Lira's POV
Paulit-ulit akong lumunok ng makita kong dumating na siya. Pinagmamasdan ko lang naman siya mula sa bintana ng condo ko at sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag bakit dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko inaakala na malalaman niya ang tungkol sa nangyari sa amin. Wala naman talaga akong balak na ipaalam sa kanya kahit na anong mangyari. Wala rin akong balak aminin sa kanya ang totoo pero na-corner niya na ako. Bridgette told him about me and our baby.
Baby. Magkaka-anak na ako. I am conceiving the child of man I don't really know.
Napakapit ako sa wall para hindi matumba. I just can't explain my feelings right this moment. Kinakabahan ako na parang naiihi sa sobrang excited. My shaking system was shaken more when I heard a loud noise inside my condo.
It's the doorbell's sound.
Kinalma ko muna ang sarili bago ako naglakad patungo sa pintuan. Ilang beses at paulit-ulit na huminga ng malalim para hindi mahalata na kinakabahan ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa inaasta ko.
'This is not me!'
Hindi ako madaling kabahan pero iba ang dating niya sa akin. Kinakabahan ako tuwing malapit siya sa akin. Una palang alam kong kakaiba siya kasi sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito. Sa kanya ko lamang naramdaman ang isang bagong emosyon na hindi ko matukoy kung tama ba.
Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago dahan-dahan na buksan ang pinto.
"Tapos ka na ba sa mga gamit mo?" Iyan na agad ang pabungad niya sa akin.
'Wala man lang ba'ng hi?'
I scan my eyes on him. He's wearing a simple plain grey t-shirt at nakatupi ng dalawang beses ang sleeves nito kaya napatingin ako sa mga muscles niya sa braso. At saka pinaresan ng isang khaki black na shorts. Hindi talaga maitatanggi ang kakisigan niya. He's a beautiful man that no woman could ignore. Kaya siguro ganoon na lamang kabaliw si Krystal at Jaynee sa kanya, dati.
"A-ahh o-oo p-pasok ka muna." Agad akong tumalikod sa kanya at kinagat ang labi ko bilang parusa sa pagkakautal ko.
Hindi naman ako ganito sa kanya noong una at ikalawang pagkikita namin. Nagsimula akong mautal sa kanya noong nagsisismula ng mag-iba ang nararamdaman ko sa kanya.
"Thanks." Maikli niyang sagot.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Civil ang pakikitungo niya sa akin. Hindi naman cold, hindi rin sweet. Bakit naman magiging sweet? Eh aksidente lang naman ang pagkabuntis niya sa akin.
Tama, hindi niya gusto ang nangyari sa amin. Paano niya naman gugustuhin kung may mahal siya. Eh napagkamalan pa nga niya na ako ang mahal niya.
"Gusto mo bang ng mainom muna?" Tanong ko at salamat kasi hindi ako nautal.
"Hindi na umalis na lang tayo kung ready ka na." Napatingin ako sa kanya na sinabi niya.
Sinusuri niya ang buong condo ko. Hindi ito kalakihan kasi ako lang naman ang nakatira dito kahit na madalas din si Bridgette dito tumambay. Pansin ko rin ang tipid na ngisi pa labi niya habang pinagtitinginan ang mga stickers, stuff toys, pillow case ng unan sa sofa Spongebob. Napakagat-labi tuloy ako. Ewan ko ba pero nahihiya ako na nakikita niyang puros Spongebob ang condo ko.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...