43

5.5K 106 22
                                    

I started sobbing all of a sudden. Narinig ko naman na parang nagpanic siya bigla kaya naman pinigilan ko ang paghinga ko to suppress a sob. I don't want to make him worry, I don't what the others to worry...

"Hey," sabi niya pa. "Tulog ka na ba? Umiiyak ka ba?"

"Hindi," mahina kong sabi.

"But I heard something..." inosente niyang sabi. "Did you fart?"

"Oo," diretso kong sabi.

"It's okay. Release your demons," sabi lang niya kaya naman pareho kaming natawa.

"Uhm, Kia," narinig kong sabi niya. "I actually called you because... I want you to listen to this."

"Alin?" tanong ko kaagad. "Kanta? Kakanta ka? Huwag na, baka bumagyo lang rito. Ang ganda-ganda na ng panahon."

"Hindi!" he exclaimed. "Makinig ka lang ha. Huwag kang tatawa, okay? Hindi talaga ako marunong gumawa ng mga ganito. Sinubukan ko lang. Kukunin ko lang 'yung kodigo, sandali lang."

Nanahimik na lang ako at hinintay siyang magsalita, at nagulat ako nang bigla siyang tumula.

"Nakangiti ang kalawakan,
habang tayo'y pinagmamasdan;
nag-uusap ang mga tala,
kapwa tayong nakatingala."

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Saan siya natuto ng ganitong mga kakornihan?!

"Abot-kamay natin ang langit,
ngayong tayo ay magkalapit;
humiling na sa bulalakaw
ng umagang kasama'y ikaw."

Hindi ko alam pero imbes na magsalita o patigilin siya, nakikinig lang ako sa kanya. Kaya ba may hawak siyang papel at ballpen kanina? Akala ko pa naman ay naglilista siya ng gastusin.

"Biglang lumiwanag ang gabi,
habang araw ay nagdilim;
nagbigti ang mga bituin,
noong ngumiti ka sa akin."

I don't know, but I suddenly felt afraid. It's been way too long since the last time that I listened to my heart, and I'm afraid that if somehow, I chose it, I wouldn't figure out how to ignore it again.

Pagkagising ko kinabukasan, gising na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Mamayang tanghali aalis sina Medel kaya naman medyo nalungkot ako. Sobrang saya pa naman nitong nakaraang mga araw dahil kasama ko sila.

Pumunta muna kami sa talon at naligo roon bago umuwi sa mansyon. Medyo inaantok pa nga ako pero ayoko namang matulog dahil baka paggising ko, nakaalis na sina Medel.

Kung ano-ano kasing kakornihan ang sinasabi ni Haki kagabi. Napuyat tuloy ako.

Tinulungan ko si Medel na mag-impake at pagkatapos noon ay pumunta ako sa kwarto para magpalit ng damit. Pupunta pa kasi kami mamaya sa souvenir shop bago umalis sina Medel para naman may maiuwi sila sa kanila.

The moment I opened the bedroom door, nagulat ako dahil mukhang katatapos lang ni Haki na magbihis, pero mas nagulat ako nang makita kong hawak niya ang armlet ng nanay niya na ipinatong ko sa bedside table noong isang araw.

Napalingon siya sa akin habang hawak-hawak iyon. "Why did you give it back?"

Tinaasan ko siya kaagad ng kilay habang naglalakad papunta sa lagayan ko ng damit. "Huh? That's your mom's."

"No, it's not my mom's. It's yours..." sabi niya at sinundan ako.

Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa hawak niyang armlet. "No way. You gave it to my sister tapos ngayon, ibibigay mo sa akin?"

Kaagad na kumulo ang dugo ko. Talagang binibigyan niya ako ng tira-tira ng mga tao?

"What?" nagtatakang sabi niya. "This armlet is really yours... It's a graduation gift..."

Napatanga naman ako bigla dahil sa sinabi niya at halos hindi makapaniwala. All this time, inisip ko na suhol niya ito o peace offering ni Ate. Hindi ko na alam kung saan ako maniniwala!

Tinalikuran ko siya. "That's impossible. Si Ate ang nagbigay–"

"Ipinaabot ko sa Ate mo noon. Akala ko ay hindi na ulit tayo magkikita dahil aalis na ako kinabukasan."

Pero natatandaan ko na sinabi niya noon, 'Why do you have that?' And he actually gave my sister jewelries!

His answer seemed like he's reading my mind. "Sinabi ko sa Ate mo na ibigay iyon sa'yo pagkatapos ng graduation, but she gave it to you the same day I asked her to give it to you, kaya sobrang nagulat ako," sabi niya at nagkakamot pa ng ulo, at diretsong tumingin sa akin,"I don't know if you'll believe me. It's up to you. It's true that I gave your sister jewelries, pero I really gave that to you as a graduation gift."

Hindi ako nagsalita kahit na sobrang dami ko pang gustong itanong. Ewan ko pero parang sasabog ang isip ko. Ano ba talagang nangyayari? Why would he ask my sister to give it to me kung pareho silang aalis? Is he really dumb?

"I want to see you wear it," sabi niya at hinawakan ang kamay ko, at inilagay doon ang hawak na armlet. Tiningnan niya ako sa mata bago magsalita. "Please wear it."

And then he stormed out of the room.

Ilang beses akong bumuntong-hininga bago lumabas ng kwarto. I don't know what's gotten into me dahil nakasuot ako ngayon ng sinasabi kong uso ngayon sa isla. I'm wearing a sleeveless top, a long skirt at may kaparatner din na sandals na may strap, and on top of that, I'm wearing Haki's graduation gift.

Bigla akong nahiya dahil sa paraan niya ng pagtingin sa akin noong papunta na ako sa van. He smiled so bright that I can feel my ovaries expanding ten times! Is he that happy that I wore it?

Pero hindi pa rin naman ako naniniwala! Isipin niya na lang ang gusto niyang isipin. Wala namang mawawala sa akin! Isasangla ko na lang ito kung hindi naman totoo na para sa akin talaga ito! 

Humiwalay sa amin sina Haki at Chrollo dahil may iba daw silang bibilhin, habang kami naman ni Medel, bumili ng mga pasalubong niya sa mga parents niya pati mga souvenirs. She bought an ocean wave tapestry, a Rivadenera map snow globe, at nagandahan rin siya sa suot kong armlet kaya bumili rin siya ng para sa kanya.

Pagbalik nina Haki, dumiretso na kami sa baybayin. I can't stop crying noong marealize ko na aalis na si Medel. I'm just really happy that I got to meet someone like her... I mean hindi naman sobrang tagal ng pinagsamahan namin  pero sobrang naging masaya ako na kasama siya at maging si Chrollo. I met a new friend and a sister... and she promised me that she'll be back.

"Ako na lang ang yakapin mo kapag umalis na si Medel," inirapan ko lang si Haki habang sumisinghot-singhot pa kaya naman pinagtawanan nila akong lahat.

I waved goodbye to them noong nagsimula nang umandar ang sinasakyan nilang yate.

I don't know, but I really want to cry. I want to be like them too. I want to go to different places, gusto kong makasakay sa eroplano, sa mga bus, mga barko, at ayokong tumigil lang rito.

"What's stopping you?" I heard Haki ask at umakbay sa akin. I'm starting to think that he has the ability to read minds... "Don't be afraid. Keep going."

Hindi ako lumingon sa kanya, pero nakangiti kong inihilig ang ulo ko sa balikat niya. "You can do it, too."

Thanks for believing in me when I can't even believe in myself, Haki.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon