3

8.9K 161 14
                                        

Sabado ngayon. At hindi ko inaasahang sobrang agang magpapakita nitong si Haki. Ni hindi pa ako nakakapaghilamos ng mukha noong may bumato sa bintana ng kwarto ko.Bumungad agad sa akin sa abot hanggang tenga niyang ngiti. Buti na nga lang at hindi napansin ni Papa dahil maaga siyang pumalaot. Wala rin kasi si Ate, maaga siyang umaalis para magtrabaho doon sa mga Rivadenera, pero 'yung alaga niya, wala naman doon.

"Saan ba tayo pupunta?" singhal ko sa kanya.

"Basta, just follow me," sabi niya at may dala pang malaking bag. Ano kayang laman ng bag nito? Mukha siyang maglalayas.

Ni wala akong choice kundi sumunod sa kanya. Pagkatapos niya akong iblackmail kahapon, wala na talaga akong nagawa. Tapos nagpahatid ulit siya sa akin pauwi at baka maligaw na naman daw ulit siya.

Nagulat ako nang makita ko na papunta kami sa kweba. "Hoy! Bakit dyan tayo pupunta?"

"Hindi pa ako nakakapunta dito," sabi niya sa akin habang binabagtas namin ang daan papunta doon. Inalis ko ang tsinelas kong suot bago kami tumawid ng sapa. Ginawa niya rin ang ginawa ko at inilagay ang mamahaling tsinelas niya sa magkabilang siko. Medyo natuwa naman ako dahil hindi siya maselan.

"Dalawa nga lang ang kabisado kong lugar dito sa isla," sabi niya sa akin noong nakarating kami sa kabilang parte ng sapa. "Sa Villago at Santelmo. Dadalhin kita doon at ang mga kaibigan ko sa isang araw."

Medyo natuwa naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi rin kasi ako nakakaalis dahil nga hindi kami pwedeng mahuli. Pero kung kasama ko naman si Haki, paniguradong hindi nila iisipin na hindi ako taga-rito! At isasama ko rin si Jeni at Bana para masaya!

Sobrang nakakapagtaka nga lang dahil sila ang nagmamay-ari ng isla pero konti lang ang mga lugar na alam niya.

Nakita ko na nakatingin lang siya sa mga starfish. Mukha ngang manghang-mangha siya sa nakikita niya kaya medyo natatawa ako sa kanya.

Pagdating namin sa labas ng kweba, doon ko na gustong umurong. Paano kasi, naaalala ko na may paniki dito kaya hindi na kami bumalik ni Ate Yona.

"May assignments ka ba?" tanong niya sa akin noong ibinaba niya ang gamit niya sa labas ng kweba. Mukhang ayaw rin niyang pumasok!

"Ha?" tanong ko. "Wala, bakit?"

"Tutulungan mo sana ako," sabi niya sa akin. Ang lakas talaga ng lalaking ito! Tinatanong niya ako kung may assignment ako tapos siya pala ang tutulungan ko? Iba rin talaga siyang mag-isip!

"Hala, 'wag ako ang tanungin mo," sabi ko sa kanya. "Okay na ako du'n sa mga kalandian, pero kung Math, 'hwag na lang."

Tinawanan niya ako dahil sa sinabi ko. Maya-maya ay binuksan niya ang bag niya at naglabas ng mga pagkain. Aba, handang-handa siya ah? May dala pang pang-suhol sa akin.

Kukuha na sana ako ng chips mula sa bag niya nang bigla niya akong pigilan. "Ops," sabi niya. "Wala ka pa ngang naituturo sa akin, kukuha ka na agad?"

Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. Kagabi ko pa rin pinag-iisipin kung ano ba ang dapat alamin kapag manliligaw. "Bakit ba kasi ako pa ang tinanong mo!"

E hindi pa rin naman ako nagkakaboyfriend. Takot ko na lang sa Papa ko. Hindi rin naman ako nagpapaligaw. Kaya nga kahapon, sinabi ko na may anak na ako kahit wala naman talaga.

"Basta!" sabi niya sa akin at binuksan ang hawak kong chips. "Kailangan ko ng perspective ng babae."

Ang swerte naman pala ng liligawan nito. Ang effort niya! Talagang magtatanong pa siya ng opinyon ng babae para sure win!

"Hindi ka pa naman seseryosohin ngayon!" singhal ko sa kanya at kinuha ang chips. "Ang bata-bata mo pa!"

"Nineteen na ako, hoy!" sabi niya sa akin at nagsimulang magpaypay gamit ang folder mula sa bag niya.

"Huwag ka ngang magpaypay dyan, baka mamaya magliyab ka," sabi ko sa kanya habang natatawa. "Mukha ka kasing uling."

"Tumigil ka Noo-kia," sabi niya at napasimangot ako. Nagpalinga-linga siya sa paligid. "Tara kaya sa loob? Ang init na dito sa abas."

Tingnan mo ang lalaking 'to, halatang hindi sanay sa mga ganitong lugar. Ang kintab-kintab tuloy ng mukha niya dahil sa pawis.

"Ayoko d'yan, baka kung ano pang gawin mo sa akin," pang-aasar ko sa kanya. "At saka may paniki dyan."

"Eh?" inosenteng tanong niya sa akin. "What does a bat look like?"

"Mukhang baseball bat," sabi ko sa kanya at nawala ang ngiti sa labi niya kaya naman natawa ako. Mukha siyang batang ngayon lang nakalabas ng bahay!

"Game na nga," sabi nya at nagpaypay na ulit. "Ano na?"

"Unang-una, syempre," sabi ko at ngumuya ng chichirya. "Get to know her. Malamang! Ang basic! Alamin mo 'yung mga ayaw at gusto niya."

"Ikaw ba, ano'ng gusto mo?" I was taken aback with what he said. Bakit ako ang tinatanong nito!

"Basta hindi ikaw," sabi ko at umiwas ng tingin. Akala mo, madadala mo ako sa paganyan-ganyan mo ha! Mabango ka lang!

"Tinatanong nga kita kasi kailangan ko ng opinyon mo," nagkakamot na sabi niya na parang naiinis na sa akin. "Gusto mo ng chocolates, ganoon? Pagkain? Ayaw mo ng ampalaya?"

"Hmm," sabi ko habang nakatuon ang kamay sa baba. "Pwede na rin. Pero hindi lang sa pagkain, dapat alamin mo rin 'yung mga traits na gusto niya. Tapos try mo ring baguhin ang sarili mo kung may mga traits ka na ayaw niya. Pero if you want someone to genuinely like you, I suggest na huwag mo nang lagyan ng filter 'yang pagkatao mo."

I looked at him at patuloy lang siya sa pagkain ng chips. Nagbubukas na nga siya ng panibago kaya naman nainis ako at binatukan siya. "Nakikinig ka ba?"

"Ouch," sabi niya at kunot-noong tumingin sa akin. "Oo, nakikinig ako. Ang bayolente mo naman."

"I thought you weren't listening," sabi ko sa kanya. "Dada ako ng dada dito."

"Nakikinig ako," he repeated while he's trying to fix his thick, wavy, unruly hair. Nagtataka rin ako sa buhok niya at parang pasaway. His errant curls won't stay down no matter what he does to them.

Hindi na ulit siya nagtanong pagkatapos noon. Kinuha niya ang notebook niya at may ginawang assignment. Mukhang hindi nga talaga siya nagjojoke doon sa tanong niya tungkol sa assignment. May mga inilabas siyang mga malalapad na columnar sheet na kulay dilaw. Doon ko lang naalala na magkaiba nga pala kami ng kinukuhang strand. Nasa ABM (Accountancy, Business & Management) Strand siya habang ako naman ay nasa HUMSS (Humanities and Social Sciences). Hindi naman ako nagtanong sa kanya kung ano'ng kukunin niyang program sa college kahit medyo nacucurious ako.

Pinagmasdan ko lang siya habang nagsusulat ng kung ano-ano doon.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon