23

6K 120 37
                                    

Kinabukasan, hindi pumasok si Haki.

"Na-contact mo?" tanong sa akin ni Aegis habang hawak ang cellphone niya. "Hindi rin ako sinasagot."

"Ano'ng nangyari do'n?" tanong ni Nikos at umupo kaharap ko. "May nasabi ba siya sa'yo kung bakit hindi siya papasok ngayon?"

Si Sancho ang sumagot. "Maybe he's just slacking off. O tinatamad lang pumasok dahil magpapractice lang naman tayo para sa graduation."

"We all know he's not like that," sabi ni Aegis at patuloy pa rin sa pagkontak kay Haki mula sa phone niya. "Pero kung ganoon nga, I'm really going to kick his dumb ass!"

Yeah, he isn't like that. And he always tells us beforehand kung malelate siya o hindi ba siya papasok gaya na lang noong umalis siya ng isla.

"Huwag nyo siyang kontakin nang sabay-sabay," sabi ni Bana. "Isa-isa lang. Baka hindi niya natatanggap ang tawag dahil sabay-sabay kayo."

"Pero he's okay naman 'di ba, Kia?" tanong ni Jeni sa akin. "Baka naman tinanghali lang talaga ng gising tapos hindi na lang pumasok."

Ni hindi ko alam kung kanino ako sasagot. He isn't even replying to my messages. Kagabi, hindi ko rin siya sinubukang kausapin tungkol kay Ate. Ayoko naman kasing isipin pa niya. Hindi ko rin natanong si Ate Yona kung sino ang kasama niyang lalaki kahapon pero sobrang atat na atat akong tanungin siya bago siya pumunta sa trabaho kanina.

Baka naman sobra talagang iniisip ni Haki ngayon kung sino ang kasama ni Ate kahapon?

Oh, right! Nasa mansyon si Ate! Pwede ko siyang tanungin kung nandoon si Haki!

Kaagad kong kinuha ang phone ko na nasa mesa at kinontak kaagad ang number ni Ate Yona, but she isn't answering her phone either. Masyado ba kaming paranoid? Baka naman ayos lang talaga si Haki?

Wala kaming choice kundi hintayin na lang na mag-uwian. Absent talaga siya pero dahil maaga naman kaming lumabas dahil nga nagpractice lang ay nagprisinta na ako na pupunta sa bahay ni Haki mamaya. Gusto pa akong samahan ng iba pero pagod sila at ang iba naman ay hindi talaga pwedeng hapunin dahil hindi naman sila nagpaalam.

Liliko na ako sa daan papunta sa bahay ni Haki nang marinig ko ang boses ni Ate Yona sa 'di kalayuan. Dumiretso ang tingin ko sa daan at nanlaki ang mata ko nang makita ko na kasama ulit ni Ate ang lalaking kasama niya kahapon, at nakita ko rin na hinalikan niya ito sa labi. Napatigil ako sa paglalakad kaya mukhang napansin ni Ate at bigla siyang namutla nang makita niya ako.

Nginitian lang ako ng lalaking kasama niya at nagpaalam na kay Ate.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin at inakbayan pa ako since she's inches taller than me. Naramdaman ko na umiikot kami at napansin na sa taliwas na daan kami papunta, pabalik sa bahay namin.

"Si Haki, Ate?" tanong ko sa kanya. "Hindi siya pumasok ngayon."

"Ah," sabi niya sa akin. "Inaapoy siya ng lagnat kaninang umaga. Humupa na naman ngayon..."

Nakahinga ako nang maluwag, pero hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. Sino'ng mag-aalaga sa kanya?

"Nandoon ang tiyahin niya at saka isa niyang pinsan," sabi ni Ate. "Kung iniisip mo kung sino ang mag-aalaga sa kanya."

Hindi ako sumagot. Kilalang-kilala ako ni Ate, nababasa niya ang lahat ng ekspresyon ko. Siya lang talaga... ang hindi ko mabasa at hindi ko maintindihan. Ano'ng nasa isip niya? Sino iyong lalaking kasama niya kahapon at ngayon? Hindi na ako maniniwala at hindi ko na rin lolokohin ang sarili ko na kakilala lang iyon. They kissed. And they're adults.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon