I woke up to the sound of Haki's breathing and I swear, that's the most satisfying shit ever. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.
Lutang na lutang ako at hindi pa rin kumakawala sa yakap niya. Napabuntong-hininga ako. Bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw?
Ilang araw ang nakalipas noong nalaman at naliwanagan ako sa mga totoong nangyari. Haki and I made up already. To be honest, noong araw na iyon, I missed the chance to talk to my sister dahil nakatulog ako dahil sa kakaiyak kaya naman noong nagising na ako, nakaalis na si Ate pati ang anak niyang si Leto. Noon ko lang rin nalaman na sinundo siya ng asawa niya pagkagaling dito sa mansyon.
Pero kahit papaano, naging masaya naman ako na nalinawan na ako sa lahat. I still want to ask her more though... kahit si Haki na halos ang nagpalinawanag sa akin ng lahat. At least, kahit papaano, makakahinga rin ako nang maluwag, at kahit siya rin. Para mabawasan man lang ang mga dinadala namin sa buhay.
Marahan na marahan kong kinuha ang phone ko sa ulunan ng higaan nang maramdaman ko na nagvibrate iyon, dahil baka magising pa si Haki. I checked the message immediately and saw messages from buyers.
Bumuntong-hininga ako bago subukang alisin ang braso ni Haki na nakapulupot sa akin. Okay, I appreciate that you're snuggly and warm, pero kailangan kong magtrabaho! At saka, bakit ba ang bigat ng braso nito!
Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang kapit niya kaya naman aksidente kong natampal ang braso niya kaya napamulat siyang bugla. Nagsorry kaagad ako at iniangat ang braso niya, pero ikinulong niya ulit ako sa mga bisig niya. "Haki..."
"It's too early to get out of bed..." he said, at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko habang tinititigan siya. Oo na, marupokpok na. But he's so cute when he's half-asleep like this! Parang ayaw ko na ring bumangon!
"I have to get up..." mahinahon kong sabi, pero hindi pa rin siya gumagalaw, kaya naman tinitigan ko lang siya habang nakapikit siya. Even his messy morning hair is pretty... bakit ang daya niya! He probably lucked out in the genetic department. I mean, he's good-looking (at least for me lol), has money, at okay naman kahit papaano ang personality niya kahit na minsan talaga ay isip bata siya at hindi ko na maintindihan. Well, at least, he makes me smile always! Hindi rin siya nauubusan ng mga korning jokes pati mga kwentong hindi ko alam kung saang pwet niya nahugot. At sobrang curious rin talaga niya. Noong isang gabi, binalak kong i-raid ang phone niya pero imbes na mga kalandian ang makita ko, nakita kong ini-google niya kung natutulog ba talaga ang mga sleeping pills. Hindi ko talaga alam ang takbo ng isip niya.
"Five minutes..." he said in a raspy voice at isiniksik ako sa dibdib niya.
"Hindi pwede!" sabi ko at itinulak siya kaya naman noong humiwalay na siya sa akin, bumangon talaga ako para hindi na siya makaangal.
"Ang damot naman," nagkakamot ng ulong sabi niya at umupo na rin kaharap ko. "Then, can I have a kiss?"
Napangiti ako. He's always asking for consent... which I find very amusing and really cute. Kahit literal na tatlong segundo lang kaming magki-kiss, nagtatanong pa rin siya sa akin. Guess he wasn't lying when he told me that he's trying hard not to make the same mistakes he did before.
Tumango na lang ako sa kanya at nakita kong ngumiti siya. Hindi ko alam pero parang gusto kong barilin ang araw. Pwede nang pumalit si Haki sa pwesto mo! Mas maliwanag ang ngiti niya kesa sa'yo!
Pero syempre, joke lang 'yon. Naisip ko na sana all, nakaka-in love kapag ngumingiti. Ako kasi, parang may masamang balak kapag ngumingiti.
He tilted his head and kissed me briefly. Pagkatapos noon ay ngumiti ulit siya. "Good morning..." sabi niya. "The meal is ready."
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...