"Are you done dressing up?" tanong ni Sancho mula sa labas ng bahay at sinundan pa iyon ng katok. "I'm sure, hindi pa."
Natawa ako sa sinabi niya. "Pumasok ka na nga dito! Hindi ako makapili ng isusuot ko!"
He did what I said. Pagpihit ng doorknob, bumukas ang pinto at pumasok siya sa loob. He looked away when he saw me na nakatapis lang ng tuwalya. "What the hell. I told you not to do that."
"Sorry! Nakalimutan ko," natatawang sabi ko dahil ilang beses niya na akong nakita na nakatapis lang ng tuwalya but I don't care a soul. Natatawa kasi ako sa reaksyon niya na mukhang tutang nagulat! Itinuro ko ang nakalatag na mga itim na dresses sa salas at nagsalita. "Alin dyan ang gusto mo?"
Nagkamot siya ng ulo. "Seriously? They all look the same to me."
"Magkakaiba 'yan!" singhal ko sa kanya at ipinakita ang detalye ng mga damit. "Tingnan mo, may ruffles ito! Tapos 'yung isa, may slit!"
"Oh god," he said while face-palming. "My head is aching. Just wear what you want."
Sinimangutan ko siya at pumili na lang ng gusto kong damit, at pagkatapos noon ay nagbihis na para makaalis na kami. After a few minutes, natapos na ako sa pagbibihis at umalis na kami papunta sa venue. Hindi naman engrandeng dinner iyon. Pupunta lang kami sa Santelmo, a resto-bar, na mas lalong sumikat simula nang maging bukas sa lahat ang Rivadenera. Malapit rin iyon sa beach so many people visits it very often.
This is the first time in years na makikipagkita ako sa iba kong mga kaibigan. I literally lost touch with the rest of them because I'm so ashamed of myself. Pakiramdam ko, sinayang ko ang mga taon sa pagmumukmok ko, kaya wala akong kahit anong narating ngayon. Kung naka-recover lang sana ako kaagad from the shock, kung matatag lang sana ako, my life wouldn't be like this. I mean, I can eat three times a day pero I'm stuck in this place. I'm so ashamed to face them because everything I planned for the future did not turn out to the way I wanted it to be. Noong nasa mini island kami, I told myself that I can't wait until successful na kaming lahat at kaya nang gawin ang lahat ng gusto naming gawin. Now, they're all successful... except for me. I'm stuck in this place kahit sinabi ko noon sa kanila na gusto kong libutin ang buong mundo. After five years, wala akong na-accomplish na kahit ano. Kaya sobrang nahihiya akong harapin silang lahat...
Noong makarating kami doon, I realized that Santelmo is a live music club. Mayroong bandang kumakanta at tumutugtog rin ng mga instruments sa malaking stage. Madilim pero may mga laser lights na sumasabay sa tugtog and there are many glowing neon lights around, even glowing beach balls and glowing light sticks.
Kakaunti lang ang tao ngayon but they seem to be enjoying the lively music and the fine drinks. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa sulok ang mga kaibigan ko: Si Jeni, Bana, Nikos at saka si Aegis.
Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Aegis, and memories kept on striking back. Kung nandito siya ngayon, he would sit beside Aegis.
Masaya nila akong kinawayan. Ilang segundo siguro akong naghesitate pero nginitian ko sila. I can't help it! Kahit nahihiya ako sa kanila, sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil nakita ko sila ulit. And they're all successful now. I'm so proud of them.
Sabay na tumayo si Jeni at Bana noong malapit na ako, at pagkatapos noon ay niyakap nila ako pareho nang mahigpit. "Oh my god, Kia! We missed you so much!"
Doon ako nakaramdam ng namumuong butil ng luha sa mga mata ko. I missed them so much too! Hindi ko alam na kakailanganin ko pala ang mga yakap nila ngayon kahit maayos na naman ako. I'm so angry at myself for shutting them out when all they did was try to help me noong nawawala ako sa sarili. Kung pumayag lang sana ako, kung nagpatulong lang sana ako sa kanila, baka mas maaga akong nakabangon.
Noong umupo kami ni Sancho, doon na nagsimula ang kumustahan. I'm so proud ngayong naririnig ko ang mga kwento nila and how successful they are now. Aegis left the island to study in the city, at bumalik siya rito sa isla to make his dream floating restaurant come true. Sa katunayan nga raw, malapit na iyong matapos at ilang preparations na lang ang kailangan. Nikos studied in the island at ngayon ay bartender siya dito sa Santelmo but he took a day off para makasama kami. Jeni studied Education in the island too at elementary school teacher na siya, while Bana is a secondary school teacher now after studying outside the island for quite some time. They all went back here kahit hindi pa gaanong maunlad ang Rivadenera. Maybe they love the island so much. Samantalang ako, gustong-gustong makaalis sa isla.
I appreciate na hindi nila ako tinatanong kung kumusta na ba ako. I'm sure Sancho told them something about it kaya siguro hindi nila ako pinu-push na magsalita ngayon.
"I heard from Sancho that your online shop is booming, Kia!" sabi ni Nikos. "I'm going to order sometimes."
And everyone agreed with him.
I just smiled at them.
Are they looking down on me?
Pero wala akong sinabi. Hindi ako nagsalita.
Napansin ko ang pag-angat ng tingin mula sa akin ni Aegis kaya naman napalingon kaming lahat sa tinitingnan nya. Noong umikot ako, pakiramdam ko ay naghuramentado ang puso ko dahil sa nakita ko.
"The pleasant surprise is coming," sipol ni Aegis.
He's smiling happily while walking towards us. Inalis niya ang kamay sa bulsa at kumaway sa amin. When his eyes met mine, mas lalong lumiwanag ang mukha niya kahit madilim dito sa Santelmo.
I can recognize all of those features, kahit pa nagbago ng kaunti ang build ng katawan niya. He's a lot taller now, but not as tall as Sancho. His skin got lighter, hindi ko na siya maaasar na uling ngayon. I can recognize his unruly hair that won't stay down kahit ano'ng gawin niya. I can recognize those long fingers. I can recognize his scent. I can recognize it all. I can recognize him.
Haki. Haki Rivadenera. Harlequin Rivadenera.
Pakiramdam ko, lahat ng ibinaon sa hukay na galit sa puso ko, biglang nabuhay ulit.
So he's really gonna waltz back like this to my life after tearing me apart? How can he come back like he didn't do anything wrong?
Is he with my sister? Five years ago, sinabi sa akin ni Mang Ben na buntis si Ate. I didn't stop thinking about it. Did they run away dahil nabuntis ni Haki si Ate? Then where is my sister now? Where is the child now?
I lost my father because of them. How can he show up like this? Didn't he know what he had put me through?
Sobrang daming katanungan sa isip ko na kahit isang beses, hindi ko magawang isantabi lang. Naghahanap pa rin ako ng sagot.
Umikot ako at hindi na ulit lumingon. Rinig na rinig ko ang ingay ng mga kaibigan ko na nagsitayuan pa para salubungin siya. Bakit parang mas lumakas ang amoy ng pabango niya ngayon? I can feel it lingering in my nostrils at hindi mawala-wala ang epekto niyon sa akin.
Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga nang biglang may brasong umakbay mula sa likuran ko.
"Did you miss me, Kia?" a deep voice whispered on my ears, making my whole body tingle.
Bakit pakiramdam ko, talo na agad ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/223197043-288-k69289.jpg)
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...