21

6.5K 138 71
                                        

"Ano'ng kukunin n'yong program sa college?"

Napalingon kaming lahat kay Nikos dahil sa itinanong niya. Halos lahat kami ay napatigil sa pagkain, maliban na lang kay Haki.

Pagkagaling namin kanina sa talon, dumiretso kaming lahat sa mini island para doon kumain ng tanghalian. As usual, manghang-mangha ang mga kasama namin dahil ngayon lang sila nakapunta dito bukod sa aming dalawa ni Haki. On the way there, we crossed ankle-deep to knee-deep streams at wala namang nagreklamo because as we walk in the water, there are colorful and diverse species of starfish lounging around kaya naman aliw na aliw silang lahat. Sinabi pa nga nila na hindi nila alam na may ganitong lugar pala sa Rivadenera.

Another thing that left them astounded is the cathedral-type cave. Si Haki, mukhang nanibago pa rin kahit nakapunta na siya dito dati kasama ako. Mamaya pa kami makakapaggala kapag natapos na kaming kumain.

"Ikaw, Kia? Ano'ng balak mong kunin sa college?" natauhan ako dahil sa tapik sa akin ni Bana sa balikat. Hindi ko na namalayan na matagal pala akong nanahimik at nakalimutan ko na ang tanong ni Nikos, at nakalimutan ko na ring sumubo sa kinakain ko.

Nasa HUMSS kami pero sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung ano'ng kukunin ko. "Hindi ko pa alam... ang alam ko lang, gusto kong... libutin ang mundo."

Mukhang natahimik silang lahat dahil sa sinabi ko. Maybe they think... it's a bit absurd? And impossible... dahil hindi naman kami pwedeng umalis sa isla at isa pa... baka nga hindi na ako makapag-kolehiyo.

"Then that means, you want to leave the island?" kuryosong tanong sa akin ni Nikos. Mukhang nakuha ko rin ang atensyon nina Haki at Sancho dahil nagsimula na rin silang makinig at makisali sa usapan namin.

Napatingin ako kay Haki bago sumagot. Tumango ako, "Oo. Iniisip ko palagi kung ano'ng mga makikita sa labas ng isla... gaya na lang ng mga nakikita ko sa TV. Masyado ba akong mataas mangarap?"

Sunod-sunod naman silang umiling sa akin, like they're encouraging me to keep dreaming. Syempre, minsan na nga lang mangarap! Tataasan ko na! Kung papalarin ako na makapag-kolehiyo pagkatapos nito, gagawin ko talaga ang lahat!

Aegis told us na gusto niyang magtayo ng floating restaurant. Nikos told us na gusto niyang maging bartender. Si Jeni at Bana naman, gustong maging teacher. Si Sancho, undecided pa, kahit nasa STEM strand siya. Baka raw kasi sundin niya ang Daddy nya sa gustong kurso nito para sa kanya. Nakakaproud lang na marinig ang mga pangarap ng mga kaibigan ko dahil alam ko na matutupad nila iyon. I just know it! I can't wait to see all of us na successful na at kaya nang gawin ang mga gusto naming gawin!

Sobrang sarap sa pakiramdam na may mga kaibigan akong katulad nila. We can talk about the trivial stuffs and even the big ones. I'm so happy that I can laugh with them to my heart's extent before getting a taste of reality kapag nag-college na kami at haharap na ng mas mabibigat na responsibilidad. I'm sure everything will be bearable as long as I'm with them. I'm thankful na nakilala ko sila at sobrang memorable ng huling taon ko sa high school dahil sa kanila.

Lahat kami, napalingon kay Haki dahil siya na lang ang hindi pa sumasagot at tuloy-tuloy pa rin siyang kumakain ng pinakbet. Palibhasa, pi-nak niya ako kahit hindi nya ako bet.

"Ikaw, Haki?" tanong ni Aegis at inagaw ang hita ng manok na kagat-kagat ni Haki. "Kain ka nang kain! Pangarap mo bang tumaba?"

"Akin na 'yan!" singhal niya kay Aegis at kinuha ang manok. "Actually, I want the whole island to be free and open to everyone."

Everyone looked at him. Siguro, iniisip nila na sobrang unexpected na marinig iyon sa kanya dahil magulang niya ang nawala dahil sa mga outsiders sa isla. Haki only talked to me about this, pati na rin ang plano ng mga kamag-anak niya na ibenta ang isla. Even for me, parang ang unexpected na gugustuhin niyang maging bukas ang isla para sa lahat. And for what reason?

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon