"Nasaan raw sila?" tanong ni Haki sa akin habang nakayuko pa rin at may inaayos mula sa bag niya.
"Nasa labas na raw ng gate," sabi ko at iniangat niya ang ulo niya at tumango lang, pagkatapos noon ay lumiko kami pareho at tinahak ang daan palabas ng school.
Nahuli kaming dalawa ni Haki lumabas ng ilang minuto dahil may ipinagawa pa sa kanya ang adviser niya bago ibigay ang requirement na hinihingi niya para makapag-enroll sa college. Nagkataon pa na kalalabas ko lang ng classroom noong dumaan siya kaya naman nahila niya kaagad ako para samahan siya kaya nauna nang lumabas ang mga kaibigan namin. Tatanggi pa sana ako pero idinahilan niya na naman na baka maligaw siya at baka kung saan pa mapunta.
Huminga ako nang malalim pero mukhang hindi niya naman napansin. Paano niya mapapansin, wala naman sa akin ang atensyon niya palagi.
Pilit kong isinasantabi ang nararamdaman ko dahil nag-aayos na kami ng mga requirements hindi lang sa pag-eenroll kundi para na rin sa nalalapit naming graduation. Bukas na bukas rin, magsisimula na kaming mag-dry run para sa graduation. Mas nauna kaming mga seniors na mag-exam noong umalis si Haki dahil nga graduating kami. Medyo nakakalungkot lang dahil nabibilang na lang ang mga araw na mananatili kami sa school.
Sa totoo lang, hindi ko pa natatanong si Ate o si Papa kung magkokolehiyo ako. Hindi man kataasan ang mga marka ko, sinusubukan pa rin namin ni Aegis na maghanap ng scholarship para sa aming dalawa. Kung papalarin man, paniguradong masusuportahan pa rin ako ni Papa at ni Ate Yona pero kung hindi, baka magtatrabaho na lang ako. Bilang na bilang rin naman ang mga kurso sa mga colleges dito sa Rivadenera. May ilan sa mga schoolmates ko na nakapagtry nang magpasa ng application form noon pa lang sa mga colleges na gusto nilang pasukan, gayundin si Aegis at sina Jeni at Bana. Si Nikos daw, hindi pa nakakapagpasa, baka raw magsasabay-sabay sila nina Haki at Sancho sa Sabado, at sasabay na lang rin ako 'pag nagkataon.
Medyo nakakaproud dahil nalaman namin kanina na may matatanggap na karangalan sina Haki, Aegis at saka si Sancho. Hindi nga raw siya makapaniwala dahil hindi naman siya ganoon ka-competitive, ang gusto niya lang talaga ay pasadong marka palagi. Sabi niya sa akin, ililibre niya ako sa isang araw dahil tinulungan ko siyang magreview noong nahuli siyang mag-exam.
Simula kahapon, hindi gaanong nagsasalita si Haki, pero maayos naman kami. Hindi ko rin siya tinatanong tungkol sa nangyari sa kanila ni Ate sa kweba. Sino ba ako para tanungin pa iyon?
Nakita na namin ang mga kaibigan namin na kumakain ng street foods. Medyo natawa ako dahil mukhang pinilit nila na kumain si Sancho ng mga tusok-tusok, at paniguradong ideya iyon ni Nikos. Naririnig ko sila na binubulungan siya kanina na, "Kainin mo 'yan, para magustuhan ka ni Kia. Dali!"
Natawa na lang ako dahil pilit na pilit na sumubo si Sancho at noong nginuya niya iyon ay nagustuhan niya naman daw ang lasa. Pagkatapos noon, naglabas siya ng pera at inilibre na kaming lahat, at sagot na rin niya ang inumin namin.
Hinanap ng paningin ko si Haki at nakita ko siyang kunot na kunot ang noo habang may kausap sa cellphone. Pagkatapos ng tawag ay ibinulsa niya ang phone niya at naglakad na palapit sa amin nang nakapamulsa na parang walang nangyari.
Gusto ko sana siyang tanungin kung ano'ng problema, pero kilala ko si Haki. Magsasabi naman siya sa akin kung gusto niya talagang ipaalam.
"Kia," narinig kong tawag sa akin ni Sancho. Napalingon ako at nakita siyang may itinuro sa gilid. "Halika dito saglit."
"Bakit?" nagtataka kong tanong pero sumunod ako sa kanya. Nilingon ko ang mga kaibigan namin pero nanatili lang silang kumakain sa may tindahan ng fishball.
"Uhm," sabi niya sa akin habang nagkakamot ng batok. He kept on avoiding my stare and he just gives me stolen glances. "May itatanong sana ako."
"Ano?" hindi ko alam, pero sobrang kinabahan ako sa itatanong niya.
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...