"Kia!" tawag sa akin ng isa kong kaklase. "May naghahanap sa'yo sa labas."
"Sino raw?" tanong ko. Baka bagong manliligaw na naman. Nag-isip agad ako ng palusot. "Sabihin mo, tomboy ako."
"Si Haki," sabi niya sa akin. Nanlaki kaagad ang mata ko at pumunta sa labas. Nakita ko siyang inaayos ang suot na necktie. Maayos ang suot niyang uniform, walang kahit anong mantsa at gusot. He looks neat too. Halata mong anak-mayaman. Gayundin ang makintab niyang sapatos na mukhang mamahalin. Palagi rin siyang may dalang panyo at malayo pa lang, maaamoy na agad ang pabango niya.
Mas matangkad siya sa mga lalaki sa batch namin. Kaya madali siyang makita. May kasama siyang dalawa pang lalaki. Ang isa ay mas matangkad sa kanya at parang pamilyar sa akin, ang isa naman ay mas maliit sa kanila. Marami rin siyang kaibigan kahit sobrang layo ng agwat niya sa karamihan sa amin.
"Nokia!" bungad niya sa akin. Awtomatikong bumusangot ang mukha ko. "Pupunta kami sa Villago mamaya. Gusto mong sumama?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Close na ba kami masyado para yayain nya ako kung saan-saan?
Ipinakilala niya ako sa dalawa niyang kasama. Aegis ang pangalan ng matangkad niyang kasama, habang Nikos naman ang pangalan noong maliit. Bigla kong naalala na kaya mukhang pamilyar si Aegis, ay dahil anak siya ng isa sa mga mangingisda na kaibigan ni Papa. May isa pa raw silang kaibigan pero hindi nila kasama ngayon. Busy raw dahil kasali sa theater club.
"Pag-iisipan ko pa. Baka hindi ako payagan ng Papa ko," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako makatanggi sa kanya kaya ganoon na lang ang sinabi ko.
Hindi niya na ako kinulit pagkatapos noon.
Dumiretso ako sa bahay pagkatapos ng huli kong klase. Ingat na ingat pa nga ako at nagmamadali dahil baka maabutan ako sa classroom ni Haki at ng mga kaibigan ko. Ano namang gagawin ko kung sasama ako sa kanila! Ni hindi ko nga alam kung saan ang Villago na 'yon. Tiyak na mapapagalitan lang ako ng Papa ko.
Inaayos ko ang mesa para maghanda ng pagkain namin nang narinig ko na may kausap si Papa. "Opo, doon po kami sa Villago," narinig ko ang pamilyar na boses. Nanlaki kaagad ang mata ko at nagmamadaling pumunta sa salas. Nakita ko si Haki pati ang mga kaibigan niya, ganoon din si Jeni at Bana. Inililibot nila ang tingin sa buong bahay namin. Paano sila nakarating dito? Ni hindi ko nga sinasabi sa kanila na dito ako nakatira!
Napatingin ako kay Haki na hanggang tenga ang ngiti ngayon habang kausap ang tatay ko. Tumingin rin siya sa akin at ngumiti, "Tara na, Nokia! Pinayagan ka na ng Papa mo!"
Napahilamos ako sa mukha nang marealize ko na si Haki lang pala ang nakakaalam kung saan ako nakatira. Malamang, siya ang nagturo sa mga ito. At naghanap pa siya ng backup para sumama ako!
Wala na talaga akong choice kaya sumama na ako. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta at kung anong meron doon. Noong nakita ko na nakasuot lang naman silang lahat ng pambahay, ganoon na lang rin ang ginawa ko.
Sa taliwas na ruta kami patungo. Sabi ni Haki, balak raw niya kanina na dalhin ang van nila pero baka raw mahirapan kaming umahon dahil pupunta kami sa mataas na lugar. At totoo nga iyon. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng paglalakad pero hingal na hingal na kami. Feeling ko tuloy ay balak kaming ipako sa krus nitong si Haki.
Hawak ko ang flashlight at ganoon din si Haki. Nauuna kami sa kanila. May dalang gitara si Nikos at may malaki ring bag na dala si Aegis. Sa tingin ko nga ay pagkain ang laman noon. Naririnig ko na nakikipag-usap sa kanila sina Jeni at Bana. Buti naman at may bago kaming mga kaibigan.
"Mag-ingat ka nga sa paglalakad, tumingin ka sa dinaraanan mo. Baka mahulog ka," saway ni Haki sa akin dahil panay ang lingon ko sa direksyon nina Bana. "Sa'kin."
Inirapan ko siya pagkasabi no'n, "Alam mo, magaling rin akong bumanat. Gusto mo sapakin kita?"
Pinagtawanan niya lang ako noon.
Ilang minuto lang ay tumigil na kami sa paglalakad, at manghang-mangha kaming tatlo nina Jeni sa nakikita namin. Mukhang hindi na naman nagugulat sina Aegis, baka matagal na silang isinasama si Haki dito. Napanganga talaga kaming tatlo nina Jeni dahil ngayon lang kami nakapunta rito. Ni hindi nga namin alam na may nag-eexist na ganitong lugar sa Rivadenera.
Tanaw namin mula rito ang malawak na karagatan at pati na rin ang mga nagtataasang puno ng niyog. May ilan rin kaming nakikita na mga bubong ng bahay at mga maliliit na kubo sa baybayin. Mas lalo pa akong namangha noong tumingin kami sa taas. Pakiramdam ko ay sobrang lapit namin sa kalawakan! Parang abot-kamay namin ang langit!
Perfect na stargazing spot ito dahil sa mataas na altitude. Hindi tuloy mawala ang ngiti ko sa labi.
Natapos kami sa pagsesetup ng mat at doon kami naupong lahat. Hindi ko pa rin alam ang gagawin namin dito pero ayos lang. Mukha namang wala kaming balak na dito matulog. Ang aga pa naman at makakauwi pa kami kaagad. The view is so pretty. Kahit wala na kaming gawin, okay lang. Inilabas ng boys ang phones nila. Akala ko, magtetake sila ng picture, pero nagsimulang maglaro sina Aegis at Nikos. Pumunta lang yata sila dito para malakas ang signal. I didn't know na mahilig sila maglaro pero it's pretty typical naman.
Tiningnan ko sina Jeni at Bana at busy silang dalawa sa pagseselfie pero hindi naman ako nakikisali. Hinanap ng mata ko si Haki at nakita ko siyang kinukuha ang gitara na dala ni Nikos. Nakangiti siyang bumalik sa tabi ko dala-dala ang gitara. Marunong siyang tumugtog?
He cracked his knuckles na para bang manununtok at nakita ko rin na parang itinotono niya ang gitara. Pagkatapos noon, he cleared his throat and his long fingers started strumming the guitar strings. Tumingin siya sa akin bago magsalita. "May ginawa akong kanta para sa'yo, sana magustuhan mo... ako."
Binatukan ko na talaga siya noon kaya naman pinagtinginan kami nina Aegis at tawa sila nang tawa. Hinihilot niya ang ulo niya nang tumingin sa akin. "Ang sakit no'n ah! Practice lang naman!"
Hindi ako nagsalita at inirapan lang siya. Pinagpapractisan niya talaga ako ng mga banat niya, siraulo siya! "Akala ko, tutugtog ka talaga!"
Nakita kong patuloy niya lang ini-strum ang gitara randomly kahit wala naman siyang kantang tinutugtog. Kumanta pa siya nang wala sa tono, "Bahay-kubo, kahit munti..."
Narinig kong nagsalita si Aegis kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "Kung magiging babae rin ako ngayon, iisipin ko talaga na pinaglololoko mo ako, Haki."
"Kaya nga ako nagpapatulong dito kay Nokia," tanong ni Haki at ibinaba ang gitara. Akala ko pa naman marunong talaga siyang kumanta at tumgtog. As usual, puro talaga kalokohan ang laman ng isip ng lalaking ito. "Paano ba dapat?"

BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...