14

6.6K 117 31
                                    

I looked at Haki and he's literally eating EVERYTHING on our table. Sobrang nakakatuwa dahil mukhang masayang-masaya siya dahil maraming pagkain, at mas tinitira niya rin ang seafoods, kaya naisip ko na baka mahilig si Haki sa mga seafoods.

Napatingin siya bigla sa pinggan ko kaya naman nagulat ako. "Bakit?"

"Bakit ang konti ng kinakain mo?" tanong niya sa akin. "Eat plenty."

Kumuha siya ng hipon at binalatan iyon. Pagkatapos noon ay inalagay niya iyon sa pinggan ko. Nagbalat siya ng ilan pa kaya naman nagtaka ako. "Bakit sa akin mo ibinibigay?"

"Ayaw mo ba?" tanong niya. "Ano pa bang gusto mo, bukod sa akin?"

Ilang segundo akong natigilan bago ako nakabawi. "Tumigil ka nga!"

Tinawanan niya lang ako pagkatapos ko siyang irapan.

I ended up eating a lot dahil sa mga nilalagay niyang kung ano-ano sa plato ko.

Nagtapos ang celebration sa pagpapasalamat ni Hara sa lahat ng umattend ng debut niya. Kanina nga ay pumunta siya sa table naming mga kaibigan ng Kuya Sancho niya, and she's really nice.

Kakaalis lang sa pwesto namin ni Hara nang biglang may umakbay na babae kay Haki kaya naman napalingon kaming lahat. She's skinny and her skin is pale, pero matangkad siya at halatang mas matanda sa amin nang ilang taon. Unang nagsalita si Haki na lumingon sa likod niya. "Ate!"

I saw her tousled on Haki's hair. Narinig kong nag-tsk si Sancho, "Ate, doon ka na sa pwesto nyo. Stop bothering my friends."

Napatakip sa bibig niya si 'Ate'. "Wow, my baby brother has friends now. I'm proud of you!"

Baby brother? So, she's Sancho's sister? Akala ko ay dalawa lang sila ni Hara. Ngayon ko lang rin napansin na medyo magkahawig rin sila, pero mas magkamukha talaga si Sancho at Hara.

Napalingon ako sa balikat ni Haki kung saan nakaakbay ang babae. Napatigil rin siya sa pagkain kahit kanina ay wala siyang pakialam sa mga tao. Napansin ko rin ang pamumula ng mukha ni Haki kaya naman napaisip ako bigla.

'She's at least 5 years older than me.'

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya noon habang magkatawagan kami. Don't tell me...?

Ilang minuto lang ay nagkayayaan na magsayaw ang lahat, pinangunahan pa kami ni Ate Mona, dahil sayang daw ang mga suot namin kung hindi magsasayaw. Natuwa naman ako dahil sobrang sigla ng tugtog at nagsasayawan ang mga kaibigan ko. Si Haki, as usual, nakikipagsayaw sa halos lahat, kahit hindi niya kilala. Ako naman at si Sancho, nakaupo lang. Medyo nahihiya rin ako gaya niya.

Ilang minuto rin kaming nag-uusap ni Sancho nang yayain nya akong
magsayaw. Nagbago ang tugtog at hinawakan niya ang kamay ko nang marinig na slow dance ang tumutugtog ngayon.

Wala na akong nagawa. Sumama na ako sa kanya habang tinitingnan ang iba kong mga kaibigan na nagsasayaw. Ka-partner ni Bana si Aegis, at ka-partner naman ni Jeni si Nikos. Si Haki naman, ka-partner ngayon si Ate Mona.

"Hey," sabi ni Sancho. "Are you okay?"

Tumango lang ako sa kanya. Napansin niya yata na medyo lutang ako at nasa iba ang atensyon ko habang nagsasayaw kami. Tumingin ulit ako kina Haki at nanikip ang dibdib ko nang makita siyang nakahawak sa bewang ni Ate Mona at nagtatawanan rin sila habang nag-uusap, gaya na lang kanina noong nagsasayaw sila ni Hara.

Medyo natakot ako. Natatakot ako... na baka tama ang hinala ko. Pero hindi ko na lang siya tinanong. Hindi rin naman ako handa na malaman. Hindi ako handa na tanggapin.




"Hoy, ayos ka pa ba?" tanong ko kay Haki habang tinatapik ang pisngi niya. Balak niyang kunin ang baso para tumagay ulit pero pinigilan ko siya. "Tama na, Haki. Lasing ka na."

Nginitian nya lang ako habang namumungay ang mata at sumandal sa silyang inuupuan niya. I mean, hindi lang si Haki ang lasing! Halos lahat yata ng kasama namin ngayon, mga lasing na. Nagkayayaan kasing uminom kanina dahil kay Ate Mona. Sabi niya, konti lang naman daw, pero ganito ang nangyari! Kahit si Sancho, nakasandal sa balikat ko dahil lasing na siya!

Ako naman, hindi gaanong uminom. Kumakain lang talaga ako ng pulutan. At ito namang si Haki, akala ko, malakas uminom at hindi madaling malasing, but it turns out that he's a lightweight!

Nakita kong tiningnan niya si Sancho na nakasandal sa akin at maya-maya ay tinulak niya ito. Tinaasan ko naman agad siya ng kilay dahil sa ginawa niya.

"Shoo!" sabi niya habang inaalis ang ulo ni San sa balikat ko, at maya-maya ay siya na ang sumandal sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa ulo niya, katulad noong nandoon kami sa bahay niya, likes he's encouraging me to stroke his hair again.

Ilang minuto rin bago nagsimulang magsi-alisan ang mga kaibigan ni Ate Mona, at tinulungan ng mga nasa tamang pag-iisip pa ang iba na pumunta sa kanya-kanyang kwarto. San's house is huge, though as not as huge as Haki's, pero marami rin silang guestrooms. Plus, hindi naman dito matutulog ang mga kaibigan ni Ate Mona at ni Hara. Kami-kami lang rin at ibang kamag-anak nina Sancho.

Nilapitan ako ni Ate Mona at sinabi sa akin na tulungan ko siyang dalhin sa kwarto nila si Haki at ang iba pa. Nauna na nilang dalhin ang iba pa naming mga kaibigan pero hindi ko rin talaga alam kung nasaan sila, at hindi ko alam kung saan ako matutulog.

Nakaakbay sa akin si Haki habang papunta kami sa kwarto, at nakasunod lang kami kay Ate Mona. Maya-maya ay tumigil siya at binuksan ang pinto, at pagkatapos noon ay lumingon siya sa amin, "Dito na lang si Haki," sabi nya. May itinuro siya na kwarto sa kabilang hallway, "Nandoon ang mga kaibigan mo sa kabilang kwarto."

"Thank you, Ate," sabi ko sa kanya. Dadalhin ko lang si Haki sa kwarto niya at pupunta na rin ako doon.

Kakapasok lang naming dalawa ni Haki nang naramdaman ko na hinahawakan niya ang bibig niya. Oh my god, don't tell me?

"Hoy, huwag mo akong susukahan!" sigaw ko at pilit na lumalayo sa kanya. Napalingon sa akin si Ate Mona na paalis na sana at pareho kaming nanlaki ang mata nang magsuka si Haki.

Okay lang sana kung siya lang ang nasukahan, pero ang problema, ako rin ay nadamay.

Great.

Natatawa si Ate Mona habang tinitingnan ako na nagpapanic na. Paano kasi, kakapalit ko lang ng damit! Nagpalit na kami ng damit kanina bago mag-inom! Wala na akong pamalit!

"Oh my, are you going to be alright?" natatawang tanong ni Ate Mona. "May pamalit ba kayong dalawa ni Haki? Do you want me to clean him up?"

Clean him up? Ate Mona insisted on cleaning Haki up?

Hindi ko alam kung sobrang kapal ba ng mukha ko ngayon dahil umiling ako kay Ate Mona. "Ayos lang po. Ako na po ang bahala kay Haki."

"Oh, okay," sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang doorknob, "Just tell me if you need anything. Tutulungan ko lang 'yung iba."

Tumango lang ako at nagpasalamat bago umalis si Ate Mona.

Napalingon ako kay Haki na nakaakbay pa rin sa akin hanggang ngayon, still unconscious even after puking. "Why am I so dumb? I should have asked Ate Mona for help."

But the thought of her touching Haki's body... made me feel so uneasy. Ewan ko ba. Lalo na ngayon at iniisip ko na baka siya ang nagugustuhan ni Haki.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon