I still can't decide kung ano'ng isususot ko. I was about to go outside to ask Medel to help me choose and her opinion tungkol sa swimsuit na babagay sa akin, when Haki entered the room.
"Tapos ka na?" he asked and shifted his glance to my things na nakakalat sa kama niya. Ewan ko ba kung bakit sobrang walanghiya ko at talagang inangkin ko na ang kwarto niya. Nahiya naman ako bigla dahil nakalatag pa roon ang mga swimsuits na pagpipilian ko. I don't usually wear these pero I appreciate na kasama ang mga ito sa kinuha ni Haki sa bahay kaya naman nagdalawang-isip ako kanina kung magsusuot talaga ako ng ganito. Binalaan na rin ako ni Sancho!
Pero wala naman si Sancho rito. And does he expect me to wear pants while swimming? At sinabi rin naman ni Haki kanina na isuot ko ang gusto kong suotin. Solo rin naman raw namin ang Hibiscus ngayon.
Umiling ako sa kanya at bumalik na sa kama. Nakita kong dumiretso lang siya sa closet niya at mukhang naghahanap ng isusuot. Ilang segundo lang rin ay may napili na agad siya. I wonder if it's easy to be a guy? Sobrang bilis niyang makapili ng isusuot, samantalang ako, inabot na ng dalawampung minuto pero hindi pa rin nakakapili.
Even on normal days! Malapit nang matuyo ang buhok ko pero hindi pa rin ako nakakapili ng susuotin. Minsan pa ay itinutugma ko ang kulay ng damit sa panahon. I'm so complicated!
He went straight to the door. Noong palabas na siya, lumingon siya bigla sa akin. "I think you would really rock that yellow one. You have warm undertones..." at pagkasabi niya niyon ay lumabas na siya ng pinto.
Habang papunta kami sa Hibiscus, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Haki. Alam ko na sobrang babaw lang ng sinabi niya pero hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ko. It really shocked me because whenever I let Sancho choose something for me, it's either he'll say na hindi niya alam or it's giving him a headache dahil mukhang pare-pareho lang naman sa kanya ang lahat. I think Haki's future girl would be so damn lucky because he pays attention. I don't even know what 'warm undertone' means.
What? Wait, isn't Haki's girl my sister?
Hindi ko na inisip iyon at pinagmasdan na lang ang paligid. Hibiscus Beach lives up to its name. Marami kaming nakasalubong na mga puno at bulaklak ng gumamela papunta roon, na kaagad rin namang napalitan ng mga nagtataasang puno ng niyog. Ilang segundo lang rin ay binati na kami ng asul na dagat at puting buhangin.
The chilly and fresh smell of water from the sea makes me feel happy that I'm alive. The waves are calling my name. The vast ocean tells me that the world is waiting for me to explore it! It left me wondering kung ano pa ang makikita ko sa kabila ng lahat ng ito.
If only... If only I can go further...
If only I can swim more... run more...
Me and Medel put on sunscreen at bumalik na ulit sa dagat para kumuha ng litrato. She even told me that I look really good... Well, sumunod naman ako sa suhestyon ni Haki na isuot ang kulay dilaw na two-piece. I guess it's not really bad to listen sometimes.
After putting some of our things inside Haki's villa, natanaw na namin ni Medel na palapit na silang dalawa ni Chrollo. I can't help but praise Haki's physique. He's literally wearing nothing but his black swim shorts, at ganoon rin si Chrollo na nakasuot naman ng kulay maroon.
I can see Haki's hairy legs, his not-so-muscular but toned body, and I even like his skintone—hindi siya maputi at hindi na rin gaanong maitim.
He also has that beaming smile and he's obviously showing everyone his pearly white teeth. When I looked down... napalunok ako. I can't help it! His bulge is really noticeable! He radiates big dick energy and I already got a taste of it years ago.
Hapon na rin noong umahon kami mula sa dagat, and decided to grill barbecue. Sobrang dami naming na-take na pictures na magkakasama, and Haki kept on asking Medel to send it to him dahil i-story niya raw sa Facebook account niya ang mga iyon para mainggit ang mga kaibigan naming hindi nakasama sa amin ngayon kahit gusto nila. May pasok sina Jeni at Bana dahil weekday naman ngayon. Wala naman si Sancho dahil sa family trip nila. Si Nikos, magdamag yata ang shift kagabi kaya baka natutulog pa ngayon. Si Aegis naman, busy sa preparations para sa opening ng floating restaurant niya bukas. Yayayain ko si Haki na pumunta roon at dalhin itong dalawa.
They just both sat there watching the waves, habang kami naman ni Chrollo ay abala sa pag-iihaw. I can really see that they're getting along really well. That's Haki's specialty though. He's extremely likable and he's easy to get along with, even before.
"Don't worry," Chrollo said all of a sudden.
"Huh?" tanong ko at umiwas ng tingin mula kina Haki. I took a sip from my Buko Shake at nagtataka siyang nilingon.
"You know what I mean," sabi miya habang naghahalo ng sauce para sa barbecue. Ngumuso siya sa pwesto nina Haki at lumingon sa akin. "You like him, right?"
Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. "What? No!"
Why would he even think like that! Parehong-pareho sila ni Medel! My friends didn't even notice na gusto ko siya noon, why would someone I just met notice something like that? And I don't even like him anymore!
He gave me a smile. A very cocky one, "Oh, I thought it's mutual."
Mutual?
"What do you mean?" kuryosong tanong ko at napatingin ulit sa direksyon nina Haki. "Mutual ano?"
"Wala," he said nonchalantly. "I guess you both haven't realized it yet. That sucks."
"Alin ba? Ano'ng sinasabi mo?" Why doesn't he cut to the chase already? I have no idea what he's talking about! Does he think I'm jealous dahil nag-uusap 'yung dalawa? At saka ano'ng hindi ma-realize? Ano'ng mutual? Mutual funds? Ewan ko pero na-bobo ako bigla. Ano ba 'yung mutual? Ano bang ibig sabihin ng mutual?
Nakita kong pinagtawanan niya ako. Ni hindi ko nga maisip kung ano'ng hitsura ko ngayon!
"There isn't a day na hindi ka niya isinali sa usapan noong nasa siyudad pa si Haki," sabi ni Chrollo habang patuloy lang sa paghahalo ng sauce. "He always wants to go back to this island. So bad. He said it was because it's his parents' island, but I think there is a different reason."
What is his reason?
Ang gusto kong itanong. But I can't. I just can't. Palagi na lang akong ganito, at nakaka-frustrate na rin minsan. Bakit ba takot na takot akong magsalita? Bakit takot na takot akong magtanong?
Bakit ba takot na takot akong masaktan?
"And by mutual, I meant–"
"We're friends," matigas kong sabi sa kanya pero nanatili akong nakangiti. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. And I refuse to believe what you're saying, sorry."
He smiled at me. "It's fine."
At ngayong naalala ko na ang meaning ng mutual, dahan-dahan lang akong napailing.
No, never. There is just no way. Nasasabi niya lang ito dahil hindi niya alam ang nangyari sa amin nitong mga nakaraang taon.
We will never feel the same way about each other.

BINABASA MO ANG
Playdate
RomansaHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...