41

6.2K 117 15
                                    

Dalawang beses akong kumurap. Ramdam ko ang bigat ng braso ni Haki sa ibabaw ng tiyan ko at ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at parang bumalik sa akin ang lahat ng mga nangyari kagabi dahil sa mukha niya.

I can smell his hair. He smells really good for a man... at nakapatong pa ang isa niyang binti sa akin kaya naman ramdam na ramdam ko ang bigat niya. Para siyang bata kung matulog!

It won't be hard if I have no recollection of what happened last night, pero ngayon ay nahihirapan ako dahil naaalala ko ang lahat. I should go and leave him right away. I should leave before we start regretting what we've done. Sa totoo lang, iniisip ko na baka ganoon na naman. Na baka wala na naman siyang maalala. Kaya uunahan ko na lang siya kaagad.

This is the first time that I felt warmth in years. I don't know but I felt a sense of belongingness in his arms...

Matagumpay akong nakatakas sa mga bisig niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Talagang na-eat-and-run ko na siya, gaya ng sabi niya kagabi. Napatingin ako bigla sa suot ko at gusto ko sanang bumalik sa loob pero natatakot ako na baka magising pa siya kapag kinuha ko ang damit ko, kaya hinayaan ko na lang. I'm literally wearing his shirt right now! And on top of that, naka-underwear lang ako!

In fairness, hindi ako amoy mabaho ngayon, unlike before when I woke up with crusty cum stains all over my body. Nilinis niya siguro ako kagabi bago matulog. That's so thoughtful of him.

Medyo nabaliw naman ako nang maalala ko bigla na nandoon nga pala sa kwartong iyon ang mga gamit ko dahil doon ako nagsstay. Syempre, walang hiya ako e. Wala akong choice kundi bumalik ulit doon at siguro ay doon na lang rin ako maliligo.

Fortunately, when I came back, natutulog pa rin siya. Mukhang sobrang himbing nga ng tulog niya. Pagkatapos ko maligo at magpalit ng damit, nandoon pa rin siya at yakap-yakap ang mahabang unan. Mukha talaga siyang bata.

Pumunta kami sa Adrastalia pagkagising ni Haki. He kept on pestering me na parang ayos na kaming dalawa. Kaninang-kanina lang, habang nasa bangka, may pa-lahad-lahad pa siya ng kamay para alalayan akong makababa. Hindi ko naman tinanggap ang kamay niya.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid nang makarating kami sa bagong bukas na floating restaurant ni Aegis. It's designed like a ship at para kaming nasa malaking barko. We took so many pictures together at talagang inaakbayan pa ako ni Haki na kaagad ko namang inaalis. Baka kung ano pa'ng isipin nina Medel.

I'm so proud of my friend! Finally, his dream came true. I can still remember how Sancho hates him before because he doesn't like poor people and even labeled me and Aegis 'madumi'. I'm so proud of him because unlike me, he didn't stop pursuing his dreams. It's like he proved that fortune only favors the brave. I've always known from the very start na kaya ng mga kaibigan kong gawin ang lahat para sa mga pangarap nila. Plus Aegis is really smart and hardworking. Ako, hindi na nga masipag mag-aral, takot pang subukan ulit.

Nagmamadali kami ni Haki na umorder dahil pareho kaming excited na batiin si Aegis, pero nagkataon naman na sobrang busy niya kaya hindi namin mahagilap. Babalik na lang siguro kami next time nang kasama ang iba naming mga kaibigan para makapag-celebrate kami nang sama-sama at walang busy sa amin. 

Medyo na-excite rin ako sa mga free taste pati sa mga promos. Ang galante naman talaga nitong si Aegis at alam na alam ang mga gusto namin ni Haki! Enjoy na enjoy kaming dalawa na kumuha ng kung ano-anong mga putahe na para bang nasa handaan lang kaming dalawa. Kumukuha na rin ako kahit mga hindi ko kilalang mga pagkain.

"Hulaan mo ang paborito ko," sabi ni Haki habang itinuturo ang mga pagkain sa harapan namin.

Kumunot naman agad ang noo ko dahil nagmamadali ako dito para makabalik na sa mesa namin dahil iniwan namin sina Medel, tapos tanong pa siya nang tanong! "Ewan ko, magmadali ka na nga dyan."

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon