"Diretso uwi sa bahay pagkagaling sa school, Kiara," naalala ko ang sabi sa akin kanina ni Papa bago ako pumasok sa school. "Huwag ka nang kung saan-saan pumunta at baka mahuli ka pa."
Malapit lang ang bahay namin sa kaisa-isang senior high school dito sa Rivadenera, pero wala kaming mga kapitbahay dahil walang papantay sa sobrang liblib ng kinatitirikan ng bahay namin.
The relatives of the owners of this island has a deep grudge sa mga hindi talaga taga-rito, because the owners were killed by outsiders. We are one of the few people na hindi talaga residente ng Rivadenera, but I have no idea kung bakit kailangan naming magtago kung wala naman kaming kasalanan. Sobrang boring kaya ng hindi man lang nakakarating sa kung saan-saan! Kung bakit ba naman dito pa napiling tumira ng tatay ko. I literally moved and transferred here 2 years ago, at madali ko rin namang na-adopt ang environment dahil galing lang naman kami sa kabilang isla. When I asked my father kung bakit kami lumipat, he just shrugged. What a detailed answer!
Rivadenera is a small and secluded island, off the shipping routes, mainly to avoid people from other places from coming here. May mga outsiders din naman minsan na naliligaw, pero madalas talaga ay hindi sila pinatatagal dito sa isla.
But this island is not a nest of cannibals! Buhay na buhay pa kami ngayon dahil sa kamote at patatas at hindi kami kumakain ng tao!
"Uuwi ka na talaga, Kia?" tanong sa akin ni Jeni. "Gumala muna tayo!"
Kahit gusto ko man, hindi pa rin ako makakagala. Ayoko namang bigyan pa ng sakit ng ulo ang Papa ko. Napilitan na nga si Ate Yona, ang half-sister ko, na tumigil sa pag-aaral at magtrabaho para sa akin.
Bago makauwi sa bahay namin, madadaanan muna ang mini island. It's a small island in this island. Hindi malimit ang tao rito pero sobrang ganda roon. Mayroong kweba at marami ring mga starfish. Gustong-gusto ko na sabihin ang lugar na ito sa mga kaklase ko, pero hindi nila pwedeng malaman kung saan kami nakatira.
Nakapunta na kami dati ni Ate Yona doon, pero parang may mga paniki sa kweba kaya hindi na kami bumalik ulit. Nakakatakot.
Tahimik akong naglalakad nang nakarinig ako bigla ng iyak. Sobrang nanginig ako noon dahil sa takot. Wala pa namang ilaw ang mga kalsada rito!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses at nakita ko ang lalaking halos kaedad ko lang.
"Hoy, ayos ka lang?" tanong ko. "Bakit ka umiiyak mag-isa dyan?"
"By group ba dapat umiyak?" tanong sa akin ng lalaki. He's tall at medyo natatawa ako sa buhok niya dahil para siyang may sungot. "Saka hindi ko alam kung paano ako uuwi sa amin."
Hindi ko alam kung matatawa ako sa pasinghot-singhot niya pero nagkunwari na lang akong naaawa sa kanya. "Saan ka ba nakatira?"
Hindi siya nagsalita kaya naman tiningnan ko siya nang maayos. Ang uniporme niya ay gaya ng uniporme ng mga lalaki sa school ko. Mukhang pamilyar talaga siya, pero hindi ko lang maalala...
Napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko kung sino ang kaharap ko, "Haki Rivadenera?"
Napatingin siya sa akin. "How did you know my name?"
Hindi ako nagsalita. Hello, you're the real thing! Siya 'yung anak ng namatay na may-ari ng isla! I know him because my friends talk about him a lot. Paano kasi, maraming nagkakagusto sa kanya.
Saka bakit siya nandito? 'Di ba dapat sa bahay siya nadedepress? Bakit dito siya umiiyak sa gitna ng daan?
"Hey," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong tinitingnan niya ang suot kong uniform. "Ihatid mo ako pauwi sa amin."
Tumaas naman ang kilay ko. Hello? Ikaw 'yung lalaki tapos ikaw ang ihahatid ko? Tumingin ako sa direksyon ng bahay namin. Malapit na ako sa amin!
"Sino kayang nakatira doon?" tanong niya sa akin at tumingin sa direksyon ng bahay namin. "Sobrang layo naman sa kabihasnan."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita niya ang bahay namin! Nakita niya na may bahay dito sa liblib na lugar na ito!
"Hindi mo alam kung saan ang bahay ko?" pag-iiba niya ng usapan. "Hindi ka siguro taga-rito."
Anong ibig-sabihin niya? Na trespasser ako dito sa isla?
Pero totoo naman.
"Alam ko!" sabi ko sa kanya. "Tara!"
Nauna akong maglakad kesa kanya. Wala akong choice kundi ihatid siya. Baka isumbong niya pa na may nakita siyang bahay dito at puntahan pa kami. Baka mapalayas kami sa isla kapag nagkataon dahil sa akin!
Kidnap-in ko kaya ang lalaking ito? Paniguradong malaki ang makukuha kong pera kapag kinidnap ko siya at humingi ng ransom. Pero panigurado rin namang makukulong ako.
"Paano ka naman napadpad dito?" tanong ko sa kanya habang hawak ang phone ko at iniilawan ang daraanan namin.
"Naligaw ako," sabi niya sa akin. Ang tanga naman pala nitong lalaking ito. Ibang-iba siya sa mga description sa akin ni Jeni at Bana. Nasaan sa lalaking ito 'yung tall, dark & handsome? Tall, dark and dark lang naman siya. Sabi pa sa akin ni Bana, sobrang astig daw ni Haki. Pero naligaw lang siya, umiyak na siya kaagad. Kanino kaya ako maniniwala?
Kahit hindi pa ako nakakarating sa mansyon ay alam ko kung saan ang daan papunta. Bakit hindi narealize ng lalaking ito na sila lang naman ang may ganoon kalaking mansyon sa isla kaya madali lang makikita!
Ilang minuto lang ay nakarating kami sa mansyon niya. Medyo napapaisip nga ako kung sino ang kasama niya sa bahay niya. Sobrang laki pero parang wala namang kwenta kung walang kasama, 'di ba?
"Salamat," sabi niya sa akin nang makarating kami sa labas ng mataas niyang gate. Tumingala ako at hindi ko pa rin nakikita ang tuktok ng gate.
Nagmamadali akong nagtago sa halaman sa gilid nang marinig ko na may biglang pumreno. Bigla ring bumukas ang gate at may lumabas na maid. "Naku, sir, saan ba kayo galing? Tumawag sa akin si Ando at wala na daw kayo sa school n'yo. Buti na lang at nakauwi na kayo."
Pamilyar na pamilyar ang boses ng babae kaya naman pilit akong sumisilip para makita ko kung sino iyon, pero hindi ko maaninag dahil nasisilaw ako sa ilaw ng kotse.
Tumingin sa direksyon ko si Haki, "Bakit ka nagtatago diyan?" nilapitan niya ako at hinila palabas. Itinuro niya ako sa kausap niya, "Hinatid niya ako pauwi."
Nanlaki ang mata namin pareho ni Ate Yona nang makita ang isa't-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/223197043-288-k69289.jpg)
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...