I don't know what I'm feeling, pero alam kong hindi ako makampante. Hindi ako komportable. Hanggang ngayon, wala pa rin akong alam. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagtatanong.
And I did the the same mistake not once and twice, but thrice! Ibig-sabihin no'n, ang tanga tanga tanga ko na!
But is it safe to say na kahit papaano, nagustuhan ko rin naman? For a moment, I forgot what I was so mad about.
Sinulit ko na talaga ang katangahan ko.
I checked his body temperature using the back of my palm, at mabuti naman dahil hindi na siya ganoon kainit kagaya kanina. Ewan ko pero kahit napagod ako kanina, hindi pa rin ako makatulog, kaya naman kanina, nilinisan ko na lang siya at pinalitan ng damit. Sobrang dami ko sigurong iniisip. Dumagdag pa sa bigat ng mga iniisip ko ang binti niya na nakapatong sa hita ko.
Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko kaya naman nagmamadali ko itong kinuha sa ibabaw ng bedside table. Noong tingnan ko kung sino ang tumatawag, si Medel pala.
She told me na meron daw siyang regalo para sa akin noong pasko na hindi niya naipadala dahil medyo busy raw siya. Busy kamo sa pagmumukmok dahil na-basted ng Uncle Chrollo niya. Seriously, naisip ko na may gusto rin talaga si Chrollo kay Medel, pero knowing their situation, I know there is something that's holding him back. I hope it all works out in the end though.
"May gift ako sa'yo!" masaya niyang sabi. "Pero hindi ko alam kung paano ko ipapadala dyan. Saan ba mas magandang magpadala?"
"Sa matatamis niyang salita."
"Ha?"
Natauhan ako bigla. "Ha? Ano'ng sinasabi mo?"
Ewan ko pero buong oras na kausap ko si Medel, lutang talaga ako. At totoong nagpadala na naman ako sa matatamis na mga salita!
Noong nagpaalam siya, nagpasya na akong matulog, pero noong akmang ibababa ko na ang phone ko, nagvibrate ulit ito. Akala ko ay si Medel lang ulit iyon at may nakalimutan lang na sabihin, pero nagulat ako dahil si Sancho pala ang tumatawag. "Hello?"
"Sancho?" bungad ko sa kanya. "How are you? Nakabalik na ba kayo?"
"Oo," narinig kong sabi niya sa mahinang boses. "Pwede bang... pumunta ka... ngayon dito sa bahay..."
I can feel that something is off. "Bakit? Lasing ka ba? Ano'ng nangyari sa'yo?"
"Just..." sabi niya na parang nasusuka pa. "Come here... At kunin mo na rin ang mga regalo ko sa'yo..."
Nagdadalawang-isip ako habang tinititigan ko si Haki habang mahimbing siyang natutulog. Wala namang mangyayaring masama sa kanya habang wala ako, 'di ba? At saka mabilis lang naman ako. Kailangan ko lang puntahan si Sancho... I mean, he was always there when I needed help at ngayong kailangan niya ako, isn't it just normal to help him too? Wala rin siyang kasama sa bahay...
Mahigpit ang kapit ko sa suot kong jacket habang palabas ng gate at ibinilin sa guwardya si Haki. Kaagad akong sumita ng tricycle kahit na alam kong mahal ang pamasahe lalo na't gabi na ngayon, pero hinayaan ko na lang. Baka kung napa'no na si Sancho...
Pagkarating ko sa bahay niya, naabutan ko siyang nagsusuka sa sahig. Medyo kinabahan naman ako dahil parang lantang-lanta talaga siya at mukhang hihimatayin na. Mabuti na lang talaga at tumigil na rin siya kaagad at kumalma. Why did he drink so much though!
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...
