18

6.4K 148 40
                                    

Ilang beses akong naghilamos ng mukha pagkagising ko kaninang umaga. Kung bakit ba naman magdamag akong umiyak nang umiyak kahit alam kong may pasok kinabukasan. Nakakapagsisi tuloy.

"Kia," narinig kong sabi ni Papa habang inihahanda ang pananghalian ko. "Ayos ka lang ba? Bakit namumugto ang mata mo?"

Napalingon sa akin si Ate Yona. Hindi naman ako makatingin. Pakiramdam ko, sobrang sama ko dahil kahit walang kasalanan si Ate Yona, naiisip ko pa rin na siguro, kung wala siya, baka may pag-asang magustuhan rin ako ni Haki. Kagabi, naisip ko lahat, simula sa simula. Noong gabing nagkakilala kami ni Haki, nalaman niya na kapatid ako ni Ate Yona, kaya kinabukasan, lumapit siya sa akin para magpatulong na manligaw. Bakit hindi ko naisip iyon noong una pa lang? He's trying to ask for help from me because I'm closest to Ate Yona, since I'm her sister! Bakit binalewala ko ang mga clue noong sinasabi niyang mas matanda sa kanya ng halos limang taon? Bakit hindi ko man lang naisip na si Ate ang nagugustuhan niya?

I mean... yes. Compared to me, Ate Yona is a beauty. She is fair-skinned, maganda rin ang hubog ng katawan niya, at matangkad siya. I can't help but stare at her breasts. Compared sa aking humble beginnings, talagang pumuputok sa laki ang sa kanya. Kung bakit ba naman parehong likod ang meron ako. But that's not the case! Kahit anong gawin ko ngayon, kahit pagkumparahin ko pa ang dibdib naming dalawa, siya pa rin ang gusto ni Haki. I mean... he kissed me not only once, at may ibang bagay na rin na nangyari sa aming dalawa, but he still likes her... Kung mababaw lang talaga ang nararamdaman niya kay ate, he will get swayed easily. Pero hindi. Ano'ng laban ko doon? Ano'ng laban ko sa kanya? Maybe he likes Ate Yona for a different purpose... or he has no reason at all. That's love, right? And who am I to judge? I don't even know what love is yet! Masyado lang siguro akong OA dahil hindi ko matanggap na ginamit ako ni Haki para lang mapalapit kay Ate lalo, pero payag naman talaga ako. Maybe he really liked her dahil kahit na kasambahay si Ate sa mansyon niya... he did not care at all. Maybe he just really used me. Maybe he's just really practicing his skills at pinag-eeksperimentuhan ako. Alam ko naman iyon, 'di ba? Pero bakit ganito? Bakit... medyo masakit? Alam ko naman talaga na ginagamit niya lang ako. At pumayag naman ako dahil tinakot niya ako noon tungkol sa pagiging outsiders namin sa isla. But if he really likes my sister, hindi niya kami palalayasin, 'di ba? And he's really not that kind of person... and on top of that, we are friends. Just friends.

Sobrang dami ng laman ng isip ko at halos malimutan ko nang sumagot kay Papa, "Opo, okay lang po ako," sabi ko at inilagay ang pananghalian ko sa bag ko. "Aalis na po ako."

Nagmano ako kay Papa at lumabas ng bahay nang hindi lumilingon kay Ate Yona. Paniguradong tatanungin niya lang ako tungkol sa dahilan ng pamumugto ng mata ko dahil sa kanya lang naman ako nakapag-open ng nararamdaman ko tungkol kay Haki, kahit hindi naman ako totally umamin sa kanya. That would be so awkward... and the fact that she keeps on shipping me with Haki means she does not know about how he feels yet. Sobrang nagi-guilty talaga ako sa nararamdaman ko, damn it!





"Lunch tayo?" yaya sa akin ni Sancho habang nakasilip sa bintana ng classroom ko. Lumingon ako kina Jeni at Bana at nakita kong kinuha nila ang mga lalagyan nila ng pagkain. Huminga ako nang malalim nang maalala ko na sabay-sabay nga pala kaming nanananghalian, at dahil doon, makikita ko si Haki. Lumingon ako kay Sancho at tumango bago lumabas ng classroom kasama 'yung dalawa.

Noong hindi pa namin kaibigan sina Haki, sa classroom lang talaga kami nanananghalian nina Jeni. Pero ngayong naging kaibigan namin 'yung apat na lalaki, mayroon kaming spot kung saan kami kumakain, at iyon ay sa likod ng gym. Kakaunti ang mauupuan at makakainan doon kumpara sa canteen, pero mas gusto naming lahat na doon kumain dahil kami lang talaga ang tao. Sapat na rin naman na may lamesa kami at upuan doon.

