24

5.7K 127 71
                                    

Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan para hindi ko maabutan si Ate. I still can't believe that Ate Yona thinks like that. I mean, we grew together. Never have I ever thought na kaya nyang magsalita ng ganoon sa ibang tao. I've never seen that side of her until yesterday.

It felt like cold hands were crushing my heart right now. Ni hindi ako mapakali. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Ate sa akin kahapon. I don't know, pero sa lahat ng sinabi niya, hindi ako naniniwala na alam ni Haki ang nararamdaman ko. Hindi ako naniniwala na minamaliit niya ako at mababa ang tingin niya sa akin. Yes, he used me, but that does not necessarily mean that he's looking down on me! He asked me for help and I obliged! And also, if he knows what I'm feeling, he would not ask me for help!

"Hindi na naman pumasok, nagtatamad-tamaran yata," sabi ni Aegis bago lumingon sa akin habang palabas kaming magkakaibigan ng gate. "Nakausap mo ba kahapon?"

Right, things didn't go as planned yesterday. Hindi ako nakapunta kay Haki dahil sinabi naman ni Ate na okay na siya, so I assumed that he'd be here today, but unfortunately, wala pa rin siya ngayon and worst, wala talaga siyang sinasagot na tawag. What the heck is his problem?

Nagpasya kaming pumunta ni Sancho at Aegis, but the guard told us na wala doon si Haki dahil pinatawag ng tiyahin niya. When we asked them kung kelan babalik si Haki, he told us na he'd be back most probably mamayang gabi pa, kaya naman wala kaming choice kundi umuwi na lang. At least, we know na he's doing well kahit na hindi siya pumapasok. I wonder if he's busy dahil sa mga affairs concerning the island?

As expected, pag-uwi ni Ate sa bahay, hindi talaga kami nag-iimikan. I can't believe na sa tagal na panahong magkasama kami, magkakaganito kami dahil lang sa isang lalaki. Kahapon, hindi lang tungkol kay Haki ang sinabi niya sa akin, kundi tungkol rin sa pagiging pabigat ko sa pamilya namin. Hindi ko rin inakala na ganoon ang tingin niya sa akin. If someone really does look down on me, sa tingin ko, siya iyon at hindi si Haki. Totoo naman na pinag-aaral nila ako. Wala naman akong ginawa kundi isipin nang isipin si Haki. I'm partly to be blamed too, but I really am trying so hard for them. Para masuklian ang mga paghihirap nila sa akin.

Kakatapos ko lang magsipilyo at dumiretso ako sa kwarto ko nang tumunog ang phone ko na kaagad ko ring kinuha. Nang makita ko sa caller ID and pangalan ni Haki, sinagot ko kaagad ang tawag.

"Kia?"

"Okay ka lang?" panimula ko. Pagkatapos noon, humagikhik siya nang mahina. Hindi ko alam pero parang musika iyon sa pandinig ko. Dalawang araw ko rin kasing hindi narinig ang tawa niya.

"Uso mag-hello, Nokia," sabi niya. "Ayos lang ako. Pasensya na at hindi ko nasasagot ang mga tawag nyo. I'm really busy..."

"It's okay," sabi ko sa kanya. "Sabihan mo si Aegis. Nag-aalala 'yun sa'yo."

"Okay."

Ilang segundo rin sigurong tahimik kami pareho. Nahagip ng paningin ko ang armlet na nakapatong sa kama ko. It's a gold textured twirly armlet na may crystal studs. It does not only look like expensive. It looks really luxurious! Paniguradong malaki ang makukuhang halaga kung isasangla iyon. Hindi na ako magtataka na pinag-interesan iyon ni Ate Yona.

Nagtaka ako kung bakit nasa kwarto ko ito kanina pero bigla kong naalala na sinabi sa akin ni Ate Yona na papipiliin niya ako ng gusto ko kahapon at ibibigay niya sa akin, pero kanina, ibinigay niya ito sa akin kahit hindi ko naman hinihingi.

"Haki?"

"Mmm?" narinig kong tugon niya sa kabilang linya.

"Pwede ba tayong magkita ngayon?"

Nagmamadali kong kinuha ang jacket ko at lumabas ng bahay kahit alas nuebe na ng gabi noong pumayag siya na makipagkita sa akin. Mukhang hindi rin mapapansin ni Papa at Ate Yona na unalis ako dahil nasa kanya-kanyang kwarto na sila.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon