Hindi ko nakita si Haki maghapon kinabukasan. Busy kasi talaga iyon dahil test niya ngayon. Hinintay na lang namin siya sa labas ng school para sabay-sabay ulit kaming uuwi mamaya.
Nakita kong tumingin sa relos niya si Aegis. "Tagal ni Haki. Gusto ko nang mag-fishball."
"E 'di mauna ka na," sabi ni Nikos kaya naman nilapitan siya ni Aegis.
"Bakit ako mauuna e manlilibre 'yon ngayon," sabi niya dito. "Alam mo Nikos, 'yung pasensya ko, parang height mo lang. Maiksi."
Tapos nagbangayan na 'yung dalawa habang nagchichikahan naman sa gilid sina Jeni at Bana.
Nakita kong lumabas ng gate si Sancho. Kumaway ako sa kanya dahil feeling ko, hindi na naman niya ako masyadong nilalayuan. Feeling ko nga ay parang okay na lang sa kanya na nakakasama niya kami nina Aegis. Kinuha ko ang paper bag na katabi ko at binigay iyon sa kanya. "Salamat nga pala sa notes mo."
Tumango lang siya at kasunod niyon at lumabas na rin mula sa gate si Haki, mukhang masayang-masaya na dahil tapos na ang exams niya. Pagkatapos ng ginawa namin kahapon, umuwi na rin kaagad ako para makapag-aral na siya nang maayos. Kung mananatili ako doon, baka kung saan pa talaga kami mapunta.
Katulad ng inaasahan, nilibre niya kami ng fishball at kikiam dahil iyon ang promise nya sa amin pagkatapos ng exams. Sayang nga dahil may sleepover pa sana kami noong Biyernes, hindi lang natuloy dahil wala nga si Haki.
Noong makasakay na 'yung iba pauwi, as usual, kami ni Haki ang magkasabay na pauwi. Nagtataka nga ako sa kanya dahil palaging doon siya hinihintay ng driver niya sa tapat ng bahay namin, pero naisip ko na baka gusto niya lang na may kasabay pauwi kaya sumasabay pa rin siya sa amin at naglalakad pa siya kasama ko.
Wala naman kami gaanong napag-usapan. Ni hindi nga namin ino-open kung ano'ng nangyari kahapon. Tinanong ko lang siya tungkol sa exams niya at ayos naman daw, kahit medyo nahirapan daw siya sa isang subject.
"Noo-Kia," narinig kong sabi niya. Napalingon naman ako sa kanya at nagulat nang hilahin niya ang strap ng backpack ko at hinalikan ako sa labi. Pagkatapos noon ay humiwalay na siya sa akin at nagpaalam na.
Ang hilig niyang manghalik!
Naiwan lang ako na pulang-pula malapit sa tapat ng bahay namin at pinanood ko lang siya habang papasok sa loob ng van niya, at tuluyan na silang nawala sa paningin ko noong umandar iyon.
Hanggang makapasok ako sa loob ng bahay, nakahawak pa rin ako sa labi ko. Nauhaw ako bigla pero parang ayaw ko naman na uminom dahil pakiramdam ko ay mawawala ang bakas ng halik niya sa labi ko. Pero bakit kasi halik pa rin siya mang halik sa akin? Practice pa rin?
Wala akong choice kundi uminom na ng tubig at itigil ang kabaliwan ko. Baka kung ano pang mangyari sa akin kakaisip kay Haki. Ang ginawa ko na lang, nagluto na agad at naglinis ng bahay habang wala pa si Papa at si Ate Yona, pagkatapos noon ay nahiga na lang ako sa salas habang hawak ang phone ko.
Pagbukas ko noon ay may dalawang messages. Galing iyon kay Haki at kay Sancho. Nagulat naman ako dahil ngayon lang talaga ako tinext ni Sancho kaya binuksan ko kaagad ang message niya. Nag-iimbita siya dahil debut daw ng kapatid niya. Napaisip naman ako kaagad dahil paniguradong engrande iyon. How would I fit in? Paniguradong may mga mayayaman din doon na imbitado... Pero kung magkakasama kami nina Jeni, pati sina Aegis, baka ayos lang sa akin.
Hindi muna ako sumagot sa kanya at tiningnan ang message ni Haki sa akin.
I want to kiss you
Tumaas naman ang kilay ko habang nakahawak sa labi ko dahil sa sinabi niya. Adik na yata siya! Halik siya nang halik sa akin kahit may iba siyang gustong ligawan? Ano ako, sidechick?
Nagtype rin ako ng message para makareply sa kanya.
Manahimik ka. Kumusta na kayo ng nililigawan mo.
Matagal rin bago siya nagreply. Paniguradong kumakain na 'to ng ganitong oras at kakain na naman ulit siya bago matulog. Bilib nga ako doon kay Haki dahil kahit puro kain, he still has pleasing proportions.
Hawak ko ang labi ko nang dumating si Ate Yona kaya naman napabitaw ako bigla. "Ate!"
Napangiti siya sa akin. "Oh, ba't parang gulat na gulat ka?"
Umiling kaagad ako. "Hindi ah!" binitawan ko ang phone ko at umupo nang maayos. "Nakapagluto na ako, Ate."
Tinabihan ako ni Ate at huminga nang malalim. Halata mong pagod siya. Magtatanong na sana ako sa kanya nang bigla siyang nagsalita. "Kumusta ang pag-aaral mo?"
Napangiti ako. We are half-sisters, and we are really close and in good terms. Sabagay, Sabay rin kasi kaming lumaki, though she is years older than me. Simula nang mamatay ang Mama niya, sa amin na siya sumama ni Papa. Nalaman ko na anak si Ate Yona sa kadalagahan at hindi sila kinasal ni Papa. Noong namatay naman si Mama, kaming tatlo na lang ang naiwan nina Ate Yona.
"Ayos naman..." sabi ko habang bumubuntong-hininga. "Ate!"
Gulat siyang napalingon sa akin. "Bakit?"
"Ano kasi," nag-aalinlangan kong sabi. "Mayroon kasi kaming kaibigan na babae... tapos... may kaibigan kaming lalaki..."
Tumango-tango lang si Ate habang hinihintay ang sunod kong sasabihin.
Nagkakamot ako ng ulo na nagsalita. "Tapos 'yung kaibigan namin na lalaki na 'yon, may nililigawan na iba... pero... uhm, parang masyado siyang nagiging touchy sa kaibigan namin. 'Yan tuloy, parang medyo... naguguluhan 'yung kaibigan namin."
"Sinong kaibigan?" tanong ni Ate. "Si Haki ba? At saka paanong touchy? Kiss?"
Nanlaki ang tanong ko sa sinabi niya. Paano niya nahulaan agad? Natumbok niya lahat!
"Hindi!" nauutal kong sabi. "Ibang kaibigan... at saka yakap lang naman!"
Tumango-tango siya. "Okay... so anong problema?" sabi niya. "Sorry, si Haki lang naman kilala ko sa mga kaibigan mo."
Ay, kaya naman pala.
"Pero hindi siya, Ate," tugon ko. "Ano'ng mai-a-advice mo sa kaibigan naming babae? Feeling kasi namin, medyo... nadadala na siya minsan."
"Hmm," sabi ni ate habang nakatuon sa baba niya. "Baka naman ganoon siya sa lahat. Hindi ba?"
Napaisip ako bigla. Hindi naman siya nakikipaghalikan sa iba, bukod sa akin, ah? At saka, hindi niya rin nan niyayakap ang iba naming kaibigan. Pero bakit ba masyado kong iniisip 'to! Alam ko naman na pinagpapractice-an lang ako ni Haki!
"Pero kung hindi, kung sa kanya lang talaga ganoon ang kaibigan mong lalaki," sabi ni Ate. "I suggest, mas magandang linawin niya kung ano'ng meron. At saka, baka gusto rin naman niya na ganoon sa kanya kaya hindi niya pinipigilan."
"Pinipigilan ko!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ko. Fuck! Nadulas ako!
Nakita kong napangiti si Ate sa akin. Wala talaga akong maitatago sa kanya!
"Pinipigilan ng kaibigan namin..." nauutal kong sabi kahit alam kong nahuli na niya ako.
At doon ako biglang napaisip. Pinigilan ko ba talaga? O baka gusto ko rin naman talaga?

BINABASA MO ANG
Playdate
عاطفيةHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...