13

6.7K 107 18
                                    

"Nakapagbihis ka na?" tanong ni Haki mula sa kabilang linya. Nagmamadali kong sinuklay muli ng isang beses ang mahaba kong buhok at kagat ang invitation bago lumabas ng bahay. May dala rin akong maliit na backpack at doon nakalagay ang pamalit ko dahil doon kami tutulog kina Sancho.

Yes, ngayon ang debut ng kapatid ni Sancho. Hindi naman kami kasali sa mga 18 something, bukod sa mga boys namin na kasali sa 18 roses niya, pero imbitado kaming mga kaibigan ng kapatid niya. Sobrang saya ko nga dahil pinayagan akong magsleepover! First time ko rin kasing aattend sa mga ganitong party kaya malayo pa lang ay pinaghandaan na namin nina Jeni at Bana, feeling namin ay kami ang magdedebut. Hindi kasi ako nakaranas ng ganito noong mag-18 ako kaya naman medyo na-excite ako.

"Oo, nasaan ka na?" tanong ko kay Haki at pagkatapos noon ay narinig ko ang pagbusina sa tapat ng bahay namin. Ibinaba ko ang tawag at tumingin sa kinaroroonan niya. Nagulat ako dahil lumabas pa siya ng van. Buti nga at dala niya ang van niya para daanan kami. Hindi hassle.

Pakiramdam ko ay nagtubig ang bagang ko nang makita ko kung ano'ng suot niya. He's wearing a maroon suit at nasa loob niyon ay itim na turtle neck. Nagulat rin ako dahil sobrang laki ng pinagbago ng hitsura niya kahit undercut pa rin naman ang gupit niya, ang pinagkaiba lang, his hair is slicked back now. Dumiretso ako sa paglalakad palapit sa van niya and he started scanning my body, pero wala siyang sinabing kahit ano. Ngumiti lang siya sa akin.

Medyo disappointed ako. Hindi siguro siya nagandahan sa suot ko. Hiniram ko lang kasi ang dress na suot ko ngayon kay Bana. Nakasuot ako ng kulay maroon na halter dress na hanggang tuhod lang, at nakasuot rin ako ng pumps na ipinahiram sa akin ni Jeni. May konting ayos naman ako dahil inayusan ako ni Ate Yona.

Sumakay na ako sa loob at hindi ko inaasahan na sa akin si Haki tatabi ngayon, kaya naman naamoy ko na nagbago ang pabango niyang gamit. Napatingin siya bigla sa akin noong kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Umiling ako. "Wala," sabi ko. "Hindi ka kasi amoy baby ngayon..."

Natawa siya sa sinabi ko pati na rin ang driver niyang si Kuya Ando. "Ngayon lang 'yan. My nose is sensitive, I don't like strong perfumes. Baby mo na ulit ako bukas."

Nakipagtawanan na lang ako sa kanila ni Kuya Ando kahit sa totoo lang ay parang hihimatayin ako sa sobrang lapit naming dalawa at nagdidikit pa ang mga balikat namin kada may daraanang humps. Hindi ko na lang ipinahalata iyon at itinuro na lang sa kanila ang bahay ng iba naming kaibigan, tutal ay alam niya naman ang bahay nina Nikos at Aegis. Noong makumpleto kami, dumiretso na kami sa venue, sa bahay nina Sancho.

Medyo nanlalamig ang kamay ko habang papunta kami sa loob. Napakapit tuloy ako sa braso ni Haki dahil sa kaba. Napalingon siya sa akin na parang nagtatanong. Sumagot ako, "Kinakabahan ako."

"Huwag kang kabahan," natatawang sabi niya. "Kakain lang tayo tapos tutulog na mamaya."

Medyo natawa ako sa sinabi niya pero paanong hindi ako kakabahan! Baka puro mayayaman lang ang imbitado at saka natatakot rin ako na baka pagtinginan nila kami. Pero okay lang! Ano bang masaydo kong iniisip. Nandito naman si Haki at kasama ko rin ang iba ko pang mga kaibigan. Think positive, Kia!

Pagdating namin doon, someone came to usher us to our designated seats. We're 15 minutes late kaya naman noong dumating kami ay saktong nagsisimula na ang entourage ng debutant.

We all had our mouths open the moment Hara, Sancho's sister, walked down the stairs. She's stunning with her burgundy grand ball gown! Lahat kami ay nakangiti habang ipinapakilala siya ng mga MC.

Ngayon ko lang rin napansin kung gaano kaganda ang pinagdarausan ng debut niya. It's like a whole different place! Her parents must've spent a lot to make her birthday celebration so grand.

Nagsimula na ang 18 roses dance. Pinaggigitnaan ako ni Aegis at Haki at tumayo silang dalawa dahil kasali sila doon, pati na rin si Nikos, kaya kaming mga girls lang ang natira sa upuan namin.

We were busy chatting about how dreamy this debut is nang biglang may kumalabit sa akin, at paglingon ko ay nakita ko si Sancho. He looked handsome wearing a black suit, maroon shirt and a tie. He smiled at us, which is really unexpected, but we smiled back. "Thank you for coming."

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ulit siya sa akin, pagkatapos noon ay umalis na siya.

Ilang segundo pa lang siyang nakakaalis nang hampasin ako sa braso ni Bana. "Believe me. May gusto sa'yo si San! Hindi naman siya ganoon sa amin!"

"No way," sabi ko habang umiiling, even though these days, he has been showing me signs and I've been ignoring it abruptly. There's no way!

"Sa tingin ko, may gusto rin si Haki sa'yo!" Jeni exclaimed, and my heart stopped beating. Ewan ko, pero kapag si Haki, ibang-iba ang dating. But... there's no way that it's true too. Since...

"He likes someone else, 'diba?" sabi ko sa kanila. "Kaya nga kami naging magkaibigan. Nagpapatulong siya sa akin na manligaw."

"Hmm," sabi ni Jeni. "Pero nakilala mo na ba kung sino 'yang tinutukoy nya?"

"Oo nga," sabi ni Bana. "Baka naman sinasabi nya lang 'yon para mapalapit sa'yo. Pero ang totoo, ikaw naman talaga ang gusto niyang ligawan. Makes sense, right?"

Hindi ako nagsalita at tumingin na lang ulit sa debutant, at nakita ko na si Haki na ang ka-partner niya ngayon. My eyes automatically landed to Haki's hands on Hara's waist, habang nakapatong naman ang kamay ni Hara sa balikat ni Haki. Nakita ko rin na nag-uusap sila habang nag-sslow dance. Tumatawa rin silang dalawa at hinahampas niya nang mahina sa braso si Haki.

I don't know... but it made me feel... anxious. Ewan ko. Naaattach na ba ako? I mean, we just had oral sex. And he's just practicing his skills with me! Why would I feel this way towards him! Nababaliw na yata ako! I'm so ashamed of myself. Kaibigan ko si Haki kapag kaharap ko siya, pero kapag nakatalikod siya... ewan.

I don't know too, but what Jeni and Bana said earlier made me happy. It made me hope for something na hindi naman dapat, na hindi posible. I'm the one who knows the truth na may totoong tao na nililigawan si Haki, even though I haven't even met her yet.

Pero dahil sa sinabi nila kanina... I can't help but hope na sana ganoon nga. Na sana ay gusto niya rin ako pero idinadahilan niya lang na may iba para hindi ko siya mabuking.

Maya-maya ay bumalik na sa upuan sina Haki, at magkatabi na ulit kaming dalawa.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon