"Kia," nakaramdam ako ng tapik sa pisngi ko. "Kia, wake up."
Iminulat ko ang mata ko at laking gulat ko nang makita ko si Haki, even if my vision is still hazy. Napabangon ako bigla at nang ilibot ko ang tingin ko sa paligid, nasa hindi kilalang kwarto ako. I looked at the window and saw how dark it is outside. Sobrang haba ng tulog ko?!
Hinawakan niya ang likod ko. "You should sleep more," sabi niya while encouraging me to lie down again. "You were sleeping so soundly but you started sobbing all of a sudden. I didn't want to wake you up. Go back to sleep."
Hindi ako nakapagsalita. Napanaginipan ko na naman ang tagpong iyon. And for me, it's a nightmare. Kapag napapanaginipan ko ang mga nangyari noong araw na iyon, noong nawala si Papa at hindi ko siya nilingon kahit sa huling sandali niya, pakiramdam ko, sasabog ang puso ko. Is this his way of telling me na dapat ay tiningnan ko man lang siya? I started to regret everything, after dreaming about it so often...
Oh, right! Gabi na! Nasaan na si Kuya Derek? Did he go home? Baka naman pinauwi na siya ni Haki dahil hindi naman pwedeng hintayin nya pa akong magising. Magpapasalamat na lang ako mamaya sa kanya through text message.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. This is not his bedroom. Or is it? Kung tama ako sa pagkakatanda ko, kulay asul ang theme ng kwarto niya, but this room is painted with a dark shade of gray and the sheets are white. His wooden furnitures are in rich brown at karamihan sa gamit niya at kulay itim, gaya na lang ng kumot na nakabalot sa akin. Baka nagbago na lang talaga siya ng taste sa kulay.
Nagmamadali akong bumaba ng kama kahit may nararamdaman pa akong kaunting pagkahilo. He stood up mula sa sofa bed na inuupuan niya. "Where are you going?"
"Uuwi na ako," sabi ko sa kanya at dire-diretsong lumakad papunta sa pinto kaya naman sinundan niya ako.
"Kumain ka muna," he said. Why does he sound so worried? "You passed out earlier dahil siguro hindi ka pa kumakain."
"Why do you care?" tanong ko at tuluyang binuksan ang pinto. Laking gulat ko naman dahil nasa mansyon niya pala kami at pakiramdam ko ay mahihilo ako dahil hindi ko alam kung saan sisimulang maglakad dahil sa dami ng pasikot-sikot sa loob ng bahay niya. It seems to me like the whole place is still well-preserved kahit hindi ko alam kung may tao bang namalagi rito noong mga panahong wala siya.
Nagsimula akong maglakad kahit hindi ko alam kung saan ba ako papunta.
"Kia, listen," sabi niya mula sa likuran ko. "I'm sorry if you thought like that when I ordered too much. We're preparing for a business meeting and looking for snacks. Aegis told me to try the products you're reselling because they're good."
"Really?" tanong ko noong lumingon ako at tinaasan siya ng kilay. Ang bilis naman niya umisip ng palusot. "Bakit sa akin pa? Ang daming mas mahal dyan!"
"I don't really care about the price as long as it's good," sabi niya sa akin na parang hinuhuli pa ang mata ko.
Hindi naman ako nakapagsalita. Nakakahiya! So that means, mali ako? Akala ko talaga ay naaawa siya sa akin that's why he bought a lot! I guess some things never change. He still does not care about the price of the food as long as it tastes good. This brings back memories noong magkasama pa kami dating kumain ng mga street foods...
Ano'ng sasabihin ko? Sorry? No! Ayokong mapahiya sa harap niya!
"Aalis na ako," diretsong sabi ko at tumalikod ulit mula sa kanya.
"Okay, I'll take you home. Just tell me where you live, " sabi niya kaagad. "I checked so many times sa dati nyong bahay kung nandoon ka pa, but you were not there. Arranging a night out with our friends is the only way to meet you. But it didn't work well. I didn't have the chance to talk to you last night."
So siya ang may pakana kung bakit kami nagkita-kita kahapon? He's planned all of that? At saka, bakit naman niya iniisip na mananatili ako sa dati naming bahay? Is he really dumb o wala lang talagang common sense? Baka hindi nya pa lang talaga alam na wala na si Papa.
