Jaynee's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at akalin niyo na mahigit dalawang lingo na ako dito. Sa loob ng dalawang lingo ay lagi akong nasa office niya pero tinataboy niya ako at laging sinasabihan na umiwi na ako ng Pilipinas.
Ano siya chamba? Ang mahal ng pamasahe papunta dito tapos papauwiin niya ako agad? Pero kahit ganoon hindi ako umalis. Ang destination ko ay company niya, bahay niya, minsan nasa mall ako at namasyal mag-isa. Minsan late na siyang umuwi especially noong sinabi niya sa katawag niyang si Anastasia aka 'honey' niya na mag-dinner daw sila. Pero ni minsan hindi ko nakita ang Anastasia na iyan sa bahay o sa kompanya niya.
Mabuti nalang talaga at hindi ko makita ang babae iyon kasi baka mawalan na talaga ako ng pag-asa. Ayokong umabot sa punto na ma-confirm ko ang hinala ko. Pero ayoko rin naman na sumuko ng wala pa akong nakikita.
"Mommy pretty! You're spacing out again." Agad akong natauhan ng maalala na nakikipag-video call pala ako sa anak.
"Sorry, baby ko. Ano nga ulit sinsabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Mommy pretty, kailan ka uuwi kasama si daddy handsome?" Tanong niya.
"Baby, malapit na promised!" Itinaas ko pa ang isang kamay ko na parang nanumunpa.
"I miss you both!" He pouted his cute lips.
"Miss ka na rin namin basta malapit na kaming umuwi, okay?" Dahan-dahan naman siyang tumango. "Sige na baby ko, kasi dadalhan ko ng lunch ang daddy handsome mo."
"Okay mommy pretty, I love you! And tell daddy handsome I love him too!" Masigla niyang sagot kaya natawa ako.
"I love you too, baby ko!"
Hinintay ko nalang na patayin ni Aiken ang tawag. Miss ko ang baby boy ko. Si Steve naman masyadong pabebe eh kung hindi lang siya cold sa akin eh di sana nakauwi na kami! Dali-dali nalang akong pumunta sa kitchen at nagluto ng beef stew at pork pata at gumawa ng chicken salad. Hahatiran ko siya ng lunch.
Pababa palang ako sa cab na sinasakyan ko ng makita kong lumabas si Steve sa isang kotse na pula at pinagbuksan ang isang babaeng matangkad, maputi at sopistikada. Nakasuot siya ng pale yellow sexy na fitted dress. Pumasok sila sa kotse niya at pinaharurot. Nasaktan naman ako sa nakita ko.
"Mister, please follow that car." Pakiusap ko kay kuyang cab driver na agad naman niyang sinusnod.
"Sure, ma'am."
Kinakabahan ako habang sinusundan namin ang kotse ni Steve. Siya na ba si Anastasia? Siya ba ang bago niya? Sign na ba ito para sumuko na ako sa kanya?
'Pero nangako siya sa akin eh!'
Hindi ko alam kung ano ng ire-react ko kasi kung tutuusin wala naman na kami ni Steve. Natapos na ang lahat sa amin six months ago. Wala na akong karapatan na magselos pero iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Lihim kong pinunasan ang luha ko ng makitang tumigil sila sa isang restaurant. Pinagbuksan pa ni Steve ang babae at todo ang ngiti nito. The lady is pretty and has a slender body. Siya na nga siguro si Anastasia, ang 'honey' niya.
Pumasok sila sa restaurant at umupo kung saan kita ko sila. Napatingin ako sa niluto ko para sa kanya. Nag-effort pa naman ako pero ito ang madadatnan ko. Nakikita ko sa mga mukha nila na masaya sila. Ang mga ngiti at tawa ni Steve na sa akin niya lamang binibigay noon, ngayon sa iba na. If he treats me coldly, it was different from the woman he's with.
"Let's leave this place now, mister." Tumango naman ang driver at pinaandar paalis.
I had no choice but to go back to his house. Doon nalang umiyak kasi masakit sa akin na makita siyang may kasamang iba. Siya na nga ang nang-iwan at hindi tumupad sa pangako tapos siya pa ang may ganang tratuhin ako ng ganito. Sa inis ko ako nalang ang kumain sa niluto ko para sana sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomantizmSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
