CHAPTER 19: Listen

1.3K 24 0
                                    

Jaynee's POV



Ilang araw matapos kong makausap si Chan, nagdesisyon na rin ako na pumasok ng trabaho. Hindi naman pwedeng magmukmok lang ako at umiyak. Matatadtad lang ako ng tanong ng mga magulang ko. Sakto din naman si mom na may anak pa akong hindi ko na naaalagaan ng maayos dahil sa nangyari.

For now, I have to focus on him and to my work. Nothing will happen if I would just sit on my comfortable bed and cry until all my tears are gone.

Papasok na ako sa restau ng biglang may humawak sa kamay ko. Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng inis ng magsalita siya.

"Pretty, please let's talk!" Nagsusumamong tinignan niya ako.

"Let go of me Steve, may trabaho pa ako." Hindi ko siya tinignan at nagpatuloy sa paglalakad pero agad niya ring nahila ulit ang braso ko at niyakap ako. "May trabaho pa nga ako eh!" Tinulak ko siya kaya humiwalay siya ng yakap.

He looks at me with longingness. Ang laki din ng pinagbago ng itsura niya. Ilang araw pa lang ng hindi kami nagkita, pero he looks so much stressed. Mukha siyang mummy sa kapal ng eye bags niya. He also has this messy hair and small beards started to grow on his face. Namumutla din siya, nanunuyo ang mga labi at halatang walang ayos na tulog.

Ano bang pinaggagawa niya sa buhay niya at nagpapabaya siya?

"I'm s-sorry!" He stated then started crying in front of me. I want to wipe those tears but I'm holding not to. Galit pa rin ako sa kanya.

"Umuwi ka na Steve, may trabaho pa ako." I shifted my gaze so I can't see him crying but still I heard his little sobs.

"Jaynee, hindi ko naman sinasadya ang nangyari sa amin ni Bridgette. Wala ako--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at sinigawan ko siya.

"Ano ba! May trabaho pa nga ako, diba? Pwede ba huwag mo munang banggitin ang nangyari kasi masakit pa rin at lalo lang akong naiinis!" Sigaw ko dito.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng awa at pagsisisi. Gusto kong mag-sorry kasi nasigawan ko siya pero umuurong lang ang dila ko.

Kasi naman hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari tapos ipapaalala pa niya. Sa ngayon gusto ko muna ng peaceful life kahit ngayon lang. Gusto ko munang makapag-isip ng maayos. Pahupain ang galit ko kasi hindi ko makatanggap ng buo ang paliwanag niya kung may galit pa akong mararamdaman sa kanya. That's the reason why I needed more time.

"S-sorry" Mahinang pagbigkas niya.

"Umuwi ka na at ayusin mo ang sarili mo." Naglakad na ako papasok sa restau pero napatigil ng magsalita ulit siya.

"Dito lang ako, hihintayin kita hanggang out mo." Pursigidong saad niya.

My forehead creased as I look at him, who is still looking so serious with what he just said.

"Seriously? Papasok palang ako ng trabaho at mamaya pa ang out ko. Umuwi ka nalang, please! Makulimlim ang langit at hindi magtatagal uulan na." Serysosng sabi ko dito pero mabilis siyang umiling.

Hindi naman siya nakinig sa akin at naglakad papunta sa bench at umupo doon habang nakaharap sa restau.

Tsk! Bahala na diyan!

Pumunta nalang ako sa loob at sinimulan ang trabaho. Naging busy na rin kasi maraming customers. Mabuti na rin ito kasi I need to distract myself by working para hindi ako malungkot. Tinignan ko ang oras at pasado alas-dos na pala ng hapon. Apat na oras na rin akong nagtratrabaho kasi 10 am ang open hour ng restau. Napa-isip naman ako kay Steve. Siguro umuwi na iyon. Napatingin ako sa glass wall at ang lakas ng ulan sa labas. Pagkatapos ko sa mga ginagawa ko sa office, lumabas ako. Siguro tutulong nalang muna ako sa kitchen.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon