30

6.7K 126 12
                                        

Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng stiff neck dahil hindi ko man lang iginagalaw ang ulo ko. Nakatuon lang ang atensyon ko sa inuming kaharap ko na kanina ko pang tinutungga kahit hindi ko naman alam kung ano iyon.

"You literally disappeared without a trace," sabi ni Aegis. "Kaya naman nagulat ako noong isang araw dahil ni-chat mo ako sa Facebook. You didn't even bother to contact us the past years."

Narinig kong tumawa si Haki pero hindi ko man lang ibinaling ang ulo ko para makinig sa sasabihin niya. "I left my phone... hindi ko nadala bago umalis. I was really planning to call all of you sa byahe, but I don't have your cellphone numbers."

"Seryoso? Ang tanga mo naman," sabi ni Nikos. "And why didn't you tell us na aalis ka? Saan ka ba pumunta? I thought you would not be back."

"Long story," sabi niya. "At least I'm here now."

Napapikit ako sa narinig ko. I was really hoping na baka magpapaliwanag siya. I was hoping na baka sasabihin niya ang dahilan. Did he really leave with my sister kaya hindi niya masabi sa amin ang dahilan?

I don't really have a proof pero that time, the puzzle pieces where perfectly falling into place. Should I ask him about my sister now? Pero... sa tingin ko... hindi pa rin ako handang makita siya. It hurts so much dahil kung hindi siya umalis noon, hindi siya susundan ni Papa at buhay pa siya ngayon.

Sa paraan ng pananalita niya, nararamdaman ko ang medyo pagiging seryoso niya. Kung katulad pa rin siya ng dati, paniguradong papatulan niya ang sinabi ni Nikos na 'ang tanga mo naman'. I would not even wonder kung nag-mature na siyang mag-isip after all these years. Kung saan man siya nagpunta, I'm sure he has learned a lot. His aura screams so much of experience and success.

Ako lang yata ang hindi nag-grow. Ako lang yata ang nanatili sa kinatatayuan ko.

I can feel the weight of his stare. It's boring on my forehead, pero hindi ko siya nililingon. I can feel him trying to make a conversation with me, pero pilit kong iniinom kung ano mang inilalagay na inumin ni Nikos sa harapan ko, kahit na sobrang pait at gumuguhit pa sa lalamunan ko.

"Kia," sabi ni Sancho at hinawakan ako sa balikat. "Drink in moderation. Baka pagsisihan mo 'yan bukas ng umaga."

Umiling-iling ako kaya naman ang nararamdaman kong pagkahilo, biglang lumala.

"Ikaw, Haki?" tanong ni Nikos. "Drink. Ang daya mo."

"No," sabi ni Haki at naramdaman ko ulit ang mabigat na titig niya sa akin. "Hindi na ako umiinom."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita. Hindi na siya umiinom? Bakit? Sobra-sobra niya bang pinagsisisihan ang nangyari dati at ayaw niyang maulit pa kahit kanino?

As if I care! Wala akong pakialam kahit hindi siya uminom ng kahit ano! Kahit tubig, huwag na rin!

"Kia, sabi ko sa'yo e," narinig kong sabi mi Sancho habang inaalalayan ako. "Stop drinking."

Naramdaman ko ang titig ng mga kaibigan ko sa akin. Even if my vision is getting really blurry, I can still see his face. I badly want to punch him in the face. Lahat, bumabalik. Lahat ng ginawa niya sa akin noon na hindi niya pinanindigan. Lahat ng sinabi nya noon sa akin. Lahat ng ipinaramdam niya sa akin.

I've never really told anyone about how I felt for Haki. Not even Sancho. Not even Aegis. Walang nakaalam ng nararamdaman ko para sa kanya after all these years. Sa tingin ko, hindi na naman kasi mahalaga. Those were all in the past, but why am I still stuck?

When I woke up the next day, nasa kwarto na ako. I don't even know kung paano ako nakauwi. I bet Sancho took care of me again, nakakahiya.

Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko dahil pagbangon ko ay nahilo akong bigla. Nagmamadali ako lumabas ng kwarto at nagtungo sa banyo para sumuka. Hirap na hirap ako sa pagsuka. Pakiramdam ko maisusuka ko na pati bituka ko!

Tama nga si Sancho na pagsisisihan ko ang pag-inom ko nang marami kagabi! This brought back a glimpse of memory from the past when a certain someone got drunk at hindi na maalala ang ginawa namin kinabukasan.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos noon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at mas lalo lang akong nakaramdam ng hilo. This is the first time na nalasing ako. This brings back memories... doon sa bahay nina Sancho. Pero bakit wala akong naalala sa mga nangyari kagabi? Why is my mind so blurry?

Natatandaan ko na nandoon si Haki kagabi. He came back to the island without notice. Hindi ako nag-iilusyon lang, 'di ba? He's really here... and why am I so affected?

Umupo lang ako sa sofa at kinuha ang phone ko para magpasalamat kay Sancho for taking care of me again. I swear I should stop being a burden to him.

Laking gulat ko dahil pagbukas ko ng phone ko, I was bombarded with messages from an unknown number, asking me about my products. Mukhang masyadong impatient ito. Humingi ako ng paumanhin at chineck kung available ang stocks ng inoorder niya, at noong ma-confirm ko na meron nga, at itinanong ko kung ang quantity, I was too shocked too see 500 packs ng magkaibang products on the screen of my phone. I even looked twice para makasigurado dahil baka naman 50 packs lang talaga, but it's really five hundred packs. Why would someone order 250 packs of chiffon cake slice and another 250 packs of butter macaroons? Kung ganito karaming order, dapat sa mismong supplier na siya kumuha! Should I tell the buyer that?

Kayo po ba si Miss Kia Abella? Kung pwede po sana kayo ang magdeliver.

Agad na tumaas ang kilay ko. I understand naman na sa akin sila umorder kaya kailangang sa akin sila makipagnegotiate, pero to ask me na ako mismo ang magdeliver? I can smell something fishy.

And this is so unusual even for me dahil ngayon lang naman ako nakatanggap ng ganito karaming order, dahil reseller lang naman ako ng product na ito. Hindi kaya scam ito? O kaya naman mga sindikato tapos ibebenta ako! Talagang ginamit pa nila ang mga kawawang sweets para lang manloko ng kapwa! Pero wala namang mga ganoong tao dito sa isla. That's so impossible. Maybe I'm just overthinking.

Pero baka naman big time ang buyer ko! Wala na akong nagawa kundi magpasalamat at nagmadaling mag-ayos ng sarili para i-meet ang supplier ko.

Tutal ako rin naman ang magdedeliver nito, dahil on-hand naman lahat ng baked goods na nireresell ko at around Rivadenera lang talaga kami nag-ooperate, mas mabuting ngayon ko na lang rin dalhin para naman isang puntahan na lang. I asked for the buyer's address at sabi niya ay ifoforward niya na lang sa akin mamaya.

I'm an online seller for now, pero hindi naman ako inuulan ng sobrang daming orders. Hindi rin naman ako humihiling ng sobra. Sapat na sa akin na at the end of the week, may income ako.

Finding a job was too hard for me. Palagi kasing job requirement na dapat ay nakatuntong man lang ng kolehiyo. I worked as a tourist guide for a couple of months and I enjoyed it a lot, pero nasiyahan na rin naman akong mag-operate ng online shop. At least, hawak ko ang oras ko palagi. I can literally work now kahit nasa bahay lang ako.

Nagpasama ako kay Kuya Derek na magdeliver. Masyado kasing marami ang mga orders at hindi ko kakayaning i-deliver nang mag-isa. Sa mga usual na araw kasi ay umaabot lang sa pa-lima-limang piraso ang kinukuha sa akin kaya naman kahit nakabisikleta ako ay nadadala ko kaagad.

I dialed the number noong malapit na kami. It really is kind of strange dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang lugar na ito. And not even once in five years ay napadpad akong muli rito.

Nadaanan namin ni Kuya Derek ang dating bahay namin at tiningnan niya lang ako when I looked away at wala nang sinabing kahit ano. Ibinalik niya ang atensyon niya sa daan at nagpatuloy sa pagmamaneho.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon