Jaynee's POV
In my whole life, all I want is to be happy. To have a normal and ordinary life just like many of us wanted. Tipo na mag-aaral at makahanap ng trabaho, mag-aasawa at bubuo ng isang masayang pamilya. Tapos magtratrabaho para sa mga anak namin. At kapag walang trabaho ay aalagaan ko ang mga anak ko at pagsisilbihan ko ang asawa ko.
Ganyan lang naman ang gusto kong maging takbo ng buhay ko. Sa pamilya at trabaho iikot ang buhay ko.
Pero mukhang malabo ng mangyari ang pangarap kong iyon. Kasi habang tinititigan ko ang isang bagay na nasa harapan ko at hawak ng isang kamay ko ay nawawalan ako ng pag-asa na mangarap pang muli. Tumutulo ang mga luha ko habang binabasa ang mga nakasulat sa kapirasong matigas na papel na hawak-hawak ko.
_____
You are cordially invited
to the wedding ofAiden Steve Montellon
and
Bridgette MadrigalFriday, April 28, 20__
10 am @ El Nido Garden Resort in Palawan
reception to follow
_____
Natatawa na naiiyak nalang ako sa nabasa ko.
Oo bitter ako! Kasi ako dapat ang nasa posisyon niya. Ako dapat ang ikakasal kay Steve at hindi siya. Ako dapat ang magiging Mrs. Aiden Steve Montellon kung hindi lang siya umeksena sa aming dalawa. Bwesit siya!
Ako dapat iyon eh! Ako dapat ang masaya at hindi siya!
Naiyak na akong tuluyan. Hindi ko kayang tanggapin na ganito ang kahahantungan namin. I am expecting forever with him and I'm willing to fight pero paano pa kung siya na mismo ang sumuko? Naiinis ako sa kanya kasi sabi niya hindi niya ako iiwan pero iniwan niya pa rin ako. Pinili niya ang magiging anak niya at di ko siya masisisi sa desisyon niyang iyon. Kasi kahit kung ako ang nasa sitwasyon niya, ganyan din ang gagawin ko. Willing akong isakripisyo ang kasiyahan ko para sa anak ko.
Gustuhin ko man siyang puntahan ngayon mismo para pigilan ang kasal nila bukas pero hindi ko magawa. Magagalit siya sa akin at maaring may masaktan o mamatay sa gagawin ko at iyon ang anak niya na pinoprotektahan niya mula sa sakim nitong lolo.
Steve told me everything about the deal Mr. Madrigal offered. Binigyan siya ng tatlong araw para makasama kami at pagkatapos noon ay magpapakasal sila ni Bridgette sa Palawan. He is a strict and a well-known heartless business tycoon in the country. Lahat ng gusto niya ay kinukuha niya ng sapilitan kung hindi madadaan sa usapan. He don't accept defeat and rejection because for him, it degrades his name and reputation. Wala siyang awa sa mga taong nasa paligid niya. And his unborn grandchild to Bridgette and Steve is not an exemption.
Siya mismo ang nagsabi kay Steve na siya mismo ang magdadala kay Bridgette sa ospital para ipalagalag ang bata sa sinapupunan niya. And I know that he can actually do that. He can do that to protect his image kasi malaking kahihiyan sa kanya kapag nalaman ng iba na ang anak niya ay nabuntis ng hindi kasal. He is that heartless that he can kill an innocent unborn child just to save his own face.
And Bridgette took advantage of that. She used her father's image to get what she wants. She manipulate the situation to fall everything into their wrong places. Isa siyang desperada na kahit kailan hindi ko mapapatawad. Sinasagad pa niya ako sa ginawa niya. Yeah, she's the one who sent me this bullshit wedding invitation para ipamukha sa akin na magiging asawa niya na ang lalaking ako naman ang mahal. Kung natutuwa siya sa ginagawa niya pwes ako hindi at sisiguraduhin kong kapag magkita ulit kami ay makakaganti rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
Lãng mạnSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...