Linggo ngayon, at pagkagaling namin ni Papa sa palengke, dumiretso na agad kami sa bahay, and we were pretty shocked to see my friends waiting outside.
"Why didn't you tell me beforehand?" tanong ko kay Sancho habang hawak ang tuta na bigay niya sa akin.
"Oh," sabi ni Sancho. "It's really not planned. Sinabi ko lang kay Haki na pupunta ako sa inyo para dalhin 'yung tuta. Niyaya nya 'yung iba."
Lumingon ako sa direksyon ni Haki at nag-peace sign lang siya sa akin habang tinutulungan ang ibang boys na ilabas ang mga pagkain mula sa van niya.
Nilingon ko ang tuta na hawak ko. I'm still not used to handling such a cute and delicate little thing. Medyo natuwa naman ako dahil ang cute niya talaga. Puting-puti siya at may suot kulay pulang leather collar na may lemon studs. Sancho said that Hara chose that collar for this puppy.
"Ano'ng gusto mong ipangalan ko sa kanya?" tanong ko kay Sancho, not even realizing how he blushed so much noong tinanong ko siya noon. My stupid mouth! Pero gusto ko lang naman na siya ang magpangalan dahil sa kanya galing ang aso...
"Oh, it's up to you," sabi niya sa akin at tumingin sa tuta and poked its tummy. "But I think we should call him 'Lemon'?"
Natawa naman ako sa hitsura ni Sancho dahil ang cute niya habang nilalaro ang tuta. Pumayag naman ako na Lemon ang ipangalan sa kanya dahil sa dog collar nito. Sancho even gave me dog food para kay Lemon, and even toys for him at pati na rin para kay Hansel.
Nakita kong palapit sa amin si Haki at bigla niyang hinawakan sa ulo ang tuta, pero marahang umiwas ang aso sa kanya. "Oops?" sabi ni Haki at tumingin sa amin. "Ayaw n'ya sa akin!"
Natawa naman kami sa sinabi niya. Napalingon ako sa kanya dahil biglang napabaling ang tingin niya sa likuran ko. Napalingon halos lahat kami dahil tumakbo si Haki papunta kay Ate Yona at tinulungan siya na buhatin ang mga dalang timba ni Ate Yona na kagagaling lang siguro sa balon para kumuha ng tubig na panlaba.
"Ako na ang magbubuhat!" masiglang sabi ni Haki kay Ate Yona. Ramdam ko rin ang biglang paglingon sa akin ng iba kong kaibigan, gaya na lang ni Sancho, pero ibinaling ko ang tingin ko kay Lemon at hinaplos-haplos ang ulo nito. Why the hell are they looking at me? Naiisip kaya nila na naaapektuhan ako o iniisip nila kung bakit tinulungan ni Haki si Ate Yona? Well, maybe it's the latter since malabong paghinalaan nilang may gusto ako kay Haki dahil kay Sancho.
I've never talked about it with Ate Yona. Never again. Nagkukunwari akong hindi ko alam na hindi siya ang gusto ni Haki. Nagkukunwari akong wala akong alam sa kanilang dalawa. That way, sa tingin ko, maisasalba ko kahit papaano ang pride ko. It's better this way.
Hinabol ko ng tingin si Ate at si Haki habang buhat-buhat ni Haki ang timba papunta sa likod ng bahay. Ibinigay ko kay Papa si Lemon para ilagay sa ginawa niyang bahay para dito at binigyan rin ng kaunting pagkain.
Abang na abang rin ako na bumalik si Haki at maya-maya'y bumalik rin siya na gusot na gusot ang mukha.
"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Wala, pinabalik ako dito ng ate mo," lumuhod siya kalebel ni Lemon at hinaplos muli ang ulo nito gaya ng ginawa niya kanina pero hindi lang ito umiwas sa kanya ngayon, he even growled. Nagitla si Haki at inilayo ang kamay niya kay Lemon. "Ayaw niya talaga sa akin."
Napatawa ulit ako dahil sa sinabi niya. Medyo napaisip tuloy ako if he's referring to Lemon or Ate Yona. I don't know exactly if Ate Yona feels the same way about Haki though...
Dahil hindi naman gaanong mainit ang panahon ngayon, nagpasya kaming mag-bisikleta. Babalik kami sa bahay mamaya kapag magtatanghalian na. Sa ngayon, pupunta muna kami sa sinasabing talon ni Haki malapit sa may Villago, pero hindi naman kami maliligo dahil wala kaming dalang pamalit. Ang problema nga lang, tatlo lang ang may bisikleta sa amin, si Haki, Aegis at saka si Nikos kaya naglalakad lang kaming mga wala, pero ayos lang dahil hindi naman raw gaanong malayo, sabi ni Haki.
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...