"Ayos na nga kasi," sabi ko sa kanya, trying to avoid the conversation. Sobrang ayoko talagang mapag-usapan ito. "At huwag mo na akong ihatid pauwi sa bahay. Magpapasundo na lang ako kay Sancho."
I don't want him to know where I live! Baka mamaya, palagi pa akong bulabugin ng lalaking ito! I don't want that to happen!
Kaagad kong hinugot mula sa bulsa ko ang phone ko at humarap sa kanya. I dialed Sancho's number at when it started ringing, ini-loudspeaker ko iyon. Just you wait, Harlequin! Hindi kita kailangan!
"Hello?" rinig namin parehong sagot ni Sancho mula sa kabilang linya. Ramdam ko ang titig ni Haki sa phone ko at pabalik sa mukha ko.
"Sancho, busy ka ba?"
"Why?" tanong niya. I can feel na malayo sa kanya ang phone dahil mahina lang ang boses niya. "I'm packing my things for a trip with my family tomorrow. Bakit?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sobrang nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya na magpapasundo ako habang busy siya sa paghahanda ng mga gamit niya! Wrong timing yata talaga ang pagtawag ko sa kanya ngayon.
And worse, I can see how a smile crept on Haki's face noong marinig niyang nagpaalam ako kay Sancho. Nakakahiya na talaga kay Sancho. Baka sabihin pa ng parents niya, sobrang inaabuso ko ang anak nila.
Wala akong choice kundi magpahatid kay Haki. He still uses the same van even after five years, pero nakita ko sa garahe nila na may isa pa siyang kotse. Mukhang hindi pa nga lang nagagamit.
Magkatabi kami ngayon ni Haki sa likod at iba na ang driver nya ngayon. Siguro ay may katandaan na si Kuya Ando ngayon para ipagmaneho si Haki kaya naghire na siya ng panibagong driver.
Our shoulder blades touched pagkatapos dumaan sa humps, and waves of memories kept on hitting me. Natatandaan ko na ganitong-ganito rin ang pwesto namin noong papunta kami sa debut ng kapatid ni Sancho, at katulad noon, amoy na amoy ko ang pabango niya. After all these years, siya lang talaga ang kilala kong lalaki na gumagamit ng amoy baby na pabango. Ewan ko sa kanya kung balak niya yatang maging endorser ng baby cologne. Pero alam ko naman na kaya hindi siya gumagamit ng strong perfume ay dahil sensitive masyado ang ilong niya... at sinabi niya pa noon na... 'huwag kang mag-alala, baby mo na ulit ako bukas'.
ARGH!
I washed the thoughts away. Reminiscing about bad memories is not good for the health! Take note of that!
Is that really a bad memory? Well, I'm really not sure. And I don't want to think about it...
Nagulat ako nang biglang may dumantay na ulo sa balikat ko at paglingon ko, Haki is snoring while sleeping on my shoulder. Baka masyadong napagod maghapon...
Now that I look at him like this, he looks the same to me. It's true na maraming nagbago sa pangangatawan niya, and even his face, but he still looks the same to me. I mean, he did not become extremely muscular, pero he has that aura that would make him stand out in a crowd, kahit na noon pa man. He has long eyelashes! Ang daya! Ano siya, feeling ostrich? Even his thick eyebrows are pretty. Hindi rin sobrang tangos ng ilong niya gaya ng makikita sa mga male models, but it fits his face perfectly. His hair looks soft. Plus his lips are plump and ripe for kissing.
Natauhan ako nang mapalingon ako sa rear view mirror at nakitang nakatawa ang driver niya habang tinitingnan kaming dalawa ni Haki.
Kaagad ko namang siyang itinulak at pinalayo sa akin kaya naman mukhang nagulat siya at nagising dahil sa ginawa ko. Tumama rin kasi ang braso niya sa pinto ng kotse.
"That hurts," papikit-pikit na sabi niya at tumingin sa paligid. "Are we there yet?"
Umiling lang ako at dumistansya nang kaunti mula sa kanya.

BINABASA MO ANG
Playdate
RomansaHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...