kasi may hangover siya." Sabi ko dito at hinaplos ang buhok niya.
Napaka-swerte nina Jezreel at Krystal dahil nagkaroon sila ng ganito kabait na bata and I hope my daughter will be like her.
"Hija, maupo ka nalang diyan ako na ang magluluto." Agad akong inalalayan ni manang Fe na umupo pero umiling lang ako.
"Gusto ko po kasi siyang gawan ng soup para sa hangover." Nakangiting tugon ko dito.
"Naku, nagluto na ako. Dalhan mo nalang siya sa kwarto niya." Suhestiyon niya na agad kong tinanguan.
"Sige po."
Siya na rin ang kumuha ng soup at nilagay sa tray tsaka isang basong tubig at gamot para sa hangover. Pagkatapos ay siya na ang nagbuhat paakyat kasi daw malaki na ang tiyan ko at baka mahirapan ako. Habang naglalakad kami bigla siyang nagsalita.
"Hija, may nararamdaman ka ba para sa alaga ko?" Bigla akong natahimik sa tanong niya. Pero kalaunan ay nakabawi din ako.
"W-wala po." Utal kong sagot.
"Huwag mo nang itanggi, nararamdaman ko naman. Pero alam kong masasaktan ka lang kasi hanggang ngayon si Jaynee pa rin ang gusto ng alaga ko." Mahinang sagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223608065-288-k790050.jpg)
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...