Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang palapit kami nang palapit sa pamilyar na lugar.
"Kuya, dito po talaga 'yung sinasabi sa address?" kuryoso kong tanong. Sobrang tagal ko na sa Rivadenera at alam ko ang lugar na ito, pero hindi ko iyon napansin kanina.
Tumango si Kuya Derek sa akin. "Sa may Hibiscus daw, Kia. Dito talaga iyon. Malapit sa dagat..."
Gustong-gusto kong bumaba ngayon mula sa pickup truck, pero nakakahiya naman kay Kuya Derek kung gagawin ko iyon. Kung mga normal na araw lang ito, ayos lang sa akin na pumunta rito. This place is literally at the back of Haki's mansion! Tandang-tanda ko noon na kitang-kita ko mula sa mansyon niya ang beach at binalak naming pumunta roo kinabukasan pero hindi kami natuloy.
Wala naman siya dito, 'di ba? Paniguradong nasa mansyon lang siya at nagpapahinga dahil pagod rin siya kagabi. 'Di ba?
Pero bakit ba ako ang natatakot na magpakita sa kanya?
Bumusina si Kuya Derek sa unahan ng Hibiscus beach at tinanaw ko ang mansyon ni Haki. I'd be lying kung sasabihin kong hindi ko iniisip kahit paminsan-minsan noon kung nasaan na ba siya. If he's doing fine or is he eating his meals. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong pakialam kung nasaan na siya.
But everytime na iisipin ko siya, biglang may parang magpa-pop na bubble sa isip ko saying, "You can miss the memories, but sis, remember the disrespect."
Of course. What he did to me wasn't a laughing matter. That night na huli kaming nag-usap five years ago, I don't hate him just because he likes someone else. I hated him because he didn't believe me.
He didn't know how his words affected me... up until now. Sobrang laking sugat ang iniwan ng mga salita niya sa akin.
Pero it's all in the past. I should get over it. I should, right?
Pagbaba namin ni Kuya Derek ng pickup, habang nasa likod siya at kinukuha ang order, tinawagan ko ang numero ng buyer pero hindi sumasagot. Ilang beses pa akong tumawag pero wala talaga.
Nagtataka akong nilingon ni Kuya Derek. "Bakit?"
"Sorry, Kuya," nag-aalalang sabi ko. Baka naman na-scam talaga ako? Masyado yata akong nasobrahan sa panonood ng mga drama kaya naman kung ano-anong iniimagine ko na mangyayari sa buhay ko. "Hindi ko ma-contact 'yung umorder na si Soña dela Raz."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Huh?"
"Kia."
Sabay kaming napalingon ni Kuya Derek nang may pamilyar na baritonong boses kaming narinig na tumawag sa pangalan ko.
I looked at him and raised a brow. "Ikaw?"
Kelan pa naging Soña ang pangalan niya? Is this another one of his stupid pranks again?
"Ah, yeah," he said at lumapit sa amin. Nakita kong nilingon niya ang mga hawak na box ni Kuya Derek at ibinalik ang tingin sa akin. "I asked someone to order them... since..."
Hintay ako nang hintay sa kung ano ang sasabihin niya pero hindi siya nagsalita at ibinaling ang tingin kay Kuya Derek. He asked him to take the boxes inside. Iniwan niya lang kaming dalawa roon.
Noong wala na si Kuya Derek, he looked at me and spoke again, "...since it seems like you still hate me. So much."
Hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya. Ngayong nakatayo kami pareho, I can really see how tall he became. His body became more toned. He's gained muscles at halata ko rin ang paglapad ng balikat niya. His hair is swept up at mukhang katatapos lang maligo dahil naaamoy ko ang shower gel na gamit niya.
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...
