"Ang laki ng bahay mo, Haki!" sigaw ni Jeni habang tinitingala ang mansyon ni Haki. Ganoon din ako. O halos lahat kami, gulat na gulat sa hitsura ng bahay niya. I mean, nakapunta ako rito noon pero ngayon ko lang talaga ito nakita nang ganito kalapit. Gate pa nga lang nila, sobrang taas na. Parang mahihiya ang mga akyat-bahay na akyatin ang mataas na gate nila.
Pagpasok pa lang namin, napanganga na ulit kami. Sina Aegis, Sancho at Nikos, wala namang reaksyon. Siguro ay gaya sa Villago, lagi rin silang pumupunta rito. His mansion stood proudly behind the iron gates. May mga matataas na puno sa gilid, and at the middle stood a marble fountain. Ang tubig na nagmumula rito lang ang naririnig namin bukod sa mga boses namin. His mansion is colossal and luxurious, but it sure is quite gloomy. Siguro dahil isang tao lang ang nakatira.
Wooden panels welcomed us along the corridor, at pagpasok namin sa loob ng mansyon niya, the chandeliers greeted us. I looked around and saw oil paintings everywhere. There is a grand staircase in the grand hall and other stairs that lead to the fireplace. Even the floor is well-polished. His house looks like it came straight from a fantasy story book!
"Oy," tinapik ko sa braso si Haki. "Sure ka na pwede kami rito?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "Bakit naman hindi? Kung gusto mo nga, dito ka na lagi e."
Hindi ako sumagot kahit pinilosopo niya na naman ako. Ewan ko ba, feeling ko nakakahiyang tumapak sa mansyon niya. Parang hindi kami nababagay!
Iniwan niya kami saglit dahil magpapahanda raw siya ng pagkain para sa amin. Nagkayayaan kasi kaming mag-sleepover dito kina Haki, kahit wala naman talaga kaming gagawin na mga projects or assignments. Syempre palusot lang 'yon para payagan kami. Pinayagan naman ako ni Papa dahil malakas mamilit itong si Haki. Ewan ko nga kung bakit parang ang bilis niyang nakuha ang loob ni Papa. Bilib ako sa powers niya.
Ibinaba ko ang bag ko at inilibot ulit ang tingin ko sa paligid habang gaya ko ay ganoon rin ang ginagawa ng ilan naming mga kaibigan. Ewan ko pero for a very short time, naging magkaka-close kami ni Haki at ng mga kaibigan niya, maliban kay Sancho, at medyo nakakapagsisi dahil huling taon na namin ito sa senior high school. Kung noon pa sana kami nagkakila-kilala, then we would have spent more time with each other.
Sinubukan kong hanapin si Ate Yona. Medyo nagugulat pa rin ako dahil hindi ko naisip na sobrnag laki pala ng bahay kung saan nagtatrabaho si Ate. Pero mukhang mahirap siyang hanapin dahil sa laki ng bahay ni Haki. Hindi na ako magtataka kung naliligaw rin sa loob ng bahay niya si Haki. Baka siguro kaya siya naliligaw palagi ay dahil ganito ang bahay niya. Parang walang katapusan.
Kasama ko si Jeni at Bana sa pag-iikot, since nakapunta na naman dito ang boys, nakaupo lang sila sa kung saan kami unang pumasok kanina. Sobrang daming kwarto! Pwede na siyang mag-ampon ng limampung bata dahil sa laki ng bahay niya! Sobrang nakakatuwa nga dahil mayroon ditong mini ballroom, music room, may malaking library, may game room din siya pati na rin home cinema. May iba pang rooms na hindi namin napuntahan dahil napagod na rin kami, pero sigurado ako na mga bedrooms ang iba roon. Sumilip kami sa balkonahe at kita namin doon ang karagatan. Malapit lang ang bahay ni Haki sa beach, magyayaya kaming pumunta doon bukas!
Nagsimula kaming kumain. Gabi na rin kasi. Sobrang lawak rin ng dining hall niya, parang kalahati lang ng bahay namin. Hindi ko na rin nakita si Ate Yona. Sabi sa akin ni Haki, nakaalis na raw. Sabagay, hapon kasi iyon umuuwi. Sayang naman dahil hindi ko siya nakita.
Pagkatapos naming kumain, doon kami dumiretso sa gameroom niya. I mean, bukod doon, wala na naman kaming ibang mapupuntahan. Pumayag naman siya na dalhin kami bukas sa Hibiscus Beach, kaya tuwang-tuwa kaming lahat. Soundproof ang game room niya. Ewan ko kung private space ito para sa kanya, pero naappreciate ko na pinapapasok niya kami dito nang walang pag-aalinlangan.
Umupo si Haki sa reclining chair sa harap ng PC niya, "Anong gusto niyong laruin? Panoorin?"
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang malaking LED TV pati na rin ang projector na katabi nito, at may malaking speaker rin siya at nagpeplay ang kantang na hindi ko alam kung anong pamagat dahil puro rap. Madilim rin ang paligid, epekto ng kulay purple na lighting, kaya naman naastigan ako. The style of the room is improved by the matching color storage boxes and other furnitures. May mga shelves din na may nakalagay na mga libro. Haki called them 'manga'. And he told us that he likes them a lot. Dilaw na mangga o berdeng mangga? I'm not sure.
Walang sumagot sa amin sa tanong niya kanina kaya naman nagsalita ulit siya, "Nanonood kayo ng anime?"
Tumango 'yung mga lalaki. Sina Jeni at Bana rin. Kaya naman medyo nahiya ako at tumango na lang rin. Tumingin sa akin bigla si Haki, " Anong gusto mong panoorin, Nokia?"
Nagulat naman ako sa tanong niya habang may hawak na remote. Jusko! Bakit ako pa ang tinanong nito! Wala nga akong alam sa anime-anime na 'yan, naki-oo lang ako! "Ah, Wonder Pets, meron?"
Narinig ko ang tawanan nila kaya naman nainis ako bigla sa kanila. Problema ng mga 'to? Ganoon rin si Haki na maluha-luha na sa pagtawa. "Laughtrip ka talaga lagi, Nokia!"
Hindi na kami natuloy sa panonood ng anime na sinasabi niya dahil binugbog ko na siya. Tama ba naman na pagtawanan ako e 'di ko nga kasi talaga alam!
Ilang minuto lang ay natigil rin ang pagbabangayan naming dalawa ni Haki at in-enjoy ko na lang ang libreng WiFi sa bahay niya. Ang galante naman nito! Hindi na raw niya nilagyan ng password dahil may mga bata raw sa kalapit-bahay na kailangan minsan na magsearch ng assignments kaya hinayaan niya na lang na maki-connect. He's unusually kind for someone who owns an island.
Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Haki, and he leaned to whisper something, "Come with me, I'm just going to try something."
"Saan?" tanong ko sa kanya. Mukhang hindi napapansin ng mga kaibigan namin na kinakausap niya ako o may sinasabi siya dahil busy 'yung iba sa pag-e-xbox, ang girls naman ay nag-po-phone lang sa gilid.
"Basta," sabi lang niya at hinawakan ako sa braso. He looked at everyone who didn't seem to care at all and told them to just continue playing, and after that, we stormed out of the room.
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...
