27

5.9K 146 50
                                    

Katulad noong isang araw, kaming tatlo nina Aegis ang nagkasundong pumunta kina Haki. Hindi nakasama ang iba naming mga kaibigan dahil kasama nila ang mga kaibigan nila at mukhang may kaunting handaan para sa pagtatapos nila.

Dumiretso kami sa mansyon ni Haki at sinalubong kami ng guwardya sa pagdating namin doon. "Si Haki po?"

Nagtatakang ekspresyon ang iginanti sa amin ng guwardya. "Wala na dito."

"Po?" sabay-sabay na tanong namin. "Kelan po ang balik niya? Nasaan po siya?"

"Ay naku, umalis na ng isla. Hindi ko alam kung babalik pa si Sir Haki," nagkakamot ang ulong sabi sa amin ng guwardya. "Hindi ba nasabi sa inyo? Akala ko ay alam nyo dahil mga kaibigan niya kayo."

Nagkatinginan kaming tatlo nina Sancho at Aegis, at mukhang pare-pareho kaming walang alam tungkol dito. I can't believe it. He would not leave the island, right? He would not leave the island without telling us either. Kaya ba nitong mga nakaraang araw ay busy siya? May balak siyang umalis ng isla? Why would he leave the island without telling us? Ngayon pa? Ngayon pa na naiatras na ang ban? Ngayon pa?

Nangingilid ang luha ko habang nakaupo sa gilid at pilit na kinokontak ang numero ni Haki, pero mukhang nakapatay ang phone niya. No... he can't leave me like this. Kahit pa hindi niya ako gusto, ayos lang. Ayos lang, basta makikita ko pa rin siya. Ayos lang...

Ayokong umalis siya... Hindi ko maisip na umalis siya nang walang kasiguraduhang babalik pa siya...

Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko ngayon. The last time we talked, nag-away pa kami. Kahit gaano pa kasakit ang nga sinabi niya sa akin, ayos lang, tatanggapin ko... huwag lang siyang mawala nang parang bula... huwag lang siyang mawala nang ganito...

"Kia, calm down," sabi ni Sancho and started caressing my back, trying to calm me down, but I can't calm down.

"How can I fucking calm down!" bumuhos ang luha ko at naramdaman ko ang pagkapunit ng puso ko. "My sister is missing, tapos ngayon... umalis si Haki. How can I calm down... my father didn't even attend my graduation."

Mukhang nagulat si Sancho at Aegis dahil sa sinabi ko. Wala pa rin kasi akong napagsasabihan na nawawala si Ate Yona. Patuloy akong pinakakalma ni Sancho habang nananatiling nakatayo si Aegis at tinanong ang guwardya. "Kelan po umalis si Haki?"

"Kahapon pa ng madaling araw."

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Kahapon ng madaling araw?

"Sino pong kasama niya? Saan po siya pupunta?" tanong ko at mukhang nagulat si Sancho dahil sa biglang pagtayo ko. "Pumunta po ba dito si Ate kahapon ng madaling araw? Nakausap niya po ba si Haki?"

"Ay hindi ko po alam kung sino ang kasama at kung saan pupunta," sabi ng guwardya. "Pumunta dito ang Ate mo pero hindi ko nakitang kinausap niya si Sir Haki."

That raised my suspicions. Ewan ko, pero malakas ang kutob ko na si Haki ang kasamang lalaki ni Ate kung sakaling tama nga si Mang Ben na umalis siya ng isla. I don't know! Everything falls perfectly! Every pieces are falling to their rightful places!

At dahil doon, ang maliit na bitak sa puso ko, ramdam kong lumalaki na. I can't believe it. Ayokong maniwala, pero saktong-sakto ang lahat. Pareho sila ni Ate na umalis nang madaling araw and on top of that, walang paalam. Did they leave knowing that they can come back if they wishes to because the ban is already lifted?

Naramdaman ko ang galit na parang nagsisimulang lamunin ang puso ko. I'm so angry that all I can do is cry. Is this their plan all along? Are they really going to run away like this? Because I'm ready to accept everything, kahit masakit, basta mananatili sila rito. They don't even know what they put Papa through. He trusts Ate Yona and I know he trusts Haki too. Hindi nila alam na he's worried sick about them, na ni hindi naka-attend ng graduation ko kakahanap sa kanya. They didn't think about the consequences of their actions, and that really made me upset.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon