Bandang alas sais nang magpasya kaming pumunta sa Villago. Nag-siesta pa kami pareho ni Medel habang busy sa paghahanda ng gamit 'yung dalawa.
Medyo kinakabahan ako habang naglalakad kami papuntang Villago. Hindi na ulit ako nakapunta rito pamula noong pumunta kami nina Haki dati, pero pakiramdam ko ay unti-unting sumasariwa sa isip ko ang nangyari dito dati.
Nahirapan kaming umahon dahil mataas nga masyado ang lugar na ito pero nagawan naman ng paraan ng driver.
Pagkarating namin doon, nagset-up na kaagad ng tent sina Haki kasama ang driver, habang kami naman ni Kia, ine-enjoy ang ganda ng paligid. Ramdam ko ang excitement ni Medel, siguro ay dahil ngayon lang siya makakapunta sa ganitong lugar na parang halos abot-kamay na ang langit. We can even see how the clouds are kissing the mountains nearby. Tall coconut trees are swaying gracefully at makikita rin dito sa taas ang karagatan, pati ang maliliit na mga bahay malapit sa dalampasigan. Napangiti ako. Halos walang nagbago.
Naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya naman tiningnan ko kaagad kung may tumatawag at kung sino iyon. I saw Sancho's name so I answered it immediately, at nagpaalam kay Medel na may kukunin lang sa van kahit na wala naman talaga.
Tumayo lang ako sa gilid at sinagot ang tawag niya. He told me that they'll be back after Christmas, dahil doon sila magpapasko sa mga Lola niya. He asked me kung ano'ng gusto kong regalo at saka pasalubong, pero sinabi ko na ayos lang naman kung wala. I actually prefer it more kung wala siyang ibibigay sa akin dahil hindi ko rin alam kung ano'ng ibibigay ko sa kanya. Nakakahiya naman siyang bigyan ng pipitsuging mga gamit!
"Okay, I just called to check up on you," sabi niya. "Take care always. And..."
"And?" tanong ko sa kanya. Sandali siyang natahimik, like he's finding the right words to say. "And ano?"
"Please..." sabi niya. "Please tell me... kung handa ka nang subukan ulit. Last time didn't work out, but you know... I still like you, Kia."
Ako naman ngayon ang natahimik. Napakapit ako sa katapat kong puno at naramdaman ko ang biglaang panlalamig ng kamay ko. I still... don't know how to respond to him. Kahit na siya ang palaging nandyan para sa akin.
Hindi niya na hinintay ang sagot ko at narinig kong binabaan niya na ako ng tawag. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. I'm being so unfair to Sancho... pagkatapos ng lahat ng mga ginawa niya para sa akin...
"Ano'ng ginagawa mo dyan?" narinig kong tanong mula sa likod ko at nakita ko si Haki na may dalang binoculars at saka ballpen at papel. "Nakikipag-usap ka na ngayon sa puno?"
Inirapan ko kaagad siya. "Siraulo. Tinawagan ako ni Sancho kanina."
Nakita ko kaagad kung paano nagdilim ang mga mata niya, pero kaagad rin niya iyong binawi. "Do you like him?"
I was taken aback by what he said, pero hindi ako nagpahalata. Sobrang straightforward nitong lalaking 'to.
Nagsimula na ulit akong maglakad pabalik kina Medel. "Well, he's tall."
Naramdaman kong sumunod siya. "I'm tall, too!"
"He's taller than you."
Nilingon ko siya at nakitang nakanguso lang at nakasimangot kaya naman natawa ako pero hindi ko na lang pinansin. Do I even like Sancho? Sure he's been a good friend to me, but I really don't know...
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...