Nakahinga ako nang maluwag dahil pagdating namin doon ay wala pa ang iba, pati si Haki. Tanging kami lang ang nandoon nina Sancho at 'yung dalawa nina Jeni. Noong tinanong ko si Sancho kung nasaan sina Haki, sabi niya ay bumibili pa raw ng ulam sa canteen.

"Uhm," sabi ni Sancho at umupo sa tabi ko. kaharap naman namin sina Jeni at Bana ngayon. Medyo naawkward naman ako dahil naalala ko ang sinabi sa akin ni Haki kahapon na may gusto raw ako kay Sancho at ganoon rin siya sa akin. But that's impossible, right? "Kia..."

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Ramdam ko naman kung gaano kabigat ang tingin sa amin nina Jeni at Bana na parang abang na abang kung ano ang sasabihin ni Sancho.

"Do... do you like... dogs?" tanong niya sa akin na parang nauutal pa at nagkakamot ng ulo.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" tanong ko. "Sakto lang..."

Though I am not really a pet lover... May isa naman kaming aso sa bahay, si Hansel, pero si Papa talaga ang nag-aalaga sa kanya. Dogs are cute to me pero I didn't really consider owning and looking after one.

"Oh," sabi ni Sancho at kinuha ang phone niya. Lumapit siya sa akin at may ipinakita mula doon. I saw pictures of puppies. "Our dog gave birth to 3 pups... I wanna give you one... to guard you."

I looked at him at nakita ko kung gaano kapula ang mukha niya habang magkalapit kaming dalawa. Naamoy ko rin ang mamahaling pabango niya pero... bakit mas gusto ng pang-amoy ko ang baby cologne ni Haki? At saka... to guard me? Ang liit-liit pa nyan! Mukhang hindi pa nga dumidilat!

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating sina Haki at inilapag sa mesa ang binili nilang pang-ulam. Humiwalay naman kaagad sa akin si Sancho. Haki looked my way at ngumiti lang sa akin. Hindi naman ako humihiling na pansinin niya ako pero medyo masaya ako dahil pinansin niya pa rin ako, but unlike the usual, hindi siya umupo sa tabi ko at kukulitin ako tungkol sa ulam ko.

"So, as I was saying," narinig kong sabi ulit ni Sancho at iniabot muli sa akin ang phone niya. "I'm going to give you one... which one do you like best?"

Gusto kong tumanggi sa kanya pero ayaw ko namang masaktan siya. I mean, he's really sweet and he even told me na bibigyan niya ako para bantayan ako. That's really sweet, right? Kumpara naman sa mga korni at pa-cool na mga banat ni Haki. Kailangan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay!

"Ah, 'yung puti na lang," sabi ko at itinuro ang puting-puting tuta mula sa phone niya. "Ano'ng gusto mong ipangalan natin?"

Naramdaman ko na parang nahugot ni Sancho ang paghinga niya kaya naman napalingon sa kanya ang lahat. Napatingin ako kina Jeni at mukhang kinikilig 'yung dalawa. Napalingon ako ulit kay Sancho at namumula pa rin siya. Hinawakan ko ang noo niya. "Ayos ka lang ba?"

"Oh my god, ang cute ni Sancho kiligin!" sigaw ni Bana kaya naman napabitaw ako. Ano? Ano'ng nakakakilig doon? Tinanong ko lang naman kung ano'ng gustong ipangalan...

Nakita kong palapit sa amin si Haki habang may hawak na tinidor na may nakatusok na pritong saging. Umakbay siya sa aming dalawa at tiningnan ang phone ni Sancho. "Wow! Ang cute naman! May alaga rin ako sa bahay! Hindi nga lang aso at hindi rin pusa."

Nakita kong binatukan siya ni Aegis. "Ano'ng aalagaan mo sa bahay bukod sa aso at pusa!"

"Garapata!" pabirong sabi ni Haki.

"Ah, yak! Kadiri ka! Kumakain ako!" singhal ni Nikos na halos maduwal na kaya naman nagtawanan kami.

"Haki, umalis ka nga dyan!" narinig kong sigaw ni Jeni. "Nagmo-moment 'yung dalawa! Pinapangalanan 'yung anak nilang tuta, panira ka!"

"Oh, sorry," sabi ni Haki at inalis ang pagkakaakbay sa aming dalawa. Nakita kong tinapik niya ang ulo ni Sancho, "Duma-damoves na pala ang manok ko! Very good ka dyan!"

Naiyukom ko ang kamao ko dahil sa sinabi ni Haki. I don't know, but it pissed me off, dahil parang wala lang talaga sa kanya ang lahat. Maybe, it's my karma for rejecting too many suitors back then. I mean, I only thought before that rejection must really hurt... but it seems like I was wrong. Rejection hurts a little, but indifference stings a lot.

It pains me that he does not care at all.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon