8

7.1K 134 16
                                    

Matagal ko siyang tinitigan, at dalawang beses akong kumurap noong biglang may kumatok sa pinto. Nagpanic ako kaagad at kinuha ang shorts at underwear ko, at dumiretso sa banyo. Si Haki naman, pumunta sa pinto noong nakapasok na ako. Sumilip ako at nakita ko na si Sancho ang kausap niya, at pagkatapos noon ay lumabas na sila pareho.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Inayos ko muna ang sarili ko sa loob ng banyo, dahil sobrang nanlalagkit ako. I don't even know what Haki did to me, but I can't deny the fact that I liked it...

Pagkatapos noon, lumabas na ako mula sa kwarto ni Haki. Huminga muna ako nang malalim bago bumalik sa loob ng gameroom, at pumasok ako doon na parang walang nangyari. Katulad kanina noong umalis kami, ganoon pa rin ang estado nila. The boys were playing games, maliban kay Haki at Sancho. Mukhang kinukulit na naman siya ni Haki dahil kita ko inis na inis na naman ang hitsura niya.

"Pre, may napkin ka pa?" tawang-tawa na tanong ni Haki kay Sancho. Baliw talaga siya. Minsan rin nga napapaisip ko kung bakit pa sumasama sa amin itong si Sancho, parang inis na inis naman palagi siya sa lahat. At iniisip ko rin kung paano nagagawang magtimpi ni Sancho kahit sobrang kulit ni Haki.

Pareho silang napatingin sa direksyon ko noong umupo ako sa tabi ni Jeni at Bana. At heto na naman ang makulit na si Haki, palapit sa akin para ako naman ang bwisitin. "Gusto ko sanang manood ng horror kaso natatakot ako na mawala ka sa'kin."

Siniringan ko si Haki dahil sa sinabi niya. 'Yan na naman siya sa mga banat niya!





I woke up the next day with a terrible headache—I mean, all of us, except Haki, not because we drank alcohol last night, but because Haki kept us up all night and he was the only one among us who really slept well. Puyat na puyat kami dahil sa paulit-ulit na kantang pinatugtog niya magdamag. As in, magdamag, isang kanta lang ang pinatugtog niya nang paulit-ulit! At kapag pinahinaan namin ang volume, o kaya naman ay i-pause man lang, nagigising agad siya at uutusan kaming i-play ulit. Wala naman kaming magawa lahat. Hindi kami makapagreklamo dahil bahay niya 'to. At isa pa, he can't sleep with the lights off! Halos lahat pa naman kami ay sanay na matulog nang walang ilaw!

Naalala ko pa nga kagabi,

"Bakit ba tatabi ka pa sa amin? Doon ka na sa kwarto mo! Ang lawak-lawak ng bahay mo tapos makikipagsiksikan ka sa amin dito," singhal ko sa kanya dahil nakiagaw siya ng kumot sa akin at tumabi pa sa akin. Nakita ko rin ang pagkairita sa mukha ni Sancho dahil parang ayaw niya nang may katabing matulog, while the others have no say about this. Okay lang sa kanila na magkakatabi kami sa sleepover room kahit marami namang ibang kwarto.

"Kaya nga ako nagyayang magsleepover para makasama ko kayo, tapos doon ako tutulog sa kwarto ko," sabi niya at inagaw rin ang unan na yakap ko. "At saka wala akong kasama dito palagi sa bahay! Tabihan nyo ako!"

Inirapan ko siya at hindi na umangal pa. Medyo nalungkot rin kasi ako nang marealize ko na tama siya, na wala siyang kasama sa bahay niya palagi. He sleeps alone at night, habang lahat kami ay may kasamang magulang sa bahay namin. I don't even know kung ilang taon nang wala ang parents niya, but I'm pretty sure that it's hard for him. It's hard to sleep at night knowing na wala man lang sasalubong sa'yo sa umaga, it's hard to go home na walang sasalubong sa'yo pag-uwi... that's what I thought.

But how he acts towards us and with other people made me realize something. He's gentle, empathetic and considerate, even if he has no parents to guide him as he grows up. Pantay rin siyang tumingin sa amin kahit anong estado pa namin sa buhay. He never treats people differently. Naalala ko tuloy noong nakikitusok siya sa fishball ng mga schoolmates namin. He's really different than most of the people who treat people badly just because they had a dark past.

Hindi kami natuloy sa Hibiscus Beach. Something came up with Haki's relatives and he had to leave the island right away. He asked for my number para daw makapag-usap pa rin kami, kahit mawawala siya ng dalawa o tatlong araw. Medyo nag-alala nga ako para sa kanya, dahil may exams kami bukas at sa kabilang araw, meaning, hindi siya makakapag-exam, pero nag-excuse naman daw pala ang guardian niya kaya wala akong dapat na ipag-alala.

Medyo nainggit ako kay Haki. He's free. He can do what he wants. He has money, he's loved by everyone, and most importantly, he can leave the island and come back if he wishes to.

It left me wondering about the things outside the island. Medyo na-curious talaga ako. I've seen and read about the places outside the island and saw cities too, with tall buildings, malls, pero hindi gaanong maraming puno. Ngayon ko lang rin pati narinig na may aalis sa isla, kaya sobrang nagulat ako sa mga kaya niya at ng pamilya niya na gawin. Who the hell made that stupid unwritten rule na bawal umalis at pumunta sa isla?

Naputol ang pag-iisip ko noong tumunog ang cellphone ko. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong highlighter na ginagamit ko sa reviewer na ginagawa ko.

Unregistered number, pero kilala ko na agad kung sino'ng tumatawag. Siya lang naman ang pinagbigyan ko ng phone number ko.

"Bakit?" tanong ko kaagad sa kanya pagkasagot ko ng tawag. Narinig ko naman na humagikhik siya sa kabilang linya, at pakiramdam ko ay namula ako. Unang beses ko itong nakipag-usap sa lalaki over the phone.

"Wala man lang, 'Hello? Sino 'to?'. 'Bakit' agad?" natatawa pa rin na sabi niya. Mas lalo pa akong nahiya dahil tumingin bigla sa direksyon ko si Papa at si Ate Yona, nakatingin sa direksyon ko at nginingitian nila ako na parang nang-aasar dahil may kausap ako sa phone. Medyo nainis naman ako dahil baka iniisip nila na may manliligaw na ako, kaya naman ini-loudspeaker ko para malaman nila na si Haki lang ang kausap ko.

"Para saan pa. Alam ko namang si Haki ka," sabi ko sa kanya. "Bakit ba kasi tumawag ka? Busy ako sa pagre-review!"

"Wala, nangungumusta lang, bawal ba?" tanong niya mula sa kabilang linya, and his voice is too loud kaya naman inilayo ko ang phone sa tenga ko. He paused for a second, at hindi na lang ako nagsalita dahil wala rin naman akong sasabihin. "About what we did last night..."

Sabay na napalingon sa akin si Papa at Ate Yona, at nanlalaki ang mata ko habang ibinababa ang tingin ko sa cellphone ko na nakaloudspeaker. Damn you, Harlequin Rivadenera!

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon