44

6K 122 19
                                        

He was right when he told me that he will be very busy sa mga susunod na mga araw. Halos hindi ko na siya mahagilap these past few days. Mabuti na nga lang at mabilis ang internet connection dito sa bahay niya kaya naman palagi akong nakikipag-videocall kay Medel, at tumatanggap ng mga orders mula sa mga buyers ko kaya lumalabas pa rin ako paminsan-minsan.

He's very busy dahil gaya nga ng sabi niya noon, they're preparing for a business meeting at ngayon nagaganap iyon. I really appreciate the fact that he actually made people try our products. He wasn't lying when he told me na bumili siya sa amin ng mga pastries para sa mga bisita.

He told me na may nagbabalak na magpatayo ng mall dito. And even a bridge na magkokonekta sa Rivadenera at sa kabilang isla. He even told me na magkakaroon ng libreng tuli! At talagang nakakatuwa siya dahil parang sobrang saya niya dahil sa mga ginagawa niya para sa Rivadenera.

Ngayon lang talaga nanatili nang ganito katagal sa bahay, dahil katatapos lang rin ng pasko. Kami lang rin namang dalawa ang magkasama kaya naman nagpa-deliver na lang siya ng pagkain naming dalawa at magdamag kaming nanood ng TV kahapon.

Pero hindi pa rin siya bumabangon hanggang ngayon kaya naman iyon ang ipinagtaka ko. Malapit nang maghapunan, at kaninang tanghali ay bumangon lang siya para mananghalian pero pagkatapos noon ay natulog na ulit siya. Mukhang pagod yata talaga dahil nga busy nitong mga nakaraang araw...

Umuwi na ang mga maids pagkatapos magluto ng hapunan. Dumiretso naman ako sa kwarto ni Haki dahil doon siya natutulog ngayon, pero nagulat ako dahil noong hinawakan ko siya para gisingin, inaapoy siya ng lagnat!

"Oh my god," I said while checking his temperature. "Bakit hindi mo sinabing masama ang pakiramdam mo?"

Kaagad kong inihanda ang pagkain niya at saka gamot. Humingi rin siya ng gatas kaya binigyan ko siya ng isang baso. Mukhang antok na antok rin siya habang kumakain pero ngumingiti-ngiti pa rin siya sa akin. "I'm really fine... Kapag naligo ako, wala na agad ito."

"Kumain ka muna dyan," sabi ko sa kanya. "Inumin mo ito pagkatapos, para humupa ang lagnat mo."

Tumango-tango lang siya sa akin na parang bata, and started grinning from ear to ear. "Salamat sa pag-aalaga sa akin. I missed the feeling..."

"Kulang ka sa aruga, 'no?" pabiro kong tanong.

"Sa'yo lang ako magpapa-alaga."

Pakiramdam ko ay namula ako dahil sa sinabi niya, pero hindi ko na siya sinagot. Pagkatapos niyang kumain, inalalayan ko siya papunta sa banyo dahil gusto niya raw maligo. Ewan ko nga sa kanya, kapag may sakit ako, halos hindi ko kayang madampian ng tubig dahil mabilis akong lamigin. I guess we have different preferences. Baka mas mabilis siyang gumaling kapag ililigo na lang niya.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos ko siyang tulungan papunta sa bathtub. Balak ko na sanang iligpit ang pinagkainan nya nang bigla niya akong tawagin kaya bigla akong kinabahan dahil baka kung ano nang nangyari sa kanya, kaya naman nagmamadali akong pumasok sa banyo. "Bakit? Ano'ng nangyari sa'yo?"

Mas lalo akong nagulat nang makita kong tumatawa siya habang nakaupo sa loob ng bathtub at may hawak pang rubber duckies. "Look! It's cute!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis nang makita kong pinapaanod niya pa ang mga bibe sa tubig. Ewan ko sa kanya kung tumatanda ba siya nang paurong! Feeling niya yata talaga, bata pa siya!

Maya-maya ay may kinuha siyang kulay asul bubble bath bomb at noong inilagay niya iyon sa tubig, napaluhod ako habang nakatuon sa bathtub at pinanood iyon habang bumubula. Ang ganda! Pakiramdam ko tuloy ay mukha kami parehong mga bata.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon