9

6.9K 124 37
                                    

Ini-off ko ang loudspeaker bago lumabas ng bahay, at noong nasa labas na ako, ibinalik ko sa tenga ko ang phone ko. "Gago ka ba!" sigaw ko sa kabilang linya. Ang lakas kasi ng trip nitong si Haki! "Naka-loudspeaker ang phone ko!"

"Nag-kiss lang naman tayo," narinig kong sabi niya at tumawa nang mahina, "At saka malay ko bang nakaloudspeaker..."

Huminga ako nang malalim at hindi nagsalita. Ang dami namang pwedeng meaning nung 'last night'. At saka marami kaming magkakasama kahapon, siguro ay hindi naman nila maiisip na may ganoon. Bakit ko ba masyadong iniisip, ang babaw naman masyado!

"So uhm... did you like it?" tanong niya sa akin. "How was it? The kiss? Which one do you like best among the three?"

Ano 'to? Poll? At saka paano naging tatlo? Dalawang beses pa lang naman kaming nagkiss?

"Ano'ng 'among the three'? Dalawa lang!"

"Down there," he said lazily. Ewan ko pero pakiramdam ko, biglang nanlagkit ang pagitan ng hita ko dahil sa sinabi niya. "I kissed your other lip."

That's not even a kiss! He literally ate me 'down there'!

"Tigilan mo nga ako, Harlequin. Hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasasabi mo!" sabi ko at itinikom ang binti ko na parang basang-basa na ang kalagitnaan. Parang nararamdaman ko tuloy ang paghagod ng dila nya!

"Hindi mo nagustuhan lahat?" tanong niya. "Kahit isa?"

Napairap ako kahit alam kong hindi naman niya makikita. "Para saan ba 'to? Ang forward mo naman masyado. Baka hindi magustuhan ng nililigawan mo..."

"But she likes older guys..." he whispered, at bumuntong-hininga bago magsalia ulit. "With experience."

Nagulat ako sa sinabi niya. Sinabi ko lang iyon pero hindi ko inaasahan na ginagawa niya lang pala talaga iyon para sa nililigawan niya. Tama nga ang hinala ko na pinagpapractice-an niya ako.

I don't know, but I feel humiliated.

"Mas bata siya sa'yo?" tanong ko sa kanya. Ilang beses akong lumunok. "S-Sino ba 'yang balak mong ligawan? Ang wild niya ha. Gusto ay may experience."

He sighed. "Nah, she's at least 5 years older than me, that's why," sabi niya.

Napatanga ako sa sinabi niya. Ang weird nilang dalawa! Gusto nung babae ng mas matanda sa kanya, pero hinahayaan niyang umasa si Haki na mas bata kesa kanya?

"So..." sabi ulit niya. "Did you really not like it?"

Napabuntong-hininga ako. Nagustuhan ko naman... kahit papaano. Pero nahihiya lang talaga akong umamin sa kanya. Ang awkward naman kasi no'n! At saka medyo nainis ako na pinagpapractice-san niya lang ako... pero hindi ko naman kayang tumanggi sa kanya kahit feeling ko ay isa akong guinea pig. Grabe, pinag-eeksperimentuhan ako ni Haki! Ano bang makukuha kong maganda dito? Wala naman, pero hindi ako makatanggi. At wala akong ideya kung bakit.

Crush ko siya, kaya hindi ko kayang humindi?

Dang, Kia! Hinalikan ka lang, gusto mo na agad? Tanga ka ba?

"Ayos lang naman," sagot ko na lang. "Baka may konting kulang lang."

"Talaga?" sabi niya. Ramdam ko na nagliwanag ang boses niya at napangiti ako nang marealize ko kung anong ekspresyon niya ngayon. Ang cute siguro! I want to boop his nose!

"Oo," sabi ko. "Saan mo naman natutunan 'yang mga 'yan?"

Oops, wrong move. Ayaw kong malaman!

Pero huli na ang lahat. "Porn."

What the heck. He's really an average teenage guy. Gusto ko siyang sermunan kung anong makukuha niya sa pakikipaglandian sa babaeng ganoon ka-wild, pero ayaw ko namang ma-offend siya.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagrereview. Napahinga tuloy ako nang malalim nang ma-realize ko na wala bukas si Haki. Medyo nalungkot ako, pero hindi ko alam kung bakit. Baka medyo nasasanay na kasi ako sa presensya niya. Samantalang noon, grabe ang inis ko sa tuwing kinukulit niya ako. I mean, makulit kasi siya ngayon pero hindi sa point na nakakainis na. Tapos amoy baby cologne pa.

Kinabukasan, pagkatapos ng exam namin, lumapit sa akin si Sancho. Hindi ko nga alam na magsasabay-sabay pa rin kaming umuwi kahit wala si Haki. Akala ko kasi noon, nakikipagkaibigan lang sila sa amin dahil kaibigan namin si Haki.

"May number ka ni Haki, 'di ba?" tanong niya sa akin at nagkakamot ng batok. Anong problema nito at hindi makatingin sa akin?

Nasa likod lang namin sina Jeni, Bana, Nikos at Aegis. May kanya-kanya silang pinag-uusapan kaya hindi ko inaasahan na ako ang kakausapin nitong si Sancho na ayaw sa mga Brand X na gaya namin ni Aegis.

"Oo," sabi ko. "Bakit?"

Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Pwede ko bang mahingi?" sabi niya. "Kailangan ko lang i-send sa kanya 'yung mga activities na naiwan niya. Saka 'yung ilang pointers."

Napangiti naman ako bigla. He's not that bad naman pala! Kahit madalas ay nakakunot ang noo niya, he's got a soft heart pa rin naman! Concerned siya kay Haki!

Kinuha ko ang phone ko at nagscroll doon. Iniabot ko sa kanya iyon pagkatapos kong makita ang pangalan ni Haki.

Tahimik lang siya habang kinokopya sa phone niya ang numero ni Haki. Maya-maya ay iniangat niya ang ulo niya. "Pwede ko ring hingin ang number mo?" tanong nya at ibinalik ang phone ko. "Wala kasi akong Facebook account."

"Ha?" tanong ko habang ibinubulsa ang phone ko. "Number ko? Bakit?"

Napailing siya bigla na parang nahihiya at ikinaway ang kamay niyang may hawak na phone, "Ah, joke lang pala. Joke lang. Joke lang!"

Natawa ako dahil sa pagpapanic niya. Ano'ng problema nito? Bakit siya nahiya sa akin bigla?

Kinuha ko ang phone sa kamay niya at nagtipa doon. Pagkatapos noon ay ibinalik ko na rin kaagad sa kanya. "Ayos na?"

Nakita ko ang pamumula ng tenga niya noong aksidenteng lumapat ang kamay ko sa kanya dahil sa pag-aabot ng phone. "Oo, okay na! Bye!"

At pagkatapos noon ay naglakad na siya palayo sa akin. Nagtaka naman sa akin sina Aegis kaya lumapit sa akin dahil mag-isa na lang akong naglalakad. Itinuro nila ang direksyon ni Sancho, "Ano'ng problema no'n?"

"Ha?" tanong ko. "Ewan ko... bigla na lang siyang naglakad palayo pagkatapos niyang kunin ang number ko..."

Narinig kong pumalakpak si Jeni. "Ha! Crush ka yata ni Sancho!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "That's impossible!"

Imposible talaga! Siya pa talaga? Ayaw niya nga sa mga poorita na gaya ko!

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon