Steve's POV
"Pretty, I miss you!"
"Manahimik ka diyan! Parang hindi tayo nagkita kahapon huh!"
"Eh sa nami-miss kita eh!"
"Matulog ka na nga lang."
"Hindi pa ako inaantok!"
"Bahala ka! Kapag na-late ka ng kahit isang segundo bukas, hindi matutuloy ang kasal!"
"Pretty naman, huwag ka namang ganyan. Hindi naman ako ma-la-late bukas, promise. Kita tayo kahit saglit lang!"
"Hindi nga tayo pinapayagan eh!"
"Aba, di mo ba ako miss?"
"Tukmol ka, matulog ka na nga kulang ka yata sa tulog!"
Malakas niyang sigaw bago patayin ang tawag. Napanguso nalang ako at lumabas sa kwarto ko at bumaba. I saw dad sitting on the sofa and reading a newspaper while wearing his reading glasses. Umupo ako sa harap niya.
"Dad," I called him.
Binaba niya naman ang binabasa niya at tumingin sa akin.
"Need something?" Takang tanong niya.
"Si Jaynee." Nakabusangot na saad ko dito dahilan para mangunot ang noo niya.
"Should I cancel the wedding?" Nanlaki ang mga mata kong hinanap siya.
"What no way! Anong klaseng tanong ba 'yan dad?" Mabilis kong sagot sa kanya.
What the heck did my father just said?
"Hahahahaha!"
Hindi na ako nagulat ng bigla naman siyang tumawa like a crazy man. I know he's teasing me from the start but that was not a good joke. I have been dreaming this for half of my life and then what? He's joking about cancelling my weddong?
"Dad, stop joking around." Nakangusong sabi ko dito.
"Ano ba kasing problema mo?" He asks.
"Si Jaynee kasi sabi ko magkita kami pero sabi niya bawal daw." I complained.
What's so wrong with that? I just want to see my fiancé because I miss her. Tapos sasabihin niya na 'bawal'? Hindi ko alam kung bakit bawal at kung anong klaseng pamahiin ang meron pero hindi ako naniniwala sa mga superstitions.
"Tsk! You'll see her tomorrow naman on your wedding." Saad ni dad kaya napangiti ako.
And yeah, tomorrow is our wedding day. Ika mga nila 'Sa pagkahaba-haba man ng prosisyin, sa simbahan pa rin ang patutunguhan.' And tomorrow will be the best day of my life because finally she will be mine forever. We're gonna tie the knots not because we're forced to marry but because we love each other.
Hindi ko mapigilan na mapangiti at kiligin habang iniisip na hindi pa tapos ang bukas ay kasal na kami. She will be my wife and I will be her husband. Tapos magkakaroon kami ng maraming anak na kasing-ganda niya at kasing-gwapo ko-----
"Hoy kuya, matulog ka na!" Biglang akong natauhan ng biglang binatukan ako ni Shellie.
"Aray ano ba!" Inis na singhal ko dito.
Hindi ko man lang napansin na nandito na pala siya. Ang sarap ng imagination ko tapos sisirain!
Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. Tsk! Childish!
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
Storie d'amoreSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
