PROLOGUE

5.8K 75 3
                                    

"Kain ka na Jezreel." Masayang sabi ko sa asawa ko ng makitang pababa na siya ng hagdan.

Bihis na bihis ito at ang gwapo niya sa white polo niyang suot at khaki shorts. May shades din sa taas ng ulo niya.

"No need, we need to talk." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya niya.

Lumapit siya sa akin at inabot ang hawak-hawak niyang brown envelop. Mas lalo akong kinabahan ng maisip kung ano ang laman nun. My hand is shaking as I reach for it.

"I want an annulment." Walang emosyon saad niya. Inaasahan ko naman yun pero ang sakit pala.

"B-bakit?" Wala sa sarili kong natanong.

"Because I want to." Diretsahan niya namang sagot.

"G-give me a valid reason, Reel. Bakit kailangan na humantong tayo sa annulment?" Wala na at bumuhos na yung mga luha kong nagpipigil sa pagtulo.

"Gusto mong malaman? Fine! She's pregnant. I want our child to have a complete family." Mas lalong bumuhos ang luha ko sa sobrang sakit.

Sa tatlong taon naming pagsasama naging masaya naman kaming dalawa. He did what a husband should do for his wife. He showered with me his care and love. Para ngang hindi kami in-arrange marriage ng mga magulang namin eh.

But everything started to turn into mess when his ex-girlfriend returned. Mahal na mahal niya kasi ito na kahit sa tatlong taon naming pagsasama hindi ko parin siya mapapantayan.

"What happened to us?" Mahinang bulong ko sa kanya.

"I don't love you." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

'I don't love you' at hindi man lang 'I don't love you anymore'? Ang sakit sobra!

"Hindi mo ba ako minahal?" Tanong ko dito. Hindi man lang nagbago ang mukha niya at walang pag-aalinlanagan na sinagot ang mga tanong ko.

"Ginamit lang kitang parausan. Alam ko naman na may pagka-conservative ka kaya pinaniwala kitang mahal kita kasi alam kong di kita makukuha ng sapilitan." Dahil sa sinabi niya ay wala sa sariling nasampal ko siya.

"What about those I love you then? Don't tell me sa tatlong taon natin wala ka man lang naramdaman para sa akin?" Galit kong tanong sa kanya. Siya naman ngayon ang galit na tumingin sa akin.

"I never loved you. Baliktarin man ang mundo hindi kita minahal at hindi kita mamahalin Jaynee! Tandaan mo yan kasi si Krystal lang ang mahal at mamahalin ko! Itatak mo yan sa kokote mong walang ibang laman kundi katangahan!" Sigaw niya muli kaya napaiyak nalang ako.

Umakyat siya saglit at pagbalik ay may dala na itong dalawang maleta. Sa sobrang gulat ko ay hinabol ko siya at lumuhod sa harapan niya.

"Please huwag mong gawin sa akin ito! I'm begging you, Reel! Ako nalang ang piliin mo please!" Tama nga siya na katangahan lang ang laman ng utak ko pero ayoko siyang mawala.

Lalo na ngayon na mas kailangan ko siya.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan ha? I can't continue living with you in this hell. Nakakasuka ang pagmumukha mo! Nandiyan naman si Steve, diba patay na patay sayo yung pinsan kong iyon? Why don't you love him instead?" Napakasakit kasi siya ang asawa ko pero nirereto pa ako sa iba.

"I love you Reel! Alam mo iyan." Pilit ko.

"I said I don't love you. I love her so please set me free. If you love me, you'll be happy because finally I can be truly happy with the woman I really love." Wala na.

Wala na akong pambawi sa kanya na pwede ko pang sabihin kasi totoo naman. Ang tunay na nagmamahal handang magparaya. Siguro nga naging selfish ako masyado. Pero gusto ko paring subukan kahit isang beses nalang.

"I'm pregnant too."

Humihikbi kong sabi habang nakatingin sa kanya pero mas lalo lang siyang nagalit at tinulak pa ako dahilan para mapahiga ako sa sahig. Buti nalang hindi masyadong malakas ang impact sa akin kasi nakaluhod ako. Napahawak ako sa tiyan ko na para bang pinoprotektahan ko ito.

"Fvck! I don't care! Ipapaglag mo 'yang batang iyan kasi hindi ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko!" Galit niyang sigaw at sa sobrang galit ko, I get my slipper and slapped him hard on his face several times.

"Puta ka! Hayop ka! Gagawin mo pa akong mamamatay tao ng sarili kong anak!" Tinigil ko lang ang paghampas sa kanya ng parang natahimik naman siya. "Ang sama-sama mo! Kaya ko pang tiisin kong ako lang ang gaganyanin mo pero pati anak natin? How dare you! Wala kang karapatan maging ama kasi masama kang tao! Masamang-masama na to the point na kayang patayin ang sariling laman at dugo!" Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero wala na akong pakialam.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Wala na rin yung mga luha ko at napalitan ng galit ang nararamdaman ko.

"If you want to give birth to that child then do. But don't ever show that child's face to me because I will never accept that bastard." Walang emosyon niyang sabi ng makapagsalita na rin siya.

"Puta ka! Don't worry cause I will never let you go near my child." Galit na galit na ako at gusto ko ng sumabog sa galit.

"Very well said then. Just leave the annulment papers and my lawyer will get it tomorrow. I have to go, my love is waiting for me with our child." Pinagdiinan pa talaga niya ang words na 'love' at 'our child'.

Lumakad na siya palabas hila-hila ang dalawa niyang maleta.

"Just remember this, Reel.." Napatigil naman siya sa paglalakad. "Sa oras na lumabas ka sa pintong 'yan, wala ka ng babalikan. I love you but I love my child more." Walang-emosyon kong saad dito.

Nilingon niya naman ako at may sinabi pa sa akin na kinangiti ko ng mapait.

"The next time we see each other again, let's be strangers."

Tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin at palabas ng pinto. Agad ko namang pinirmahan ang annulment papers namin at tinitigan ng mabuti ang mga pangalan niya.

"Someday you'll regret what you did Jezreel Montellon. And when that time comes, that Jaynee Silvestre you left will treat you as stranger just like what you want."

~Hg~

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon