We literally just came there to stroll. Wala rin naman kaming dalang pamalit. Medyo nakakatawa nga si Medel dahil tinatanong niya kung may paniki sa kweba, at ito namang jowa niya, walang ibang ginawa kundi takutin siya.
After five years, ngayon lang talaga ako ulit nakapunta rito. Sobrang iniiwasan ko kasing mapunta sa mga lugar na maaring magtrigger ng mga alaala ko kay Papa. We have so many memories dito sa lugar na ito, lalo na't sobrang lapit nito sa bahay namin. And I can't even dare to take a look sa kinatitirikan ng dati naming bahay. Plus, my memory is so vivid about how they kissed here. And how I told my friends about my big dream na nauwi lang sa wala.
Nauna akong lumabas kesa kanila. Mukhang napansin ni Haki at ng iba kaya naman nagpasya na rin silang lumabas. Sinabi rin kasi ni Haki na pupunta rin naman kami sa Hibiscus beach kaya naman nagkasundo na kami na umuwi na, but upon leaving the place, napansin ko na butas ang gulong ng mga nakaparada naming bisikleta.
"Holy fuck," Haki said. "They did it again."
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Haki. Mukhang wala namang ibang tao sa paligid, ah? At saka kakaunti rin naman ang nakatira malapit rito. May ilan na rin kasing nagtayo ng bahay malapit rito pero madalang pa rin na may pumunta malapit sa kweba.
Iniwan muna namin sina Chrollo at Medel sa kweba para maghanap ng signal at magpasundo, pero si Haki, mukhang may hinahanap pagkalabas namin.
"Ano'ng hinahanap mo?" tanong ko.
"Someone popped my tires too the last time I went biking," sabi niya at nagpalinga-linga sa paligid. Ibinaba niya ang kamay niya like he's showing me the height of a person. "It's a kid this tall."
Why would they do that though?
Nagulat na lang ako dahil biglang may tinawag na pangalan si Haki sa 'di-kalayuan. Napalingon ako at nakita ko ang batang babae. Siya ba ang tinutukoy ni Haki? Why would a little girl do something like that?
Sinundan ko lang si Haki habang kausap niya ang bata na bumutas sa gulong ng mga bisikleta namin. Sinabi ng bata na inutusan lang siya kaya ginawa niya iyon. When we got to that place na sinasabi ng bata, nagulat ang lalaki na mukhang tatay niya. May maliit silang tindahan ng mga gulong sa labas ng maliit na bahay nila.
He explained that he asked his daughter to do that dahil wala man lang raw bumibisita sa talyer niya... and because of that, puro saging na lang raw ang kinakain nila nitong nakaraang araw. I somehow felt bad for them. I'm still lucky that I get to eat delicious meals kahit na wala na akong magulang.
I was staring at Haki's expression. Tinitingnan ko kasi kung ano ang gagawin niya tungkol rito. Nagulat na nga lang kaming lahat dahil tumawa siya nang malakas. "That's an insane marketing strategy!"
Nagkatinginan tuloy kaming tatlo.
Everyone would be enraged kung mangyayari ito sa kanila, but Haki kept his cool. Mahinahon niyang ipinaliwanag sa matandang lalaki na mali iyon and they can really causem inconvenience to other people. He told the man that he will definitely suggest his shop to other people. He even told him some tips and other marketing strategies and advice. He even asked him to take the bicycles, palitan ng gulong at ibenta na rin, kahit na secondhand. He gave him a small amount of money for dinner. Ayaw kasi niyang tumanggap nang malaking halaga at sobra-sobra na raw ang naitulong ni Haki.
The man shook Haki's hands with joy. Mukhang naiiyak na rin nga siya. Wala naman akong masabing kahit ano. Ewan ko ba kay Haki kung balak niyang kumandidato sa susunod na eleksyon.
BINABASA MO ANG
Playdate
RomansaHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...